KADIWA Mobile Store sa Parañaque City, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga KADIWA mobile store na maaaring mapuntahan ng mga residente ng Parañaque City. Ito’y matapos magbukas kahapon, Mayo 30 ang KADIWA ng Pangulo sa Area 5, Fourth Estate Subdivision sa Brgy. San Antonio sa nabanggit na lungsod. Ayon sa Parañaque City Public Information Office, tinatayang mahigit 100 mga residente ng Area 5… Continue reading KADIWA Mobile Store sa Parañaque City, nadagdagan pa

PAGASA, hindi nakikitang bababa sa minimum operating level ang Angat Dam bago mag-El Niño

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam ngayon ay naniniwala naman ang PAGASA Hydrometeorology Division na hindi ito aabot sa minimum operating level na 180 meters. Sa isang panayam, sinabi ni PAGASA hydrologist Richard Orendain na wala pa silang nakikitang problema kung maaprubahan ang hirit ng Manila Water Sewerage… Continue reading PAGASA, hindi nakikitang bababa sa minimum operating level ang Angat Dam bago mag-El Niño

Bagyong Betty, lalo pang humina — PAGASA

Humina ang Bagyong Betty habang kumikilos sa karagatan ng Batanes. Sa 5 am weather bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 320 km silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120kph malapit sa gitna at pagbugsong 150kph. Sa ngayon, tanging ang Batanes nalang ang nasa ilalim ng Signal no. 2… Continue reading Bagyong Betty, lalo pang humina — PAGASA

Maharlika Investment Fund, pasado na as ikatlo at huling pagbasa ng Senado

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (Senate Bill 2020). Pasado alas-dos ng madaling araw kanina naipasa ang naturang panukala kung saan sa naging botohan, 19 na senador ang bumoto ng pabor, isa ang tumutol sa katauhan ni Senadora Risa Hontiveros at isa ang nag-abstain sa… Continue reading Maharlika Investment Fund, pasado na as ikatlo at huling pagbasa ng Senado

Pangulong Marcos Jr., hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang heritage tours ng Malacañang.

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko, lalo na ang mga mag-aaral na bisitahin ang dalawang binuksang museum sa Malacañang grounds sa San Miguel, lungsod ng Maynila. Una dito, ang Bahay Ugnayan museum kung saan itinampok ang buhay ng pangulo simula pagkabata, hanggang sa pagkakaluklok sa pwesto, bilang ika-17 pangulo ng Republika ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang heritage tours ng Malacañang.

Mas mahigpit na gun control, panawagan ng Davao solon

Nanawagan si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na palakasin pa ang regulasyon nito sa pagmamay ari ng baril. Unahin na aniya dapat ito sa mas istriktong pagsasala ng mga bibigyan ng license to possess and carry firearms. Ito’y matapos barilin ang isang traffic enforcer sa Cavite kung saan… Continue reading Mas mahigpit na gun control, panawagan ng Davao solon

Matibay na probisyong proprotekta sa pension funds, isinusulong ni Senador Koko Pimentel

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na magkaroon ng matibay na probisyong maggagarantiya na hindi magagalaw o makokompromiso ang pensyon funds sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Ipinunto kasi ni Pimentel, na sa kasaluluyang bersyon ng MIF bill na tinatalakay sa Senado, may probisyon tungkol sa pagpapahintulot sa GSIS at SSS na mag-invest sa… Continue reading Matibay na probisyong proprotekta sa pension funds, isinusulong ni Senador Koko Pimentel

Dating DSWD Sec. Tulfo, pormal nang nanumpa bilang miyembro ng Kamara.

Pormal nang nanumpa sa pwesto bilang bagong Miyembro ng Kamara si dating DSWD Sec. Erwin Tulfo. Si House Majority Leader Mannix Dalipe ang nanguna sa panunumpa ni Tulfo na sinaksihan ng kaniyang pamangkin na si Rep. Ralph Tulfo. Papalitan ni Tulfo si dating ACT-CIS representative Jeffrey Soriano na nagbitiw sa posisyon noong Pebrero. Bago ito, nilinaw ni… Continue reading Dating DSWD Sec. Tulfo, pormal nang nanumpa bilang miyembro ng Kamara.

House panel Chair, bibigyan ng isa pang pagkakataon si Cagayan Gov. Mamba na dumalo sa pagdinig ng komite sa Kamara

Umaasa si House Committee on Public Accounts Chair Joseph Stephen Paduano na dadalo na sa kanilang pagdinig si Cagayan Governor Manuel Mamba. Ito aniya ay upang marinig din ng komite ang panig ng governor hinggil sa umano’y paglalabas ng public funds ng Provincial Government ng Cagayan, sa gitna ng 45-day election ban noong 2022 na… Continue reading House panel Chair, bibigyan ng isa pang pagkakataon si Cagayan Gov. Mamba na dumalo sa pagdinig ng komite sa Kamara

Sen. Bato Dela Rosa, magpapanukalang alisin ang probisyong boluntaryong pag-aambag ng SSS at GSIS sa Maharlika Investment Fund bill

Magpapanukala si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng amyenda sa Maharlika Investment Fund bill, partikular sa magiging kontribusyon ng SSS at GSIS dito. Ayon kay Dela Rosa, nais niya kasing ipatanggal ang probisyon tungkol sa maaaring boluntaryong maglagay ng pondo sa MIF ang SSS at GSIS. Ipinaliwanag ng senador, na ang paglalagay pa naman ng… Continue reading Sen. Bato Dela Rosa, magpapanukalang alisin ang probisyong boluntaryong pag-aambag ng SSS at GSIS sa Maharlika Investment Fund bill