Fuel surcharge sa mga airline company, mananatili sa level 4–Civil Aeronautics Board

Inihayag ng Civil Aeronotics Board (CAB) na mananatili sa Level 4 ang ipinapataw na fuel surcharge sa mga Airline Company ngayong buwan ng Hulyo. Dahil dito ayon sa CAB, maglalaro sa P117 hanggang P342 ang madaragdag sa pamasahe ng mga pasahero para sa Domestic Flight. Habang maglalaro naman mula P385.70 hanggang P2,867.82 ang madaragdag sa… Continue reading Fuel surcharge sa mga airline company, mananatili sa level 4–Civil Aeronautics Board

MMDA at Dept. of Agriculture, nagpulong para mapababa ang presyo ng agri-products sa mga palengke

Nakipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Department of Agriculture at mga market administrator ng 17 lokal na pamahalaan sa National Capital Region. Ito ay para talakayin ang Farm-to-Market Direct Supply Linking in Metro Manila. Kabilang sa mga napag-usapan ang tungkol sa 5-Point Farm-To-Market Direct Supply Linking ng area mapping, crop monitoring, market… Continue reading MMDA at Dept. of Agriculture, nagpulong para mapababa ang presyo ng agri-products sa mga palengke

Circular para sa exploration, development ng energy resources ng BARMM, magpapaunlad sa energy sector ng rehiyon–Pangulong Marcos Jr.

Asahan na ang pag-unlad ng enegry sector ng Bangsamoro Region, kasunod ng nalagdaang joint circular para sa petroleum service contracts at coal operating contracts sa BARMM. “Considering the challenges of the depleting Malampaya reservoir and volatile fossil fuels prices, it is crucial to take this decisive action, reignating petroleum exploration and fostering the development of… Continue reading Circular para sa exploration, development ng energy resources ng BARMM, magpapaunlad sa energy sector ng rehiyon–Pangulong Marcos Jr.

Sobrang terminal leave ng separated PCO employees, officials, patuloy na binabawi ng tanggapan

Agad na umaksyon ang Presidential Communications Office (PCO) sa Audit Observation Memorandum na ibinaba ng Commission on Audit (COA) sa PCO, kaugnay sa overpayment ng Terminal Leave Benefits ng separated officials at employees nito, na naaprubahan sa ilalim ng nagdaang PCO managment. Tinatayang nagkakahalaga ng higit P26.7 million, ang forced leave at payments na mayroong… Continue reading Sobrang terminal leave ng separated PCO employees, officials, patuloy na binabawi ng tanggapan

DMW, nangakong pagbubutihin ang serbisyo ng OFW Hospital sa Pampanga

Nangako ang Department of Migrant Workers o DMW na aayusin nito ang mga pasilidad at pagbubutihin ang serbisyo ng Overseas Filipino Workers o OFW Hospital sa Pampanga. Ito ay matapos punahin ni Senator Raffy Tulfo ang naturang ospital dahil sa hindi maayos na serbisyo. Ani Tulfo, hindi nagagamit ang full potential ng ospital dahil walang… Continue reading DMW, nangakong pagbubutihin ang serbisyo ng OFW Hospital sa Pampanga

Insidente ng sexual assault sa UP student, ‘wake up call’ tutukan ang seguridad sa pamantasan–De Vera

Dapat nang magsilbing wake up call sa mga pamantasan ang insidente ng sexual assault sa isang estudyante sa UP, upang seryosohin na ng mga unibersidad ang seguridad ng kanilang mga estudyante at empleyado. “Ang ating mga pamantasan, parang hindi masyadong siniseryoso ang security ng kanilang mga estudyante at kanilang mga empleyado.  So panahon na na… Continue reading Insidente ng sexual assault sa UP student, ‘wake up call’ tutukan ang seguridad sa pamantasan–De Vera

Pagsusulong ng PUV Modernization Program, nananatiling prayoridad ng pamahalaan

Nananatiling walang-patid ang Department of Transportation (DOTr) sa pagsusulong sa Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP. Ito ay matapos suportahan ng DOTr ang isinagawang Transport Forum na bahagi ng Philippine Commercial Vehicle Show 2023, ngayong araw. Tampok sa naturang programa ang mga makabagong disenyo ng PUVs na may iba’t ibang equipment at safety features,… Continue reading Pagsusulong ng PUV Modernization Program, nananatiling prayoridad ng pamahalaan

Panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law, agad tatrabahuin ng Kamara sa pagbabalik sesyon

Una sa listahan ng mga aaksyunang panukalang batas ng Mababang Kapulungan sa pagbabalik sesyon ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law. Ito’y matapos mapabilang ang naturang panukala sa 20 LEDAC priority bills. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang pagiging priority measure ng panukala ay pagpapakita ng commitment ng Kongreso sa hangarin ng administrasyon na makamit… Continue reading Panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Law, agad tatrabahuin ng Kamara sa pagbabalik sesyon

Batas para sa regulasyon ng motorcycle-for-hires, dapat nang mapagtibay — Rep. Paolo Duterte

Pinamamadali na ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang pagpasa sa panukalang batas para sa regulasyon ng motorcycles-for-hire. Kasunod ito ng panawagan ng transport advocates, na itaas ang cap sa bilang ng mga motorcycle taxi na maaaring mag-operate salig sa pilot run program kung saan nasa 45,000 participants lang. Ayon kay Duterte, inabot… Continue reading Batas para sa regulasyon ng motorcycle-for-hires, dapat nang mapagtibay — Rep. Paolo Duterte

DepEd, magkakasa ng National Learning Camp para matugunan ang learning gaps sa mga mag-aaral

Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng National Learning Camp o NLC ngayong bakasyon sa eskwela ang mga mag-aaral. Ayon sa DepEd, ang NLC ay isang voluntary learning recovery program na may pangunahing layunin na mapaunlad ang performance ng mga mag-aaral at mapalakas ang kapasidad ng mga guro. Nakatuon para sa Grade 7 at Grade… Continue reading DepEd, magkakasa ng National Learning Camp para matugunan ang learning gaps sa mga mag-aaral