Pagpapataw ng mas mataas na corporate at franchise tax sa NGCP, pinapakonsidera ni Sen. Poe

Isinusulong ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na itaas ang sinisingil na corporate at franchise tax sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP. Ito ay kasunod ng impormasyon tungkol sa mataas na kita ng NGCP pero hindi naman maisaayos ang serbisyong ibinibigay sa taumbayan. Ipinagtataka ni Poe na habang napakataas… Continue reading Pagpapataw ng mas mataas na corporate at franchise tax sa NGCP, pinapakonsidera ni Sen. Poe

Bureau of Immigration, inilunsad ang bagong s-Services program

Upang mas mapabilis pa ang mga programa at serbisyong hatid ng Bureau of Immigration (BI) na makasabay sa mga makabagong teknolohiya, binuksan na sa publiko ang e-Services program para sa mga foreign travelers na tutungo sa bansa. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, layon ng naturang programa na mas mapadali na ang travel ng mga… Continue reading Bureau of Immigration, inilunsad ang bagong s-Services program

Metro Manila, ilang karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa LPA

Inaasahang magpapatuloy pa ang mga pag-ulan sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan sa mga susunod pang oras. Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, asahan ang mahina hanggang katamtaman na may paminsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Mahina hanggang katamtamang ulan… Continue reading Metro Manila, ilang karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa LPA

PAWS, sasampahan ng kaso ang security guard na naghagis ng tuta sa isang mall footbridge

Desidido ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS na sampahan ng kaso ang isang mall security guard na kuhang naghagis ng isang tuta sa isang footbridge. Sa isang pahayag, sinabi ng PAWS na lubos nitong kinukondena ang isa namang kaso ng animal cruelty. Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya ito sa mga witness para sa kanilang… Continue reading PAWS, sasampahan ng kaso ang security guard na naghagis ng tuta sa isang mall footbridge

Sitwasyon ng ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila ngayong umaga

Nanatiling maluwag sa mga oras na ito ang daloy ng trapiko sa ilang kalsadang naikot namin sa Maynila ngayong umaga. Kanina ay inikutan namin ang kahabaan ng UN Avenue at maluwag pa sa ngayon. Habang sa España Boulevard naman ay wala pa namang naitatalang pagbaha hanggang sa mga oras na ito. Sa ilang lugar sa… Continue reading Sitwasyon ng ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila ngayong umaga

Dept of Water Resources, dapat nang mabuo sa gitna ng kakulangan sa suplay ng tubig ng bansa

Mas lalong nabigyang diin ang pangangailangan sa Department of Water Resources dahil sa water crisis na nararanasan ng bansa ngayon ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda. Aniya, malaking dahilan ng kakulangan sa tubig ay ang kabiguan na i-manage o pamahalaan ng maayos ang mga pinagkukunan ng tubig. “That’s why we need the… Continue reading Dept of Water Resources, dapat nang mabuo sa gitna ng kakulangan sa suplay ng tubig ng bansa

ACT-CIS Rep. Tulfo, handang matuto mula sa mga beteranong mambabatas

Aminado si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na marami pa siyang dapat matutunan sa pagsabak sa bagong papel bilang mambabatas. Ngayong ibinasura na ng COMELEC en banc ang disqualification case laban sa kaniya ay ganap na niyang magagampanan ang trabaho bilang isang kongresista. Aniya, kahit kasalukuyang nasa biyahe ay nagbabasa siya ng mga rules at… Continue reading ACT-CIS Rep. Tulfo, handang matuto mula sa mga beteranong mambabatas

Cloudseeding ops sa Cagayan at Bohol, inihahanda na

CRITICAL. Angat Dam in Norzagaray, Bulacan is down to 180.67 meters of elevation as of 4 p.m. on Thursday (July 6, 2023). It started the day at 180.89 meters. The dam’s minimum operating level is 180 meters. It supplies nearly the entire potable water needs of Metro Manila. (PNA photo by Joan Bondoc)

Pinaghahandaan na ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa Cagayan Valley at lalawigan ng Bohol. Ayon kay Engr. Ernesto Brampio, Water Resources Management Division Chief, batay sa kanilang joint area assessment ay kailangan na talaga ng tulong ng cloud seeding sa Cagayan. Dagdag pa nito, nakapaglaan na… Continue reading Cloudseeding ops sa Cagayan at Bohol, inihahanda na

Caloocan LGU, namahagi ng cash incentive sa mga mag-aaral na nagkamit ng ‘highest honors’

Nakatanggap ng cash incentive mula sa pamahalaang lungsod ang ilang estudyanteng Kankaloo na nagkamit ng ‘highest honors’ sa kanilang mga paaralan. Personal na ipinamahagi ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang tseke na may lamang tig-₱10,000 para sa 35 na mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na marka ngayong school year. Ayon sa alkalde, layon nitong parangalan… Continue reading Caloocan LGU, namahagi ng cash incentive sa mga mag-aaral na nagkamit ng ‘highest honors’

China, nananatiling matibay ang posisyon na di kikilalanin ang Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas noong 2016

Patuloy na hindi kikilalanin ng bansang China ang Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Embassy, labag sa United Nations Convention on Law of the Sea at international law ang naging ruling. Iginiit rin ng… Continue reading China, nananatiling matibay ang posisyon na di kikilalanin ang Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas noong 2016