Pagiging “Drug-Free” ng Quezon City Jail Male Dormitory, napanatili ng BJMP

Nananatiling “drug-free” ang pasilidad ng Quezon City Jail Male Dormitory kasunod ng isinagawang joint greyhound operation ng Bureau of Jail Management and Penology at Quezon City Police District. May kabuuang 1,147 Persons Deprived of Liberty ang isinailalim sa pat, frisk at body search habang 2 dormitoryo ang tinutukan ng greyhound operation. Walang nakuhang illegal drugs… Continue reading Pagiging “Drug-Free” ng Quezon City Jail Male Dormitory, napanatili ng BJMP

DFA, mariing kinondena ang ginagawang pagma-maneuver ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal

Mariing kinokondena ng Department of Foreign Affairs ang mga ginagawang hakbang ng Chinese Coast Guard sa ating Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal. Ito’y matapos maiulat ng PCG ang mga ginagawang maneuver ng mga barko ng China sa Ayungin Shoal habang nagsasagawa ng patroling ang PCG kasama ang ilang kawani ng media sa naturang pinag-aagawang… Continue reading DFA, mariing kinondena ang ginagawang pagma-maneuver ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal

TUCP Party-list tiwalang maibibida ni PBBM ang Pilipinas bilang priority investment destination para sa US

Kumpiyansa si Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza na maibibida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pilipinas bilang priority investment destination ng US. Ang pahayag ni Mendoza ay bilang suporta sa nakakatakdang US visit ni PBBM ngayong April 30. Aniya, oras na maging investment hub ng US at maging ng Europe… Continue reading TUCP Party-list tiwalang maibibida ni PBBM ang Pilipinas bilang priority investment destination para sa US

LRMC, naglabas ng road closure sa ilang bahagi ng Roxas Blvd. at ilang kalsada

Naglabas ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng road closure sa bahagi ng Roxas Boulevard at ilang kalsada sa Baclaran Church, para bigyang daan ang LRT line 1 Cavite Extension Project. Mag-uumpisa ang naturang road closure sa Sabado April 29 hangang kinabukasan April 30, mula 10PM hangang 5AM sa southbound lane ng Roxas… Continue reading LRMC, naglabas ng road closure sa ilang bahagi ng Roxas Blvd. at ilang kalsada

MERALCO at Aboitiz Power, lumagda ng Emergency Power Supply Agreement sa loob ng 1 taon

Kinumpirma sa Radyo Pilipinas ng Manila Electric Company (MERALCO) na nakakuha muli sila ng panibagong Emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa kumpaniyang Aboitiz Power Corporation. Ayon kay Ann Claire Feliciano ng MERALCO Corporate Communications, layunin nitong mabawasan ang binibili nilang suplay ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM Dahil sa nilagdaang EPSA,… Continue reading MERALCO at Aboitiz Power, lumagda ng Emergency Power Supply Agreement sa loob ng 1 taon

LRT2, may libreng sakay sa Labor Day

Magkakaloob ng Libreng Sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 2 sa Lunes, Mayo 1, Araw ng Paggawa o Labor Day. Ito ay salig na rin sa kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Transportation (DOTr), upang bigyang pugay ang mga manggagawang Pilipino. Magsisimula ang Libreng Sakay mula 7AM… Continue reading LRT2, may libreng sakay sa Labor Day

DFA, muling pumalag sa panibagong insidente ng panggigitgit ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na may legal na karapatan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng routine maritime patrols sa territorial waters at Exclusive Economic Zone ng bansa Ito ang inihayag ng DFA, kasunod ng panibagong insidente ng girian sa pagitan ng mga barko ng China Coast Guard gayundin ng Philippine Coast Guard nitong… Continue reading DFA, muling pumalag sa panibagong insidente ng panggigitgit ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Pagbuo ng mas malakas na koalisyon ng mga bansa vs. agresyon ng China, isinusulong ng ilang Senador

Inaasahan ni Senador Risa Hontiveros na agad na maghahain ang ating pamahalaan ng diplomatic protest kaugnay ng panibagong insidente sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi rin ni Hontiveros, na dapat ay kasabay nito ay magpahayag rin ang Malacañang ng pagkondena sa walang tigil na pananakot, pagpapahirap at pagbabanta ng Tsina sa ating bansa. Kailangan na… Continue reading Pagbuo ng mas malakas na koalisyon ng mga bansa vs. agresyon ng China, isinusulong ng ilang Senador

Amerika, ipagpapatuloy ang buong suporta sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na Balikatan Exercises

Hindi magbabago ang pagtingin ng Estados Unidos sa Pilipinas bilang isang matatag na kaalyado nito sa rehiyon ng Asya Pasipiko. Ito ang binigyang diin ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na nagsabing mananatiling “iron clad” ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Sa pagtatapos ng taunang BALIKATAN Exercises ngayong taon, sinabi ni… Continue reading Amerika, ipagpapatuloy ang buong suporta sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na Balikatan Exercises

Distribusyon ng mga programa, proyekto sa ilalim ng MATATAG Agenda, tinalakay sa pulong ng DepEd at local partners

Muling tiniyak ng local partner organizations ang commitment nito na tumulong sa pagsasakatuparan ng MATATAG Agenda ng Department of Education. Sa ginanap na consultative meeting, inihanay ang local partners sa MATATAG Agenda at ipinresinta ang mga panukalang education interventions. Tinalakay din ang distribusyon at classification ng mga programa at proyekto ng local partners mula sa… Continue reading Distribusyon ng mga programa, proyekto sa ilalim ng MATATAG Agenda, tinalakay sa pulong ng DepEd at local partners