PNP, nagpaliwanag sa di pag-release ng 5 Chinese na inaresto sa ni-raid na POGO

Hindi pwedeng basta pakawalan ng Philippine National Police (PNP) ang limang Chinese na inaresto sa ni-raid na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa Las Piñas dahil walang passport ang mga ito. Ito ang paliwanag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo kung bakit hindi nila agad maipatupad ang kautusan ng Department of Justice na pakawalan… Continue reading PNP, nagpaliwanag sa di pag-release ng 5 Chinese na inaresto sa ni-raid na POGO

Isa sa mga suspek sa tangkang pagpatay sa photojournalist, naaresto na ng QCPD

Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang suspect sa tangkang pagpatay kay Joshua Abiad, photo journalist ng Remate Online. Kinilala ang naarestong suspect na si Eduardo Almario Legazpi. Sa pulong balitaan, sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, na nahuli ng pulisya si Legaspi sa Muntinlupa City. Dahil sa… Continue reading Isa sa mga suspek sa tangkang pagpatay sa photojournalist, naaresto na ng QCPD

Metro Manila Council, ipinaubaya na sa LGUs ang pag-regulate sa paggamit ng tubig ng business establishments

Ipinauubaya na ng Metro Manila Council (MMC) sa mga lokal na pamahalan sa National Capital Region (NCR) ang pag-regulate sa paggamit ng tubig ng ilang business establishment na kanilang nasasakupan. Ito ay upang makatulong na matugunan ang krisis sa tubig dahil sa El Niño. Ayon kay MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora,… Continue reading Metro Manila Council, ipinaubaya na sa LGUs ang pag-regulate sa paggamit ng tubig ng business establishments

Isang senador, naniniwalang malapit nang mapalayas ang mga POGO sa Pilipinas

Para kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian malapit nang tuluyang mapa-ban ang mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa. Ayon kay Gatchalian, mas dumadami ang dahilan para i-ban ang mga POGO dahil sa mga nautuklasang kaso ng human trafficking kamakailan ay may mga Pilipino nang nabibiktima nito. Ibinahagi rin… Continue reading Isang senador, naniniwalang malapit nang mapalayas ang mga POGO sa Pilipinas

Paggamit ng PCG ng oil company rebate sa pagbili ng luxury vehicle, ‘di tama – Sen. Gatchalian

Kung si Senador Sherwin Gatchalian ang tatanungin, hindi tama ang ginawa ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng luxury vehicle gamit ang rebate sa isang oil company. Sa report kasi ng Commission on Audit (COA), lumalabas na aabot sa P5 million ang biniling luxury car ng PCG at pina-bullet proof pa na nagkakahalaga ng… Continue reading Paggamit ng PCG ng oil company rebate sa pagbili ng luxury vehicle, ‘di tama – Sen. Gatchalian

Pagtitipid ng tubig at pagtugon sa water crisis, ipinanawagan

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Ito lalo na aniya at inaasahang patuloy pang bababa ang lebel ng tubig sa dam, na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila dahil… Continue reading Pagtitipid ng tubig at pagtugon sa water crisis, ipinanawagan

Turismo ng Pilipinas, isa sa magbebenepisyo sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol

Positibo si House Committee on Tourism Vice-chair Marvin Rillo, na malaki ang maiaambag sa turismo ng bansa ng inaasahang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol. Kung matatandaan sa presentation of credentials ng bagong ambassador ng Seoul sa Pilipinas na si Ambassador Lee Sang-Hwa ay sinabi nito, na balak ng South Korean president na… Continue reading Turismo ng Pilipinas, isa sa magbebenepisyo sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol

Php 645 na halaga bawat kalendaryo na “giveaways” ng TIEZA, pinuna ng COA

Pinayuhan ng Commission on Audit ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na magsanay ng “principles of economy.” Ito’y matapos bumili ng mga kalendaryo ang TIEZA na nagkakahalaga ng Php 645 bawat isa bilang year-end corporate giveaways. Sa audit report noong 2022, nabanggit ng mga state auditor na ang nanalong bidder ay nag-quote ng… Continue reading Php 645 na halaga bawat kalendaryo na “giveaways” ng TIEZA, pinuna ng COA

Las Piñas LGU, naglunsad ng Nutrition Caravan

Nagsagawa ng Nutrition Caravan ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ngayong araw.Ito ay kasabay ng obserbasyon ng buong bansa sa Buwan ng Nutrisyon tuwing Hulyo ng bawat taon. Ayon sa Las Piñas LGU, bahagi ito ng kanilang kampanya na isulong ang tamang nutrisyon gayundin ang pagkakaroon ng aktibo at malusog na pamumuhay. Isinagawa ang Nutrition… Continue reading Las Piñas LGU, naglunsad ng Nutrition Caravan

Seryosong pagtugon sa problema sa suplay ng tubig, ipinanawagan

Nakikita ni Senador Sherwin Gatchalian na makakaapekto sa suplay ng tubig, kuryente at pagkain ang umiiral na El Niño sa bansa. Pangamba ni Gatchalian, maaaring magdulot ng inflation ang mga problemang ito. Sa problema sa tubig, nakikita ng senador na pangmatagalang solusyon ang pagkakaroon ng bagong water source ng bansa lalo sa Metro Manila. Kailangan… Continue reading Seryosong pagtugon sa problema sa suplay ng tubig, ipinanawagan