LRT2, may libreng sakay sa Labor Day

Magkakaloob ng Libreng Sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 2 sa Lunes, Mayo 1, Araw ng Paggawa o Labor Day. Ito ay salig na rin sa kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Transportation (DOTr), upang bigyang pugay ang mga manggagawang Pilipino. Magsisimula ang Libreng Sakay mula 7AM… Continue reading LRT2, may libreng sakay sa Labor Day

DFA, muling pumalag sa panibagong insidente ng panggigitgit ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na may legal na karapatan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng routine maritime patrols sa territorial waters at Exclusive Economic Zone ng bansa Ito ang inihayag ng DFA, kasunod ng panibagong insidente ng girian sa pagitan ng mga barko ng China Coast Guard gayundin ng Philippine Coast Guard nitong… Continue reading DFA, muling pumalag sa panibagong insidente ng panggigitgit ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Pagbuo ng mas malakas na koalisyon ng mga bansa vs. agresyon ng China, isinusulong ng ilang Senador

Inaasahan ni Senador Risa Hontiveros na agad na maghahain ang ating pamahalaan ng diplomatic protest kaugnay ng panibagong insidente sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi rin ni Hontiveros, na dapat ay kasabay nito ay magpahayag rin ang Malacañang ng pagkondena sa walang tigil na pananakot, pagpapahirap at pagbabanta ng Tsina sa ating bansa. Kailangan na… Continue reading Pagbuo ng mas malakas na koalisyon ng mga bansa vs. agresyon ng China, isinusulong ng ilang Senador

Amerika, ipagpapatuloy ang buong suporta sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na Balikatan Exercises

Hindi magbabago ang pagtingin ng Estados Unidos sa Pilipinas bilang isang matatag na kaalyado nito sa rehiyon ng Asya Pasipiko. Ito ang binigyang diin ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na nagsabing mananatiling “iron clad” ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Sa pagtatapos ng taunang BALIKATAN Exercises ngayong taon, sinabi ni… Continue reading Amerika, ipagpapatuloy ang buong suporta sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na Balikatan Exercises

Distribusyon ng mga programa, proyekto sa ilalim ng MATATAG Agenda, tinalakay sa pulong ng DepEd at local partners

Muling tiniyak ng local partner organizations ang commitment nito na tumulong sa pagsasakatuparan ng MATATAG Agenda ng Department of Education. Sa ginanap na consultative meeting, inihanay ang local partners sa MATATAG Agenda at ipinresinta ang mga panukalang education interventions. Tinalakay din ang distribusyon at classification ng mga programa at proyekto ng local partners mula sa… Continue reading Distribusyon ng mga programa, proyekto sa ilalim ng MATATAG Agenda, tinalakay sa pulong ng DepEd at local partners

CAAP, paiimbestigahan ang nangyaring pag interrupt ng isang civilian plane sa Balikatan exercise kahapon

Nais paimbestigahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nangyaring insidente sa pagpasok ng isang private plane sa jurisdiction airspace ng Balikatan Exercise, sa Zambales nitong Miyerkules. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, hinihintay na lamang ang impormasyon mula sa Balikatan Management Committee para sa violation ng naturang private plane. Dagdag pa ni… Continue reading CAAP, paiimbestigahan ang nangyaring pag interrupt ng isang civilian plane sa Balikatan exercise kahapon

DMW, pinag-aaralan ang paggamit ng chartered flight para sa mga Pilipinong inilikas sa Sudan

Pagsusumikapan ng Department of Migrant Workers na mapauwi ang 340 Pilipino mula sa Sudan sa pamamagitan ng chartered flight. Sa isang virtual press conference, sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na nagkakaproblema na sa commercial flights gayundin sa hotel accommodation dahil sa volume ng mga turista at indibidwal na galing sa Sudan border. Nakatawid… Continue reading DMW, pinag-aaralan ang paggamit ng chartered flight para sa mga Pilipinong inilikas sa Sudan

Balikatan 2023, pormal nang tinapos

Pormal nang idineklara ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino ang pagtatapos ng RP-US BALIKATAN 83-2023 ngayong araw. Sumaksi rin sa closing ceremony sa Kampo Aguinaldo sina Department of National Defense Officer-In-Charge, Senior USec. Carlito Galvez Jr. gayundin si United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson. Sa kaniyang… Continue reading Balikatan 2023, pormal nang tinapos

Pilipinas, dapat nang sundin ang int’l standards laban sa biosafety threats

?????????, ????? ???? ?????? ??? ???’? ????????? ????? ?? ????????? ??????? Muling binigyang diin ni Albay Rep. Joey Salceda ang pangangailangan sa mas mahigpit na mekanismo at pagbabantay laban sa biosafety threats. Ito ang inihayag ni Salceda sa kanyang pagharap sa General Membership Meeting ng United Broiler Raisers Association (UBRA). Isa kasi sa ikinababahala ng… Continue reading Pilipinas, dapat nang sundin ang int’l standards laban sa biosafety threats

GSIS at USSC, nag-tie up para sa pagpapalawig ng payment options ng GSIS members

Upang mas mapalawig pa ang payment options ng mga miyembro at borrowers ng Government Service Insurance System (GSIS), nakipag-tie up ito sa Universal Storefront Services Corporation (USSC). Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, layon ng naturang tie up na mas maging convenient sa members at borrowers ang pagbabayad ng loans para hindi… Continue reading GSIS at USSC, nag-tie up para sa pagpapalawig ng payment options ng GSIS members