9 hanggang 11 oras na water interruption, ipatutupad ng Maynilad simula Hulyo 12

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services sa mga customer nito na magkakaroon ng water interruption simula sa Miyerkules, July 12. Ayon kay Engr. Ronald Padua, Head ng Water Supply Division, ang water interruption ay bunsod ng mas pinababang alokasyon ng National Water Resources Board o NWRB mula Angat Dam na 48 cubic meters per second,… Continue reading 9 hanggang 11 oras na water interruption, ipatutupad ng Maynilad simula Hulyo 12

DMW, pinag-aaralan na gawing libre ang Overseas Employment Certificate

Pinag-aaralan na ng Deparment of Migrant Workers o DMW na gawing libre ang Overseas Employment Certificate o yung OFW Pass para sa mga kababayan na magtatrabaho sa ibang bansa. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople, ito ang naging direktiba sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos makipagpulong ito sa Malacañang. Kaungay… Continue reading DMW, pinag-aaralan na gawing libre ang Overseas Employment Certificate

Mas maigting na operasyon kontra smuggling, tiniyak ng Dept. of Agriculture

Paiigtingin pa ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement o DA-IE ang kanilang paglaban sa smuggling. Ayon kay Agriculture Asec. James Layug, tuloy-tuloy lang ang kanilang operasyon, pinakahuli rito ay sa Luys Classic Teahouse sa Cebu City noong June 27. Bunsod ito ng pagkabigo ng naturang establisyimento na magpakita ng Certificate of Meat Importation o… Continue reading Mas maigting na operasyon kontra smuggling, tiniyak ng Dept. of Agriculture

FDA, naglabas ng ‘compassionate special permit’ sa paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang uri ng sakit

Naglabas na ng Compassionate Special Permit ang Food and Drugs Administration para magamit bilang gamot sa ilang uri ng sakit ang Cannabis o marijuana. Ito ang ibinalita ni Dr. Gem Mutia, Founder ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine matapos matanggap ang kopya ng special permit mula sa FDA. Sa permit ng FDA, ang Purified CBD… Continue reading FDA, naglabas ng ‘compassionate special permit’ sa paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang uri ng sakit

Cybercrime incidents sa NCR, tumaas ng 152%

Iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na tumaas ng 152 porsyento ang insidente ng Cybercrime sa National Capital Region (NCR) sa unang bahagi ng taon kumpara sa nakalipas na taon. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni ACG Director Police Brig. General Sydney Sultan Hernia na nakapagtala sila ng 6,250 insidente ng cybercrime sa… Continue reading Cybercrime incidents sa NCR, tumaas ng 152%

PNP-ACG, hihilingin sa PAGCOR na regular silang isama sa inspeksyon ng mga POGO

Naniniwala si PNP Anti-Cybercrime Group Director Police Brig. General Sydney Sultan Hernia na may mga iba pang dayuhang pugante na nagtatago sa iba pang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) hub sa bansa. Dahil dito, hihilingin ng ACG sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na regular silang isama sa pag-iinspeksyon ng ahensya sa mga POGO.… Continue reading PNP-ACG, hihilingin sa PAGCOR na regular silang isama sa inspeksyon ng mga POGO

IRR ng Maharlika Investment Fund, sisimulan na — NEDA

Sinisimulan na ng pamahalaan ang pagbuo sa implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund o MIF. Ito ang pahayag ni National Economic and Development Authority o NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon. Ayon kay Edillon, bagamat dadaan pa sa masusing pagsusuri ang MIF bago tuluyang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., kailangan mabalangkas… Continue reading IRR ng Maharlika Investment Fund, sisimulan na — NEDA

₱200,000 pabuya, inalok ng PNP sa impormasyon sa suspek sa pananambang sa abogado ng DPWH

Nag-alok ang Philippine National Police (PNP) ng ₱200,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pananabang sa abogado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Pasay City. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, inilabas ni Southern Police District (SPD) Director Police Brigadier General Kirby Kraft ang nakalap nilang CCTV footage sa… Continue reading ₱200,000 pabuya, inalok ng PNP sa impormasyon sa suspek sa pananambang sa abogado ng DPWH

NDRRMC, kumpiyansang maalpasan ang El Niño sa whole-of-gov’t approach

Naniniwala si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson, Director Edgar Posadas na maalpasan ng bansa ang hamong dulot ng El Niño sa pamamagitan ng “Whole of Government” approach. Ayon kay Posadas, sa pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng pamahalaan ay matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na apektado ng matinding tagtuyot.… Continue reading NDRRMC, kumpiyansang maalpasan ang El Niño sa whole-of-gov’t approach

Quezon City at Daly City sa California, ipagpapatuloy ang sister city agreement

Magpapatuloy ang sister city agreement sa pagitan ng Quezon City at Daly City sa California. Ngayong araw July 10 ay isasagawa ang sister city renewal signing ceremony sa Daly City Hall Council Chamber kasabay ng pagpapaabot ng ceremonial city key. Susundan ito ng mile marker ceremony sa July 11. August 8, 1994 nabuo ang sister… Continue reading Quezon City at Daly City sa California, ipagpapatuloy ang sister city agreement