PCGG Chairman, kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman

Sinampahan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman si Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman John Agbayani. Mismong ang dating accounting head ng UCPB CIIF Finance and Development Corporation Coco finance at UCPB CIIF Foundation Inc. na nasa ilalim ng supervision ng PCGG ang naghain ng reklamo laban kay Agbayani. Umuupong observer si… Continue reading PCGG Chairman, kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman

DMW, kumpiyansang maaabot ang target na mapauwi ang mga Pilipinong nailikas mula sa Sudan ngayong buwan

Tiwala ang Department of Migrant Workers (DMW) na makakamit ng pamahalaan ang target nitong mapauwi ngayong buwan ang mga Pilipinong naipit sa gulo sa Sudan. Ito ang inihayag ni Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac, na kasalukuyang nasa Cairo, Egypt sa isinagawang virtual press briefing ngayong araw. Ayon kay Cacdac, batay sa impormasyon mula sa… Continue reading DMW, kumpiyansang maaabot ang target na mapauwi ang mga Pilipinong nailikas mula sa Sudan ngayong buwan

Pagtitiyak sa kaligtasan ng publiko at pagpapalaganap ng kaalaman sa nuclear energy sources, ipinanawagan ni Sen. Bong Go

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go na balansehin ang benepisyong dulot ng nuclear energy sa bansa sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan. Sinabi ito ng Senate Committee on Health Chairperson kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa plano ng isang US based nuclear energy firm, na pag-aralan ang potensyal ng pamumuhunan dito sa ating bansa.… Continue reading Pagtitiyak sa kaligtasan ng publiko at pagpapalaganap ng kaalaman sa nuclear energy sources, ipinanawagan ni Sen. Bong Go

British Embassy sa Pilipinas, magsasagawa ng aktibidad kaugnay ng koronasyon ni King Charles III bukas

Nagkasa ng iba’t ibang programa at aktibidad ang Embahada ng Britaniya sa Pilipinas kaugnay ng nakatakdang coronation ni King Charles III, bukas. Batay sa abiso ng British Embassy sa Manila, kabilang na rito ang tinaguriang “Coronation picnic” na isasagawa sa Quezon Memorial Circle kung saan mapapanood ang livestream ng mga pangyayari mula sa Westminster Abbey.… Continue reading British Embassy sa Pilipinas, magsasagawa ng aktibidad kaugnay ng koronasyon ni King Charles III bukas

Ika-8 batch ng mga Pilipino repatriate mula sa Sudan, nakauwi na sa bansa

Balik-bansa na ang may 85 Pilipino na inilikas ng pamahalaan matapos maipit sa sumiklab na civil war sa Sudan. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Meda Affairs Office, alas-12:48 ng tanghali ngayong araw nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang Saudia Airlines flight SV862 mula Riyadh. Sakay nito… Continue reading Ika-8 batch ng mga Pilipino repatriate mula sa Sudan, nakauwi na sa bansa

3-minute response time sa krimen ng QCPD, gustong gawing nationwide ng PNP Chief

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang ibang Regional Commanders na gayahin ang Integrated Command Control Center (ICCC) ng Quezon City Police District (QCPD) para mabilis makaresponde sa krimen. Sa kanyang pagbisita sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) Headquarters, sinabi ng PNP Chief na sisiguruhin niyang magagawa sa… Continue reading 3-minute response time sa krimen ng QCPD, gustong gawing nationwide ng PNP Chief

Follow up sa mga napagkasunduang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at US, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. kasunod ng official visit nito sa Estados Unidos

Kasunod ng ilang araw na official visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Washington ay tiniyak nitong may kaukulang team na tututok sa mga napagkasunduang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Sa post-visit statement ng Presidente, sinabi nitong makatutulong ang mga kooperasyong napagkasunduan para sa advancement ng key priorities ng bansa.… Continue reading Follow up sa mga napagkasunduang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at US, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. kasunod ng official visit nito sa Estados Unidos

Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang dalawang international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayong araw. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Office, bunsod ito ng nararanasang masamang panahon sa destinasyon. Partikular na kinansela ang biyahe ng Philippine Airlines PAL flight PR418 mula Manila patungong Busan sa South Korea. Gayundin ang returning flight… Continue reading Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Pinaikling panahon ng klase sa Quezon City, ipinatutupad na ng Schools Division Office of QC

Bilang tugon sa kahilingan ng mga estudyante at guro, ipinatupad na ng Schools Division Office of Quezon City (SDO-QC) ang pagbabago sa teaching modalities dahil sa umiiral na matinding init ng panahon. Pinahintulutan ng SDO-QC ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo kabilang ang pinaikling panahon ng klase sa ilang pampublikong paaralan sa Quezon City. Sinuportahan… Continue reading Pinaikling panahon ng klase sa Quezon City, ipinatutupad na ng Schools Division Office of QC

Tatlong araw na sustainability fair, inilunsad ng QC LGU

Sa layong maisulong ang mga inisyatibo para sa kalikasan ay nakipagpartner ang Quezon City Local Government sa SM Supermall para sa pagbubukas ng isang sustainability fair sa Activity Center ng SM North Annex. Pinanguhanan mismo ni QC Mayor Joy Belmonte ang ribbon cutting ceremony na hudyat ng pagbubukas ng Zero Carbon by 2050 bazaar and… Continue reading Tatlong araw na sustainability fair, inilunsad ng QC LGU