Mga job applicant, dumagsa sa Kalayaan Job Fair sa SM Grand Central, Caloocan

Maaga pa lang ay mahaba na agad ang pila sa ikinasang Kalayaan job fair na binuksan ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA sa SM City Grand Central sa Caloocan City ngayong araw. Isa sa maagang nakipila rito si Christian, fresh graduate mula pa sa Mindanao na nagbabakasakaling ma-hired on the spot. Si Tatay Alberto naman,… Continue reading Mga job applicant, dumagsa sa Kalayaan Job Fair sa SM Grand Central, Caloocan

Angeles City, Pampanga, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-125th Independence Day

Pinangunahan nina Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. at Pampanga 1st District Representative Carmelo “Jon” Lazatin II ang selebrasyon ng ika-125 taon ng pagproklama sa kasarinlan ng Pilipinas. Maulan man ang panahon ay nakibahagi ang mga lokal na opisyal ng Angeles City, Pampanga na ginanap sa Museo ng Kasaysyang Panlipunan. Maliban sa ating mga bayani… Continue reading Angeles City, Pampanga, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-125th Independence Day

Pagtaas ng bilang ng pagyanig sa Bulkang Taal, di dapat ikabahala — PHIVOLCS

Nakapagtala ng 11 volcanic earthquakes kabilang na ang pitong volcanic tremors ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras. Hindi hamak na mas mataas ito sa apat lamang na volcanic earthquakes na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa inilabas na summary report nito kahapon. Wala namang dapat ipag-alala ayon kay Science Research… Continue reading Pagtaas ng bilang ng pagyanig sa Bulkang Taal, di dapat ikabahala — PHIVOLCS

Mga pag-ulang dulot ng habagat, nakadagdag sa lebel ng tubig ng mga dam sa Luzon

Bahagyang umakyat ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon matapos ang mga pag-ulan sa magdamag na epekto ng hanging Habagat. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay umakyat sa 187.52 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Nadagdagan ito ng 8 sentimetro kumpara sa naitala kahapon na… Continue reading Mga pag-ulang dulot ng habagat, nakadagdag sa lebel ng tubig ng mga dam sa Luzon

House Speaker Romualdez, pinangunahan ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa bantayog ni Bonifacio sa Monumento Circle

Litaw na litaw ang damdaming Makabayan sa Caloocan City sa paggunita ng ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas. Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang wreath-laying o pag-aalay ng bulaklak sa Bantayog ni Gat Andres Bonifacio na sinundan ng gun salute. Binasa rin ang proklamasyon Blg. 28, at sabayang pinatunog ang mga sirena… Continue reading House Speaker Romualdez, pinangunahan ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa bantayog ni Bonifacio sa Monumento Circle

DFA, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong araw

Nakiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa ngayong araw. Sa isang mensahe, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang okasyong ito ay nagpapaalala sa atin na ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno ay hindi lamang humubog sa kasaysayan ng ating bansa ngunit patuloy din… Continue reading DFA, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong araw

UAE gov’t, nagpadala ng humanitarian aid sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Albay

Nagpadala ang bansang United Arab Emirates (UAE) ng humanitarian aid na may lamang pagkain at gamot para sa mga Pilipinong apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon sa Albay. Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rex Gatchalian, at Transportation Secretary Jaime Bautista… Continue reading UAE gov’t, nagpadala ng humanitarian aid sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Albay

VP Sara Duterte, nanguna sa napipisil ng publiko na maging ‘successor’ ni Pres. Marcos Jr., sa commissioned SWS survey

Nanguna si Vice President Sara Duterte sa napipisil ng mga Pilipino na maging susunod na Presidente, ayon sa kinomisyong survey sa Social Weather Stations (SWS). Sa naturang survey, tinanong ang mga respondent kung sino ang pinakamagaling na lider na dapat pumalit kay Pangulong Marcos, Jr. bilang Presidente. Dito, lumalabas na 28% ng respondents ang nakikitang… Continue reading VP Sara Duterte, nanguna sa napipisil ng publiko na maging ‘successor’ ni Pres. Marcos Jr., sa commissioned SWS survey

Banta ng acid rain sa apektadong lugar ng Bulkang Taal, pinawi ng PHIVOLCS

Agad na pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mga residente malapit sa Bulkang Taal dahil sa banta ng acid rain. Ito ay matapos maghapong ulanin ang buong probinsya ng Batangas kahapon dala ng epekto ng Habagat. Namumuo ang acid rain kapag nagsama ang tubig at aerosol gaya ng ibinubugang… Continue reading Banta ng acid rain sa apektadong lugar ng Bulkang Taal, pinawi ng PHIVOLCS

Halos 35,000 indibidwal, apektado na ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon — DSWD

Aabot na sa higit 8,000 pamilya o katumbas ng halos 35,000 indibidwal ang apektado ng abnormal na aktibidad ng Bulkang Mayon, batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 11. Mula ito sa 26 na barangay na karamihan ay nasa… Continue reading Halos 35,000 indibidwal, apektado na ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon — DSWD