Food Stamp Program, posibleng ipatupad ng administrasyong Marcos Jr.

May hakbang ng ginagawa ang pamahalaan para sa posibilidad na pagpapatupad ng Food Stamp program. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Asian Development Bank kabilang na kay ADB President Masatsugu Asakawa. Ayon sa Chief Executive, malaking tulong ito sa mga kababayan na aniya’y dati… Continue reading Food Stamp Program, posibleng ipatupad ng administrasyong Marcos Jr.

Phil. Navy, sumaklolo sa 2 nagbanggaang barko sa Mactan Channel

Naligtas ng Philippine Navy ang mahigit 200 pasahero at crew ng Supercat Ferry St. Jhudiel, matapos makabangga nito ang cargo vessel LCT Poseidon 23 sa Mactan Channel, malapit sa Cebu-Mactan (Osmeña Jr) Bridge kahapon ng hapon. Ayon sa Naval Forces Central, agad nilang dinispatsa sa pamamagitan ng Naval Task Force 50 ang BRP Enrique Jurado… Continue reading Phil. Navy, sumaklolo sa 2 nagbanggaang barko sa Mactan Channel

Paglilipat ng mga ISF mula sa danger zone, prayoridad ng Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD

Prayoridad ng Department of Human Settlements and Urban Development ang ‘informal settler families’ na naninirahan sa mga danger zone na mabigyan ng matitirhan sa ilalim ng Pabahay Program ng pamahalaan. Ito ang iginiit ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasunod ng nangyaring insidente sa Estero de Magdalena sa Maynila nang gumuho ang mga bahay na… Continue reading Paglilipat ng mga ISF mula sa danger zone, prayoridad ng Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD

LTO Chief Asec. Tugade, magbibitiw na sa pwesto

Kinumpirma ngayon ni Land Transportation Chief Assistant Sec. Jay Art Tugade na magbibitiw na ito sa pwesto bilang hepe ng LTO. Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na bagama’t pareho sila ng layunin ng Department of Transportation na magtagumpay sa pagbibigay serbisyo sa publiko ay magkaiba naman sila ng pamamaraan. Dahil dito, bababa na lamang… Continue reading LTO Chief Asec. Tugade, magbibitiw na sa pwesto

Postal at Nat’l IDs na nakatakdang ipamahagi sa Maynila, kabilang sa natupok ng sunog sa post office

Isa nga sa mga napabilang sa natupok ng malaking sunog na naganap sa isa sa pinakamatandang gusali sa lungsod ng Maynila, ang National at Postal IDs na nakatakda na sanang ipamahagi sa publiko. Ayon kay Postmaster General Louie Carlos na bukod sa communication letters mula sa korte at ilang mga sulat o parcels mula sa… Continue reading Postal at Nat’l IDs na nakatakdang ipamahagi sa Maynila, kabilang sa natupok ng sunog sa post office

Pambansang programa para sa pangangalaga ng mata ng mga matatanda, isinusulong

Isang panukala ang inihain ng ilang mambabatas para magtatag ng isang ‘eye care service program’ para sa mga matatanda. Salig sa House Bill 7205 na iniakda nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, at ACT-CIS Rep. Edvic Yap, itatayo ang National Eye Service Program for the Elderly na patatakbuhin ng Department of… Continue reading Pambansang programa para sa pangangalaga ng mata ng mga matatanda, isinusulong

Mga residente ng Pasay, muling hinimok na magpabakuna vs. COVID-19

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga residente at mangagawa sa lugar na magpabakuna at booster shot kontra COVID-19. Base sa pinakahuling datos 851,563 ang bakunang naiturok na sa kanilang lungsod. Ayon sa datos ng City Health Department, 29 ang nadagdag sa mga nagkasakit ng COVID-19 sa Pasay City. Dahil dito umakyat na… Continue reading Mga residente ng Pasay, muling hinimok na magpabakuna vs. COVID-19

PNP Chief, binati ang lahat ng pulis sa pagkamit ng 80% Trust & Satisfaction Rating sa huling OCTA survey

Binati ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng opisyal at tauhan ng PNP sa pagkamit ng 80 porsyentong Trust and Satisfaction Rating sa First Quarter 2023 Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research. Ayon sa PNP chief, ang pagtitiwala at kasiyahan ng 80 porsyento ng populasyon sa PNP… Continue reading PNP Chief, binati ang lahat ng pulis sa pagkamit ng 80% Trust & Satisfaction Rating sa huling OCTA survey

Las Piñas, Muntinlupa, Pasay, inaasahang mawawalan ng tubig

Magpapatupad ng water service interruption ang Maynilad sa mga susunod na araw. Kabilang sa maapektohan ang Las Piñas City, Parañaque City, Muntinlupa City, at Pasay City. Dahil dito pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng tubig. Ipapatupad ang water service interruption sa Miyerkules, May 24 hanggang May 26. Ayon sa Maynilad ang pagkaantala ng supply… Continue reading Las Piñas, Muntinlupa, Pasay, inaasahang mawawalan ng tubig

Halos 44k pulis, na-promote ngayong taon

Ibinida ng PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na umabot sa 43,909 ang mga pulis na na-promote ngayong taon. Ayon sa PNP Chief, kasama dito ang police commissioned officers na may ranggong Tinyente hanggang Heneral, at mga non-commissioned officer mula Patrolman hanggang Master Sgt. Paliwanag ng PNP Chief, ang pag-angat sa pwesto ng naturang… Continue reading Halos 44k pulis, na-promote ngayong taon