MTRCB, pinayagang ipalabas ng buo ang pelikulang ‘Barbie’; Sen. Tolentino, dismayado sa desisyon

Pinahintulutan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng buo sa pelikulang ‘Barbie’. Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilan na i-ban sa Pilipinas ang pagpapalabas nito dahil sa isang eksenang nagpapakita ng nine-dash line claim ng China sa South China Sea. Kabilang sa mga tutol na ipalabas sa bansa… Continue reading MTRCB, pinayagang ipalabas ng buo ang pelikulang ‘Barbie’; Sen. Tolentino, dismayado sa desisyon

Suporta para sa mga agrarian reform beneficiaries, pinatitiyak para maiwasan ang pagbebenta ng lupang ipinagkaloob ng pamahalaan

Pinatitiyak ni AGRI Partylist Representative Wilbert Lee na mabibigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka upang hindi mauwi sa pagbebenta ng lupang in-award ng gobyerno sa kanila. Ang panawagan ni Lee ay tugon sa pangamba ng ilang grupo na baka ibenta lang ng mga agrarian reform beneficiary ang kanilang lupa, matapos maisabatas ang RA… Continue reading Suporta para sa mga agrarian reform beneficiaries, pinatitiyak para maiwasan ang pagbebenta ng lupang ipinagkaloob ng pamahalaan

Phil. Air Force, magsasagawa ng cloud seeding ops vs. El Niño

Patuloy ang koordinasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM) Water Resources Management Division para sa pagsasagawa ng cloud seeding operations. Ito ang sinabi ni PAF Spokesperson, Col. Bon Castillo kaugnay ng posibleng kakapusan ng suplay ng tubig dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat reservoir dulot… Continue reading Phil. Air Force, magsasagawa ng cloud seeding ops vs. El Niño

PNP, nagpaliwanag sa di pag-release ng 5 Chinese na inaresto sa ni-raid na POGO

Hindi pwedeng basta pakawalan ng Philippine National Police (PNP) ang limang Chinese na inaresto sa ni-raid na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa Las Piñas dahil walang passport ang mga ito. Ito ang paliwanag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo kung bakit hindi nila agad maipatupad ang kautusan ng Department of Justice na pakawalan… Continue reading PNP, nagpaliwanag sa di pag-release ng 5 Chinese na inaresto sa ni-raid na POGO

Isa sa mga suspek sa tangkang pagpatay sa photojournalist, naaresto na ng QCPD

Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang suspect sa tangkang pagpatay kay Joshua Abiad, photo journalist ng Remate Online. Kinilala ang naarestong suspect na si Eduardo Almario Legazpi. Sa pulong balitaan, sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, na nahuli ng pulisya si Legaspi sa Muntinlupa City. Dahil sa… Continue reading Isa sa mga suspek sa tangkang pagpatay sa photojournalist, naaresto na ng QCPD

Metro Manila Council, ipinaubaya na sa LGUs ang pag-regulate sa paggamit ng tubig ng business establishments

Ipinauubaya na ng Metro Manila Council (MMC) sa mga lokal na pamahalan sa National Capital Region (NCR) ang pag-regulate sa paggamit ng tubig ng ilang business establishment na kanilang nasasakupan. Ito ay upang makatulong na matugunan ang krisis sa tubig dahil sa El Niño. Ayon kay MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora,… Continue reading Metro Manila Council, ipinaubaya na sa LGUs ang pag-regulate sa paggamit ng tubig ng business establishments

Isang senador, naniniwalang malapit nang mapalayas ang mga POGO sa Pilipinas

Para kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian malapit nang tuluyang mapa-ban ang mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa. Ayon kay Gatchalian, mas dumadami ang dahilan para i-ban ang mga POGO dahil sa mga nautuklasang kaso ng human trafficking kamakailan ay may mga Pilipino nang nabibiktima nito. Ibinahagi rin… Continue reading Isang senador, naniniwalang malapit nang mapalayas ang mga POGO sa Pilipinas

Paggamit ng PCG ng oil company rebate sa pagbili ng luxury vehicle, ‘di tama – Sen. Gatchalian

Kung si Senador Sherwin Gatchalian ang tatanungin, hindi tama ang ginawa ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng luxury vehicle gamit ang rebate sa isang oil company. Sa report kasi ng Commission on Audit (COA), lumalabas na aabot sa P5 million ang biniling luxury car ng PCG at pina-bullet proof pa na nagkakahalaga ng… Continue reading Paggamit ng PCG ng oil company rebate sa pagbili ng luxury vehicle, ‘di tama – Sen. Gatchalian

Pagtitipid ng tubig at pagtugon sa water crisis, ipinanawagan

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Ito lalo na aniya at inaasahang patuloy pang bababa ang lebel ng tubig sa dam, na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila dahil… Continue reading Pagtitipid ng tubig at pagtugon sa water crisis, ipinanawagan

Turismo ng Pilipinas, isa sa magbebenepisyo sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol

Positibo si House Committee on Tourism Vice-chair Marvin Rillo, na malaki ang maiaambag sa turismo ng bansa ng inaasahang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol. Kung matatandaan sa presentation of credentials ng bagong ambassador ng Seoul sa Pilipinas na si Ambassador Lee Sang-Hwa ay sinabi nito, na balak ng South Korean president na… Continue reading Turismo ng Pilipinas, isa sa magbebenepisyo sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol