Panukalang isabatas ang pagpapatupad ng One Town, One Product program, isusumite na sa Malacañang

Nalalapit nang maging batas ang ‘One Town, One Product’ bill na layong palakasin ang lokal na industriya at negosyo sa bawat rehiyon, munisipalidad at siyudad sa Pilipinas. Ang OTOP bill ay nakatakda nang isumite sa MalakañANG para sa pirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang bicameral conference… Continue reading Panukalang isabatas ang pagpapatupad ng One Town, One Product program, isusumite na sa Malacañang

Mga dahilan para mapaalis ang mga POGO sa bansa, mas tumibay — Sen. Sherwin Gatchalian

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na mas lumakas ang mga dahilan para paalisin ng gobyerno sa Pilipinas ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kasunod ng mga natuklasang kriminal na aktibidad na ginagawa ng ilang lisensyadong POGO companies, gaya ng human trafficking at cryptocurrency scam. Ayon kay Gatchalian, ang ganitong mga iligal na aktibidad… Continue reading Mga dahilan para mapaalis ang mga POGO sa bansa, mas tumibay — Sen. Sherwin Gatchalian

Special committee para sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office, binuo na ng Senado

Pinagtibay na ng senado ang resolusyon na bumubuo ng special committee para sa pagbabantay sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office. Ayon sponsor ng resolusyon na si Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang sunog na nangyari noong May 21 at na nagresulta sa pagkasira ng iconic building at kilalang landmark sa Maynila ay pumukaw… Continue reading Special committee para sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office, binuo na ng Senado

Amyenda sa National Cultural Heritage Act of 2009, isinusulong

Inihain ni Pinuno Party-list Representative Howard Guintu ang House Bill 8422, na layong amyendahan at palakasin ang National Cultural Heritage Act of 2009. Kasunod na rin ito ng sunog na tumupok sa makasaysayang Manila Central Post Office Building. Ayon kay Guintu, layon ng panukala na tutukan ang conservation ng national historical landmarks upang maiwasang maulit… Continue reading Amyenda sa National Cultural Heritage Act of 2009, isinusulong

Kaligtasan ng mga drayber at pasahero, titiyakin sa panukalang gawing legal ang motorcycles-for-hire

Pinatitiyak ng mga senador na makakasigurong ligtas ang mga rider at pasahero bukod sa mananatiling mababa ang mga bilang ng mga naaksidente sakaling maisabatas ang panukalang gawing legal ang operasyon ng mga motorcycle for hire. Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Services kamakailan, iginiit ni Senadora Grace Poe na dapat ay magpatupad ng… Continue reading Kaligtasan ng mga drayber at pasahero, titiyakin sa panukalang gawing legal ang motorcycles-for-hire

Iligal na processed meat mula China, naharang sa NAIA

Nasa mahigit 5 kilo ng processed na karne ng baboy at manok ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry – Ninoy Aquino International Airport o BAI-NAIA. Ito’y matapos maharang sa NAIA Terminal 1 ang dalawang pasahero mula China, bitbit ang mga naturang produkto. Kabilang sa mga nakumpiska ay ang 2.5 kilo ng… Continue reading Iligal na processed meat mula China, naharang sa NAIA

ERC, binigyang papuri ng 8888 citizens complaint center para sa mabilisang pagtugon sa mga reklamo ng mga konsyumer

Binigyang papuri ng 8888 Citizen Complaint Center ang Energy Regulatory Commission (ERC) para sa mabilisang pagtugon nito sa mga complaint ng mula sa 8888. Ayon kay ERC 8888 focal person Consumer Affairs Service Acting Director Gregorio L. Ofalsa na karamihan sa mga tinugunan ng ERC ay ang billing issues electricity reconnection, meter readings, pole relocation… Continue reading ERC, binigyang papuri ng 8888 citizens complaint center para sa mabilisang pagtugon sa mga reklamo ng mga konsyumer

Nasa 31.95 million National ID mula sa higit 79 million na nakarehistro na, nai-deliver na ng pamahalaan

Nasa 79.12 million na ang nakarehistro para sa National ID sa bansa. Mula sa bilang na ito, 37.73 million ang naimprenta na habang nasa 31.95 million na physical ID na ang naipamahagi ng gobyerno. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Deputy National Statistician Fred Solesta, nag-uusap na ang Bangko Sentral… Continue reading Nasa 31.95 million National ID mula sa higit 79 million na nakarehistro na, nai-deliver na ng pamahalaan

Iba’t ibang programa ng Marcos Administration, nakatanggap ng suporta mula sa isang Indonesian billionaire

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang one million Singaporean dollars o P41.6 million, mula sa Indonesian billionaire na si Dato’ Sri Tahir, para sa Pilipinas. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, sa naging courtesy call ni Dato’ Tahir, nagpahayag rin ito ng suporta sa social welfare, murang pabahay, at healthcare… Continue reading Iba’t ibang programa ng Marcos Administration, nakatanggap ng suporta mula sa isang Indonesian billionaire

MIAA, nag-abiso hinggil sa mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong araw

Kanselado ang nasa apat na biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, bunsod ito ng nararanasang masamang panahon sa destinasyon. Kabilang sa mga nakansela ay ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) Express flight 2P 2932 at 2P 2933 na… Continue reading MIAA, nag-abiso hinggil sa mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong araw