AFP, nagbigay pugay kay dating DND OIC Galvez

Nagbigay pugay at nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay dating Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa kanyang naging “inspiring and dedicated leadership” sa kagawaran. Kasabay ito ng malugod na pagtanggap sa pagkakatalaga kay Atty. Gilbert Teodoro bilang bagong kalihim ng DND. Sa isang statement,… Continue reading AFP, nagbigay pugay kay dating DND OIC Galvez

Procurement process sa pamahalaan, naisa ibaba sa 27 araw mula sa kasalukuyang 72 araw

Itinutulak ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na ibaba sa 27 araw ang kasalukuyang 72 araw na procurement process ng gobyerno. Nakapaloob ito sa inihain niyang House Bill 7944 o “Ang Bagong Pilipinas Government Procurement Reform Act.” Para sa Pampanga solon, kailangan nang i-update ang Government Procurement Reform… Continue reading Procurement process sa pamahalaan, naisa ibaba sa 27 araw mula sa kasalukuyang 72 araw

Pagbagal ng inflation rate para sa buwan ng Mayo, nangangahulugan lang na on track ang economic strategies ng Marcos Admin — DBM

Welcome sa Department of Budget and Management (DBM) ang muling pagbagal ng inflation rate sa bansa, na naitala sa 6.1% para sa buwan ng Mayo mula sa 6.6% noong Abril. Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, positive development ito at asahan na ang patuloy na pagbagal pa ng inflation rates sa bansa. Nangangahulugan rin aniya… Continue reading Pagbagal ng inflation rate para sa buwan ng Mayo, nangangahulugan lang na on track ang economic strategies ng Marcos Admin — DBM

Petisyon ng UN Special Rapporteur sa Supreme Court para manghimasok sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa, tinutulan

Mariing kinontra ni Atty. Larry Gadon ang petisyon ng UN Special Rapporteur na payagan silang manghimasok sa pagdinig ng korte sa kasong cyber libel ni Rappler CEO Maria Ressa. Ayon kay Gadon, walang batayan ang petisyon ni San Beda Law Dean Rodel Taon, para payagan ang kanyang kliyente na si UN Special Rapporteur on the… Continue reading Petisyon ng UN Special Rapporteur sa Supreme Court para manghimasok sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa, tinutulan

Israel, handang magbahagi ng kanilang expertise sa larangan ng water reusing sa Pilipinas

Nag-alok ang Israel sa Pilipinas ng kanilang kasanayan pagdating sa water reuse. Ang alok ay ginawa ni Israeli Foreign Minister Eli Cohen sa kanilang naging pagpupulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Cohen, malawak ang kanilang karanasan kung pag-uusapan ay water management na maaari nilang maibahagi sa bansa. Sinabi ng Israeli Foreign minister… Continue reading Israel, handang magbahagi ng kanilang expertise sa larangan ng water reusing sa Pilipinas

BIR, binalaan ang mga bagong CPA na iwasang masangkot sa fake at ghost receipts

Pinaalalahanan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang mga bagong Certified Public Accountant na iwasang masangkot sa paggamit ng Fake/Ghost Receipts sa pagganap ng kanilang propesyon. Ang apela ay ginawa ni Lumagui sa kanyang pagharap sa mga pumasa sa May 2023 Licensure examination. Matatandaang nagsampa ng tax evasion case ang komisyuner sa… Continue reading BIR, binalaan ang mga bagong CPA na iwasang masangkot sa fake at ghost receipts

PCSO, muling ipinangako sa publiko na palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan

Muling ipinangako ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa publiko na palagiang bukas ang kanilang tanggapan para tumulong sa ating mga kababayan na nangangailangan. Ayon kay PCSO Chairperson Junie Cua, bukas ang kanilang tanggapan at ang kanilang komunikasyon upang tumugon sa pangangailangan, partikular sa atensyong medikal at financial assistance. Dagdag pa ni Cua na kabilang… Continue reading PCSO, muling ipinangako sa publiko na palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan

US, nagbigay ng ₱20-M para sa mataas na edukasyon ng Out of School Youth

Nagkaloob ng 20 milyong pisong grant ang United States Agency for International Development (USAID) sa Philippine Higher Educational Institutions (HEI) para sa mga programa na pakikinabangan ng Out of school youth (OSY). Ang pondo na ipinagkaloob sa ilalim ng USAID Opportunity 2.0 program, ay binubuo ng “O2 GAIN Grants,” para sa lokal na “development priorities”… Continue reading US, nagbigay ng ₱20-M para sa mataas na edukasyon ng Out of School Youth

VP Sara Duterte, siniguro ang maayos na paggasta sa pondo ng OVP para sa social services

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na hindi nasasayang ang pondong ipinagkakaloob ng Kongreso sa kanyang tanggapan na inilalaan para sa social services. Ayon kay VP Sara, araw-araw dinadagsa ang satellite offices at extension offices ng mga humihingi ng tulong para sa pagpapagamot sa ospital. Sa katunayan, mula Hunyo noong nakaraang taon hanggang Abril ngayong… Continue reading VP Sara Duterte, siniguro ang maayos na paggasta sa pondo ng OVP para sa social services

DND, malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gibo Teodoro bilang bagong kalihim

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Atty. Gilberto Teodoro Jr. bilang kanilang bagong kalihim. Sa isang statement, nagpasalamat si DND Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa pagtitiwala sa kanya ng Pangulo sa ilang buwan niyang pamumuno sa kagawaran. Nagpasalamat din si Galvez sa… Continue reading DND, malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gibo Teodoro bilang bagong kalihim