4th batch ng mga Pilipino na na-repatriate mula Sudan, dumating na sa bansa

Nakabalik na sa Pilipinas ang 33 na Pinoy na nilikas ng pamahalaan mula Sudan. Sila ay pawang mga estudyante mula Sudan na lumikas papunta sa Jeddah, Saudi Arabia at dumating NAIA Terminal 1 sakay ng eroplano. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) masaya sila dahil naging ligtas at matagumpay ang paglikas ng mga kababayan… Continue reading 4th batch ng mga Pilipino na na-repatriate mula Sudan, dumating na sa bansa

Pagpapatupad ng MILF Normalization Program, palalawakin pa ng DSWD at OPAPRU

Patuloy na magtutulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) para sa mga programang nakatuon sa pagbabagong buhay ng mga dating rebelde ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Kasunod ito ng paglagda nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Acting Presidential Adviser… Continue reading Pagpapatupad ng MILF Normalization Program, palalawakin pa ng DSWD at OPAPRU

PNP-Anti Cybercrime Group, nagbabala sa E-wallet scam

Inabisuhan ng PNP Anti-Cybercime Group (ACG) ang publiko na mag-ingat sa E-Wallet scam. Ayon kay ACG Director Police Brig. General Sydney Sultan Hernia, inaasahan nilang tataas pa ang bilang ng e-wallet scams habang papalapit ang deadline ng SIM card registration. Paliwanag ni Hernia, sinasamantala ng mga scammer ang kalituhan ng publiko sa SIM card registration… Continue reading PNP-Anti Cybercrime Group, nagbabala sa E-wallet scam

Dating FM DJ, inaresto ng NBI dahil sa sextortion

Dinakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Western Visayas Regional Office ang isang 57-anyos na lalaking dating FM DJ sa Iloilo City dahil sa sextortion sa kanyang karelasyon. Naaresto sa isang entrapment operations ang suspek na hindi na muna pinangalanan ng NBI. Ayon sa NBI, nag-ugat ito sa reklamo ng kanyang nakarelasyon,… Continue reading Dating FM DJ, inaresto ng NBI dahil sa sextortion

Single Ticketing System, pinaiiral na sa Valenzuela

Umarangkada na ang pagpapatupad ng single ticketing system sa lungsod ng Valenzuela. Ayon sa pamahalaang lungsod, simula pa kahapon ay pinaiiral na ng mga enforcer ang polisiya na nakaangkla sa City Ordinance no. 1083 kung saan nakahanay na sa bagong Metro Manila Traffic code ang pagbabago sa multang sinisingil sa mga pasaway na motorista. Kabilang… Continue reading Single Ticketing System, pinaiiral na sa Valenzuela

December 18 ng kada taon, pinadedeklara bilang OFW Day

Ipinapanukala ni OFW party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino na ideklara ang December 18 ng kada taon bilang OFW Day. Sa ilalim ng kaniyang House Bill 7908, ang Araw ng mga OFW ay ipagdiriwang tuwing December 18 at magiging isang special working holiday. Para sa mambabatas, paraan ito upang bigyang pagkilala ang sakripisyo ng mga… Continue reading December 18 ng kada taon, pinadedeklara bilang OFW Day

Bryan Co, itatalaga bilang OIC ng MIAA

Kinumpirma ni DOTR Sec Jaime Bautista na itatalaga bilang Officer In Charge ng Manila International Airport Authority si MIAA Senior Asst. General Manager Bryan Andersen Co Iyan ay matapos ang ipinataw na preventive suspension ng Ombudsman kay MIAA General Manager Cesar Chiong. Ayon kay Sec. Bautista, sinunod lamang nila ang pormal na kautusan hinggil dito.… Continue reading Bryan Co, itatalaga bilang OIC ng MIAA

Publiko, pabor sa muling paggamit ng face mask sa harap ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Mas gusto ng publiko na mandatory ulit ang paggamit ng face mask. Yan ay sa harap na rin ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa ilang tindera at residente sa Makati City, Ok lang kahit gumastos basta’t matiyak ang proteksyon kontra COVID-19. Una nang sinabi ng OCTA Research na mula 11.7%… Continue reading Publiko, pabor sa muling paggamit ng face mask sa harap ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Mga airline company pinaghahanda sa magiging epekto ng isasagawang corrective maintenance ng Air Traffic Management Center ng CAAP

Inabisuhan na ng Manila International Airport Authority (CAAP) ang mga airline company na paghandaan ang epekto ng corrective maintenance ng Air Traffic Managament Center ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Ito ay isasagawa sa May 17, alas-12 ng hating gabi hanggang alas-6 ng umaga kung saan ipagbabawal ang paglipad ng anumang uri ng… Continue reading Mga airline company pinaghahanda sa magiging epekto ng isasagawang corrective maintenance ng Air Traffic Management Center ng CAAP

MRT3, nag-emergency break; apat na pasahero, nasugatan

Apat na pasahero ang nagtamo ng minor injuries matapos paganahin ng MRT-3 ang emergency brake nito kaninang alas-9:08 ng umaga. Sa inilabas na abiso ng MRT3 management, gumana ang automatic train protection (ATP) system o ang emergency brake para patigilin ang isang depektibong index o train car na patungong Boni station. Matapos mapahinto ay agad… Continue reading MRT3, nag-emergency break; apat na pasahero, nasugatan