Pagbabalik ng mandatory face mask policy, pinauubaya ni Sen. Go sa mga eksperto

Pinauubaya na ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga eksperto kung gagawin bang muli na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Ayon kay Go, dapat pag-aralang mabuti ito ng mga eksperto. Giit ng senador, dapat laging science-based ang pagtugon… Continue reading Pagbabalik ng mandatory face mask policy, pinauubaya ni Sen. Go sa mga eksperto

Full implementation ng Philippine Vape Law, hiningi ng ilang anti-smoking advocates

Umaapela sa pamahalaan ang ilang Anti-smoking advocate na mahigpit na ipatupad ang Philippine Vape Law. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay at nagkakasakit dahil sa paninigarilyo. Sabi ni Mr. Joze Songsong ng ASCRA Consulting Inc., nasa 19.5% ng mga Pilipino ang gumagamit ng sigarilyo araw-araw. Sa bilang na ito,… Continue reading Full implementation ng Philippine Vape Law, hiningi ng ilang anti-smoking advocates

Publiko, pinaghahanda sa epektong dulot ng El Niño

Hinihikayat ng Manila Electric Company (MERALCO) at ng Department of Energy (DOE) ang publiko na maghanda sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa. Sa inilabas na pahayag ng MERALCO, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na sila sa DOE para himukin ang publiko na gawin ang energy efficiency measures upang mapabuti pa ang kanilang konsumo. Batid ng… Continue reading Publiko, pinaghahanda sa epektong dulot ng El Niño

Marksmanship training sa mga Pulis, gagamitan ng makabagong teknolohiya

Gagamit ng makabagong teknolohiya ang Philippine National Police (PNP) para sa “Marksmanship Training” o ang tamang paggamit ng baril ng mga Pulis. Ito ang inihayag ni PNP Training Service Director, Police Colonel Radel Ramos, makaraang ipakita sa media kanina ang kanilang gun simulator na nagbuhat pa sa Amerika. Paliwanag niya, sa paggamit ng gun simulator… Continue reading Marksmanship training sa mga Pulis, gagamitan ng makabagong teknolohiya

Php1,000 bill na may polymer, itinanghal bilang Banknote of the Year ng International Banknote Society

Nagwagi bilang Banknote of the Year ang bagong Php1,000 bill ng Pilipinas sa katatapos lamang na patimpalak ng International Banknote Society. Ang bagong Php1,000 na may polymer o plastic banknote ng bansa ang tinanghal bilang Banknote of the Year laban sa iba pang banknotes ng ibang bansa tulad ng Egypt, Algeria, Barbados, Northern Ireland at… Continue reading Php1,000 bill na may polymer, itinanghal bilang Banknote of the Year ng International Banknote Society

Naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19, hindi dapat ikaalarma ng publiko

Nanindigan si Department of Health (DOH) Officer in Charge Ma. Rosario Vergeire, na hindi dapat ikabahala ang naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa pagharap ng DOH sa House Committee on Appropriations nagbigay ng update ang opsiyal hinggil sa kasalukuyang COVID-19 situation ng bansa. Aniya, sa kasalukuyan ay nakakapagtala ng 822 COVID-19 cases… Continue reading Naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19, hindi dapat ikaalarma ng publiko

BFAR, ibayong paghahanda na rin ang ginawa sa harap ng nagbabadyang El Niño

Naghahanda na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa hamon na idudulot ng El Niño sa sektor ng pangisdaan. Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, binabantayan nila ang magiging epekto ng sobrang init ng panahon sa lokal na supply ng isda. Paliwanag nito na may mga uri ng isda ang may kakayahang… Continue reading BFAR, ibayong paghahanda na rin ang ginawa sa harap ng nagbabadyang El Niño

Bayanihan sa Barangay, inilunsad sa Lungsod ng Pasay

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglulunsad ng Bayanihan sa Barangay na isinagawa sa Lungsod ng Pasay. Dito, nagsawaga ng paglilinis at pagpapaluwag ng mga daluyan ng tubig, pagsasaayos gayundin ang pagpapaganda ng mga bangketa maging ang pagkukumpuni sa perimeter fence ng Estero de Tripa de Gallina. Naglatag din ang MMDA ng One-Stop-Shop… Continue reading Bayanihan sa Barangay, inilunsad sa Lungsod ng Pasay

Planong pagtatayo ng Moderna ng pasilidad sa bansa, welcome kay Sen. Bong Go

Ikinatuwa ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go ang plano ng Moderna na magpatayo ng vaccine production facility sa Pilipinas. Ito ay matapos ianunsyo ng malacañang na plano ng Moderna na magtayo ng Shared Service Facility for Pharmacovigilance, ito ang una sa Asya at pangatlong pasilidad sa buong mundo. Para kay Go,… Continue reading Planong pagtatayo ng Moderna ng pasilidad sa bansa, welcome kay Sen. Bong Go

Dagdag na plantilla position para sa health care workers, hirit ng DOH

Umapela ng tulong ang Department of Health (DOH) sa Kongreso upang mapunan ang kakulangan ng health workers sa bansa. Sa ikinasang briefing ng House Committee on Appropriations hinggil sa budget utilization ng DOH, inihayag ni Malasakit at Bayanihan Party-list Representative Anthony Rolando Golez ang pagkabahala sa napaulat na kulang ang bansa ng 95,000 doktor at… Continue reading Dagdag na plantilla position para sa health care workers, hirit ng DOH