POGO, STL at lahat ng klase ng online gambling, bawal na sa Valenzuela

Pinalawak pa ng Valenzuela LGU ang anti-gambling campaign nito sa tuluyang pagbabawal sa lahat ng klase ng online gambling, STL at Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa lungsod. Inanunsyo ito ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa isinagawang pulong balitaan ngayong umaga. Ayon sa alkalde, inaprubahan na nito at ng City Council ang ilang ordinansa na… Continue reading POGO, STL at lahat ng klase ng online gambling, bawal na sa Valenzuela

El Niño phenomenon, umiiral na — PAGASA

Kinumpirma na ngayon ng PAGASA na umiiral na ang El Niño phenomenon. Kasunod ito ng paglalabas ng El Niño advisory ng PAGASA batay na rin sa climate monitoring at analyses kung saan naitala na ang mainit na temperatura sa karagatan ng Pacific. Paliwanag ng PAGASA, nararanasan ngayon ang weak El Niño o ang mahinang impact… Continue reading El Niño phenomenon, umiiral na — PAGASA

QC Jail Male Dormitory, nananatiling “drug-free”; ginawaran bilang “Best City Jail”

Ginawaran bilang “Best City Jail” ang Quezon City Jail – Male Dormitory (QCJMD) sa ginanap na 8th BJMP Regional Management Meeting and Awarding Ceremony kamakailan. Ang Certificate of Recognition ay ipinagkaloob ni BJMP-NCR Regional Director JCSupt. Efren Nemenio. Ang tagumpay umano ng QCJMD ay iniuugnay sa “Winning Hearts and Minds Approach” na itinaguyod ng dynamic… Continue reading QC Jail Male Dormitory, nananatiling “drug-free”; ginawaran bilang “Best City Jail”

Bantang pagsasampa ng kaso ng POGO a ni-raid sa Las Piñas, binalewala ng PNP

Hindi magpapatinag ang PNP sa bantang pagsasampa ng kaso laban sa kanila ng POGO sa Las Piñas na ni-raid noong nakaraang linggo. Giit ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan, na itutuloy ng PNP ang dokumentasyon ng mga nalalabi sa mahigit 2,000 empleyado ng POGO hanggang sa matapos ito. Ito’y sa… Continue reading Bantang pagsasampa ng kaso ng POGO a ni-raid sa Las Piñas, binalewala ng PNP

Pilipinas at Greece, paiigtingin ang pagtutulungan para sa kapakanan ng OFWs

Photo courtesy of DMW FB page

Mas paiigtingin pa ng Pilipinas at Greece ang pagtutulungan at pagsusulong ng kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Ito ay matapos na mag-courtesy call kay Migrant Workers Secretary Susan Ople ang Ambassador ng Greece sa Pilipinas na si Ioannis Pediotis, kaninang umaga. Kabilang sa mga natalakay ang dumadaming bilang ng OFWs sa Greece partikular na… Continue reading Pilipinas at Greece, paiigtingin ang pagtutulungan para sa kapakanan ng OFWs

Malalim na pundasyon ng ugnayan ng Pilipinas at US, binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. ngayong PH-American Friendship Day

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malalim na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, kasabay ng pagdiriwang ng Philippine-American Friendship Day ngayon araw, ika-4 ng Hulyo. Sa maikling mensahe ng pangulo, hinikayat nito ang kapwa mamamayan ng US at Pilipinas na manatiling nakatindig ng magkasama, kasabay ng pagkilala sa demokrasya, kalayaan, at… Continue reading Malalim na pundasyon ng ugnayan ng Pilipinas at US, binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. ngayong PH-American Friendship Day

BCDA Chair Delfin Lorenzana, pinarangalan ng Japan

Pinarangalan ng Pamahalaan ng Japan si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairperson Delfin Lorenzana, sa kanyang naging papel sa pagsulong ng kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Japan noong panahong nanungkulan siya bilang Kalihim ng Department of National Defense (DND). Ang prestihiyosong National Decoration ng Japan na “The Order of the Rising Sun, Gold and… Continue reading BCDA Chair Delfin Lorenzana, pinarangalan ng Japan

MIF bill, posibleng mapirmahan na ni Pangulong Marcos Jr. sa susunod na linggo – Senate President Migz Zubiri

Inaasahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Ito ay matapos ang pagkakapirma ni House Speaker Martin Romualdez sa enrolled bill ng MIF. Matapos mapirmahan ang MIF bill ay ihahanda naman na ng economic… Continue reading MIF bill, posibleng mapirmahan na ni Pangulong Marcos Jr. sa susunod na linggo – Senate President Migz Zubiri

Petisyong wage hike sa CALABARZON, nakatakdang dinggin ngayong buwan

Photo courtesy of Rep. Jolo Revilla FB page

Siniguro ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla, na tinututukan din ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office ang petisyon para sa wage hike sa CALABARZON. Kasunod ito ng pag-apruba ng National Capital Region (NCR) Wage Board sa P40 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila. Sa isang social… Continue reading Petisyong wage hike sa CALABARZON, nakatakdang dinggin ngayong buwan

Senate at House leadership, tinalakay ang mga panukalang batas na bibigyang prayoridad sa 2nd regular session ng 19th Congress

Photo courtesy of Sen. Migz Zubiri FB page

Nagsagawa ng pre-LEDAC meeting kahapon sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Speaker Martin Romualdez, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senator Sonny Angara, at House Majority Leader Mannix Dalipe. Ayon kay Zubiri, sa naturang pagpupulong natalakay ang mga priority measure na kailangang ipasa ng Senado at ng Kamara sa darating na second regular session ng… Continue reading Senate at House leadership, tinalakay ang mga panukalang batas na bibigyang prayoridad sa 2nd regular session ng 19th Congress