VP Sara, dumalo sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Ganao National High School sa Nueva Vizcaya

Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Junior High School sa Ganao National High School, sa Dupex Del Sur, Nueva Vizcaya. Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo, hinimok nito ang mga nagsipagtapos na linangin ang kanilang mga pangarap at huwag matakot na masaktan at mabigo sa pag-abot nito.… Continue reading VP Sara, dumalo sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Ganao National High School sa Nueva Vizcaya

EU countries, nananatili ang interes na mamuhunan sa Pilipinas

Patuloy na tinatamasa ng Pilipinas ang interes ng European countries na mamuhunan sa bansa, partikular ang France, United Kingdom, Belgium, the Netherlands, at Germany. Pahayag ito ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual kasunod ng tatlong linggong road show na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Europa. Sa press briefing sa Malacañang,… Continue reading EU countries, nananatili ang interes na mamuhunan sa Pilipinas

MMDA, pinasinayaan ang pagbubukas ng bagong Communications and Command Center

Binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw ang bago nitong Communications and Command Center sa punong tanggapan nito sa Pasig City. Dumalo sa nasabing okasyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin, dating MMDA Chairperson at ngayon ay Marikina Representative Bayani Fernando, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Muntinlupa City… Continue reading MMDA, pinasinayaan ang pagbubukas ng bagong Communications and Command Center

Pagsusulong sa bagong Agrarian Reform Law, handang suportahan ng isang mambabatas

Suportado ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang panawagan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na magkaroon ng bagong Agrarian Reform Law. Ayon kay Lee, inaaral na nila ang posibleng paghahain ng panukala para sa pagkakaroon ng bagong agrarian reform. Batid naman aniya na 2014 nang mag-expire o magtapos ang batas para sa libreng pamamahagi ng… Continue reading Pagsusulong sa bagong Agrarian Reform Law, handang suportahan ng isang mambabatas

Lubang, Occidental Mindoro LGU, magtatayo ng pitong gusali para sa housing project

Plantsado na ang plano ng lokal na pamahalaan ng Lubang sa Occidental Mindoro na makapagpatayo ng housing units sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program ng pamahalaan. Ayon sa DHSUD, planong magtayo ng pitong 4-storey buildings ang LGU para sa 576 pamilya. Prayoridad na mabigyan ng pabahay ang government employees at mga… Continue reading Lubang, Occidental Mindoro LGU, magtatayo ng pitong gusali para sa housing project

Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa pag-alaga at pagbibigay oportunidad ng Mexico sa Filipino community doon

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Mexico sa pag-aalaga sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa kanilang bansa, na ngayon ay bahagi na aniya ng Mexican society. Sa presentation of credentials ni Mexican Ambassador-designate Daniel Hernandez Joseph sa Malacañang, ibinalita ng ambassador na ang National University ay nagbukas ng oportunidad ngayong taon para… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa pag-alaga at pagbibigay oportunidad ng Mexico sa Filipino community doon

Medical Assistance for Indigent Patients, maaari na ring ma-access ng mga mahihirap na pasyente sa mga pribadong ospital sa Region 8

Lumagda sa kasunduan ang Office of the Speaker, Tingog Partylist, at Private Hospital Institutions sa buong Region 8 para mabigyang access ang mga mahihirap na pasyente sa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) sa mga pribadong healthcare institution. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tingog Party-list Representative Yedda Romualdez, na ang serbisyong pangkalusugan ay isang mahalagang… Continue reading Medical Assistance for Indigent Patients, maaari na ring ma-access ng mga mahihirap na pasyente sa mga pribadong ospital sa Region 8

PH-France direct flight, pinaigting na scholarship program para sa Filipino students, maaasahan ng mga Pilipino

Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang French government sa inisyatibo nitong magbukas ng direct flight mula Maynila patungong Paris at ang plano nitong patatagin ang scholarship programs para sa mga Pilipinong mag-aaral. Sa farewell call ni outgoing French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz, sinabi nito na ang kanilang pamahalaan, mahigpit na ang… Continue reading PH-France direct flight, pinaigting na scholarship program para sa Filipino students, maaasahan ng mga Pilipino

Delegasyon ng EU sa PH, suportado ang pagbuo ng Code of Conduct sa pagitan ng ASEAN at China

Sinusuportahan ng European Union ang mabilis na pagtatapos ng usapan sa pagbuo ng Code of Conduct sa pagitan ng ASEAN at China na nakaayon sa United Nations Convention on Law of the Sea at rumerespeto sa karapatan ng mga third party. Inilabas ang pahayag ng EU Delegation kasama ang mga embahada ng mga EU Member… Continue reading Delegasyon ng EU sa PH, suportado ang pagbuo ng Code of Conduct sa pagitan ng ASEAN at China

Sen. Go, inaasahang mailalatag ni Pangulong Marcos Jr. ang mga ‘pro-poor programs’ nito sa kaniyang SONA

Inaasahan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na marinig ang mga ‘pro poor programs’ na ilalatag ni Pangulong Ferdindand R. Marcos Jr. sa magiging ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito sa July 24. Binigyang diin ni Go ang kahalagahan na matiyak na walang maiiwang Pilipino sa proseso ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Nais… Continue reading Sen. Go, inaasahang mailalatag ni Pangulong Marcos Jr. ang mga ‘pro-poor programs’ nito sa kaniyang SONA