Pagtatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority, umusad na sa Kamara

Nakausad na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong magtatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o PhilATOM. Kasunod ito ng pag-apruba ng Ways and Means Committee sa tax at revenue provisions ng substitute bill ng “Philippine National Nuclear Energy Safety Act.” Nakapaloob din sa panukala ang palalatag ng isang komprehensibong “legal… Continue reading Pagtatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority, umusad na sa Kamara

Sunog sa Post Office building sa Maynila, idineklarang fire under control ng BFP

Pasado alas-7:22 ng umaga nang ideklarang fire under control ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog ng isa sa pinakamatandang gusali sa Lungsod ng Maynila ang Post Office building. Ayon sa BFP, halos pahirapan ang mga ito sa pag-apula ng apoy dahil sa gawa sa kahoy ang mga sahig ng bawat palapag ng Post… Continue reading Sunog sa Post Office building sa Maynila, idineklarang fire under control ng BFP

Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

Muling nabawasan sa magdamag ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay nasa 191.64 meters ang lebel tubig sa Angat Dam, na higit 10 metro nalang ang layo sa minimum operating level nitong 180 meters. Nabawasan pa ito ng 15 centimeters kumpara sa naitala… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

CSC, tumatanggap na ng aplikasyon para sa August Career Service Exam

Maagang pinilahan ng mga nagbabakasakaling aplikante ang pagbubukas ng aplikasyon para sa August 2023 Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT). Sa Civil Service Commission (CSC)-NCR Headquarters sa Brgy. Doña Josefa, Quezon City, wala pang alas-8 ng umaga kanina ay mahaba na agad ang pila ng mga aplikante. Kabilang sa maagang pumila rito ang mga… Continue reading CSC, tumatanggap na ng aplikasyon para sa August Career Service Exam

PBBM, inatasan ang DILG na ibaba sa LGUs ang kampanya ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng El Niño

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos na maibababa sa mga local government ang kampanya ng pamahalaan na may kinalaman sa El Niño mitigation. Sa gitna na rin ito ng inaasahang matagal na mararanasang tagtuyot ng bansa na ayon sa Pangulo ay baka… Continue reading PBBM, inatasan ang DILG na ibaba sa LGUs ang kampanya ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng El Niño

Sunog sa Post Office building sa Maynila, umabot na sa general alarm

Umabot na sa general alarm ang sunog sa Post Office building, na isa sa mga makasaysayang gusali sa Lungsod ng Maynila, kung saan patuloy pa rin itong inaapula. Iba’t ibang firetrucks mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ang rumesponde sa naturang sunog kung saan nababalot pa rin ng maitim na usok. Sa ngayon… Continue reading Sunog sa Post Office building sa Maynila, umabot na sa general alarm

Post Office building, nasusunog ngayong umaga

Kasalukuyang nasusunog ang isa sa mga iconic building, ang Post Office building sa Lungsod ng Maynila. Batay sa inisyal na pahayag ng Bureau of Fire protection bandang alas-dose ng hating-gabi nag-umpisa ang naturang sunog at magpahanggang ngayon ay patuloy na inaapula ng Bureau of Fire Protection ang naturang sunog. Umabot na sa Task Force Charlie… Continue reading Post Office building, nasusunog ngayong umaga

DMW, nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga OFW na naapektuhan ng entry ban sa Kuwait

Nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers sa mga kababayan nating naapektuhan ng entry ban sa bansang Kuwait. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, aabot sa 815 na Overseas Filipino Workers na hindi natuloy ang kanilang work deployment sa Kuwait ang nakatakdang mabigyan ng financial assistance ng DMW ng aabot sa… Continue reading DMW, nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga OFW na naapektuhan ng entry ban sa Kuwait

DSWD, Parañaque City LGU, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy. San Antonio

Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan ng Parañaque sa mga nasunugan sa Brgy. San Antonio. Aabot sa 600 pamilya ang napagkalooban ng tulong. Kabilang sa naipamahaging tulong ang bigas, groceries, cash assistance, family kit, hygien kit, sleeping kit, at relief supply. Nitong Huwebes naganap ang sunog… Continue reading DSWD, Parañaque City LGU, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy. San Antonio

Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

Nagsasagawa ng Anti- Dengue Cleanup Drive ang lokal na pamahalaan ng Makati. Kabilang sa inikutan ang buong barangay ng Tejeros. Sinuyod ang mga kanal, bubong, iskinita, at mga lugar na posibleng pinamumugaran ng lamok. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layon ng cleanup drive na mapigilan ang pagdami ng lamok. Sinabi naman ni Olan,… Continue reading Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive