Sen. Tolentino, bukas sa posibilidad ng muling pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Bukas si Senador Francis Tolentino sa posibilidad na ibalik ang pagmamandato ng face mask sa bansa, kasunod ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 lalo sa Metro Manila. Ipinunto ni Tolentino na mainam ang suhestiyong ito lalo na sa pagsulpot ng bagong variant ng COVID-19 na XBB.1.16 o mas kilala sa ‘arcturus’ variant. Ipinunto… Continue reading Sen. Tolentino, bukas sa posibilidad ng muling pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Selebrasyon ng Farmers Fisherfolk Month, pinasimulan na ng DA

Pormal nang binuksan ng Department of Agriculture (DA) ang isang buwang selebrasyon para sa mga magsasaka at mangingisda ngayong taon. Tampok sa selebrasyon ang parada ng mga pananim na Pilipino at mga produktong pagkain. Ang pagdiriwang ay bilang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng mga bayani sa bukid at palaisdaan, na walang humpay na… Continue reading Selebrasyon ng Farmers Fisherfolk Month, pinasimulan na ng DA

Pagtatayo ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific, isinusulong ni Rep. Elizaldy Co

Itinutulak ni House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na maisakatuparan sa loob ng Marcos Jr. Administration ang pagkakaroon ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific. Kasunod ito ng pagdaong ng Asian Cruise ng Hanseatic Nature sa Legazpi City na galing pa ng bansang Germany nitong April 30.… Continue reading Pagtatayo ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific, isinusulong ni Rep. Elizaldy Co

Rotational brownout sa Panay at Negros Islands, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Nanawagan si Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo sa Department of Energy (DOE) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyayaring rotational power outage sa Panay at Negros Islands. Ang panawagang ito ay matapos aniyang makatanggap ng hindi magkakatugmang pahayag ang senador mula sa National Grid Corporation of… Continue reading Rotational brownout sa Panay at Negros Islands, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Audit sa lahat ng pasilidad ng NAIA, iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian

Hinihimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magsagawa ng audit sa lahat ng mga pasilidad nito, kabilang na ang electrical audit, at magpatupad ng upgrade sa mga ito kung kinakailangan. Ito ay matapos matukoy ng mga otoridad na ang main circuit breaker ng NAIA ang dahilan ng… Continue reading Audit sa lahat ng pasilidad ng NAIA, iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian

PNP, nagpasalamat sa mga labor group sa mapayapang pagdiriwang ng Labor Day

Nagpasalamat ang PNP sa mga organizer at lider ng mga labor group sa kanilang kooperasyon na nagresulta sa mapayapang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa kahapon. Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan na ito ay patunay na maaring magsagawa ng pampublikong pagpapahayag ng saloobin sa maayos at mapayapang paraan… Continue reading PNP, nagpasalamat sa mga labor group sa mapayapang pagdiriwang ng Labor Day

MPD, tiniyak na hindi makikkialam sa pag-iimbestiga sa pulis na nag-viral dahil sa umano’y pag-aamok sa Navotas City

Iginiit ng Manila Police District na hindi nila kukunsintihin ang anumang maling gawain sa kanilang hanay. Ito ay matapos mag-viral sa social media ang pulis na si Ramon Guina na nakadestino sa MPD dahil sa umano’y pag-aamok sa Navotas City nitong April 26. Ayon kay MPD District Director PBGen. Andre Dizon, hindi sila makikialam sa… Continue reading MPD, tiniyak na hindi makikkialam sa pag-iimbestiga sa pulis na nag-viral dahil sa umano’y pag-aamok sa Navotas City

Mahigit 600 PDLs sa QC Jail, nakalaya na sa ilalim ng decongestion program

Bumababa na ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty na nakakulong sa Quezon City Jail Male Dormitory. Ayon kay Jail Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto, bunga ito ng pinalakas na decongestion program sa jail facility. Isa sa mga basehan ng pagpapalaya ang pagsunod sa Supreme Court Office of the Court Administrator’s (OCA) Circular… Continue reading Mahigit 600 PDLs sa QC Jail, nakalaya na sa ilalim ng decongestion program

Ilang lugar sa QC at Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi

Malaking bahagi ng lungsod Quezon ang mawawalan ng suplay ng malinis na tubig simula mamayang gabi, Mayo 2 hanggang 8. Sa abiso ng Maynilad Water Services Inc., may isasagawa umano silang network maintenance sa mga apektadong lugar. Kabilang sa maapektuhang barangay ay ang Apolonio Samson, Mariblo, Sienna, Sauyo, San Antonio,Bungad, Talipapa, Ugong,Talipapa, Sauyo, Sto. Niño,… Continue reading Ilang lugar sa QC at Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig simula mamayang gabi

PBBM, unti-unting tinutupad ang pangakong maibaba ang presyo ng kuryente — Speaker Romualdez

Kapuri-puri ani House Speaker Martin Romualdez ang pagsusumikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuparin ang campaign promise niya na maibaba ng presyo ng kuryente sa bansa. Bahagi aniya nito ang naging pulong ni PBBM kasama ang top nuclear energy firm sa US na NuScale Power Corporation. Ayon kay Romualdez, una nang nakaharap ng… Continue reading PBBM, unti-unting tinutupad ang pangakong maibaba ang presyo ng kuryente — Speaker Romualdez