SUV, tumagilid sa Quezon Avenue

Tumagilid ang isang SUV sa Quezon Avenue eastbound sa bahagi ng Hi-Top bago mag-tunnel kaninang madaling araw. Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Metro Base, bago mag-alas-5 ng umaga nang mangyari ang insidente. Batay aniya sa salaysay ng driver, naalangan ito sa separator ng barrier kaya bumangga sa center island at tumagilid.… Continue reading SUV, tumagilid sa Quezon Avenue

Higit 10,000 free Wi-Fi sites, target buhayin ng DICT ngayong taon

Dagdag na 10,516 na free Wi-Fi sites ang target gawing operational ng DICT bago matapos ang taon. Sa pagharap ng ahensya sa House Committee on Appropriations, sinabi ni DICT Assistant Secretary Heherson Asiddao na sa kasalukuyan ay mayroong 3,961 active free Wi-Fi sites sa bansa. At batay sa kanilang plano, gagawin itong 14,477 bago matapos… Continue reading Higit 10,000 free Wi-Fi sites, target buhayin ng DICT ngayong taon

AFP, naghatid ng relief goods sa Batanes bilang paghahanda sa super typhoon Betty

Naghatid ng 850 kahon na naglalaman ng 7,395 kilo ng family food packs ang isang C-130 aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) patungong Batanes kahapon, bilang paghahanda sa paparating na super typhoon Betty. Ang mga relief goods na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ikinarga sa Tuguegarao Airport sa… Continue reading AFP, naghatid ng relief goods sa Batanes bilang paghahanda sa super typhoon Betty

Pagsasakatuparan ng Free Trade Agreement ng PH at EU, isinulong ni PBBM

Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) at EU- ASEAN Business Council (EU-ACB) na aktibong suportahan ang pagpapanumbalik ng negosasyon ng bilateral Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at European Union (EU). “I take this opportunity to call upon our friends… Continue reading Pagsasakatuparan ng Free Trade Agreement ng PH at EU, isinulong ni PBBM

OVP, nagpahatid ng tulong sa mga nasunugan sa Maynila

Aabot sa 650 mga tindero ng Pritil Public Market sa Tondo, Maynila ang nabigyan ng ayuda sa pangunguna ng Office of the Vice President at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito’y matapos lamunin ng apoy ang naturang pamilihan noong April 28 kung saan, umabot pa sa ikaapat na alarma ang sunog at… Continue reading OVP, nagpahatid ng tulong sa mga nasunugan sa Maynila

2 patay, 3 sugatan, matapos tamaan ng kidlat sa General Trias City, Cavite

Kinumpirma ng General Trias City Disaster Risk Reduction and Management Office na dalawang magkahiwalay na insidente ng pagtama ng kidlat ang nangyari sa kanilang lugar. Nagresulta ito sa pagkamatay ng dalawang menor de edad bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan na sinamahan pa ng malakas na pagkulog at matatalim na kidlat kaninang hapon.… Continue reading 2 patay, 3 sugatan, matapos tamaan ng kidlat sa General Trias City, Cavite

Heritage sites ng bansa, dapat magkaroon ng modernong fire prevention system — Sen. Tolentino

Napapanahon na para gawing bahagi ng National Building Code ang paglalagay ng modernong fire prevention system sa mga heritage sites sa buong Pilipinas ayon kay Senador Francis Tolentino. Sinabi ito ng senador kasunod ng pagkakasunog ng makasaysayang Manila Central Post Office. Ikinalungkot ni Tolentino na nabigo ang mga rumesponde sa sunog na maapula kaagad ang… Continue reading Heritage sites ng bansa, dapat magkaroon ng modernong fire prevention system — Sen. Tolentino

PRC at Rotary International, lumagda ng MOA para sa wheelchair donation sa bansa

Upang makatulong sa mga Pilipinong may kapansanan sa paglakad, nagkaroon ng isang memorandum of agreement ang Philippine Red Cross at ang Rotary International para sa isang wheelchair project sa bansa. Ayon kay Philippine Red Cross Secretary General Dr. Guwen Pang, layon ng naturang MOA na maibigay ang 270 wheel chairs sa mga napiling benepisyaryo ng… Continue reading PRC at Rotary International, lumagda ng MOA para sa wheelchair donation sa bansa

Rebyu at amyenda sa EPIRA, isinusulong ni Senador JV Ejercito

Ipinanawagan ni Senador JV Ejercito ang pag-rebyu at amyenda sa Electric Power Industry Act (EPIRA) dahil sa kabiguan aniya nitong pababain ang singil sa suplay ng kuryente sa bansa. Giit ni Ejercito, ang intensyon ng naturang batas ay itaguyod ang kompetisyon sa power industry na inaasahang magbubunga sa pagpapababa ng presyo ng kuryente sa bansa.… Continue reading Rebyu at amyenda sa EPIRA, isinusulong ni Senador JV Ejercito

Mas mabigat na parusa sa law enforcement personnels na magsisinungaling sa congressional hearing, isinusulong ni Sen. Robin Padilla

Plano ni Senador Robin Padilla na maghain ng isang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa para sa mga magsisinungaling sa mga pagdinig ng kongreso. Ginawa ito ng senador kasunod ng mga pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kung saan ilang mga pulis ang pina-contempt ng senate panel dahil… Continue reading Mas mabigat na parusa sa law enforcement personnels na magsisinungaling sa congressional hearing, isinusulong ni Sen. Robin Padilla