AFP, susuporta sa PNP sa pagbuwag ng Private Armed Groups

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar ang buong suporta ng militar sa Philippine National Police sa pagbuwag ng Private Armed Groups (PAG) sa bansa. Ito’y para masiguro na magiging mapayapa at maayos ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30. Ayon kay Aguilar, handa silang… Continue reading AFP, susuporta sa PNP sa pagbuwag ng Private Armed Groups

326 na kaso ng dengue, naitala sa lungsod ng Makati

Patuloy na pinag-iingat ng Makati City local government ang mga residente laban sa dengue. Sa ngayon, 326 na ang nagka-dengue sa Makati simula January 2023 na lahat naman ay naka-recover na. Pinakamaraming nagkasakit noong January na may 114 na na-dengue, habang pinakamababa naman ngayong buwan ng Mayo na mayroong pitong kaso lamang. Una nang, ipinag-utos… Continue reading 326 na kaso ng dengue, naitala sa lungsod ng Makati

SILG Abalos, pinatututukan sa BFP ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office

Inatasan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang Bureau of Fire Protection (BFP) na gawing prayoridad ang pag-iimbestiga sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office. Matatandaang inabot ng mahigit 30 oras ang sunog sa makasaysayang gusali bago naideklarang fire out nitong Martes ng umaga. Ayon… Continue reading SILG Abalos, pinatututukan sa BFP ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Manila Central Post Office

DOT, pinapurihan ng European businessmen sa post-pandemic recovery efforts nito sa sektor ng turismo

Hinangaan ng mga negosyante mula sa Europa ang mga ginagawang hakbang ng DOT o Department of Tourism para makatulong sa pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa matapos itong padapain ng COVID-19 pandemic Ito’y matapos mag-courtesy call kay Tourism Sec. Ma. Christina Frasco ang mga kinatawan ng EU-ASEAN Business Council (EU-ABC) gayundin ng European Chamber of… Continue reading DOT, pinapurihan ng European businessmen sa post-pandemic recovery efforts nito sa sektor ng turismo

Modernisasyon ng Bureau of Immigration, iniakyat na sa plenaryo

Naiakyat na sa plenaryo ng Kamara ang panukala para sa modernisasyon ng Bureau of Immigration. Ang House Bill 8203 o Immigration Modernization Bill ay kasama sa LEDAC priority measures ng Marcos Jr. administration. Sa sponsorship speech ni House Committee on Justice Chairperson Juliet Ferrer, binigyang diin nito ang kahalagahan na imodernisa at palakasin ang BI… Continue reading Modernisasyon ng Bureau of Immigration, iniakyat na sa plenaryo

Pagtataas ng red alert sa bagyong Mawar, pag-uusapan ng NDRRMC

Tatalakayin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang posibleng pagtaas ng red alert status bilang paghahanda sa Super Typhoon Mawar. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro, ito’y pag-uusapan sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting ngayong araw. Sa isang statement ngayong umaga, sinabi ni Alejandro na kasalukuyang nakataas ang blue alert status… Continue reading Pagtataas ng red alert sa bagyong Mawar, pag-uusapan ng NDRRMC

Breast cancer screening para sa mga kababaihan sa Muntinlupa City, libre na

Wala nang babayaran ang mga kababaihan na nais magpasuri para sa breast cancer sa Muntinlupa City. Ang nasabing programa ay magsisimula sa unang araw ng Hunyo, June 1. Yan ay kasunod ng nilagdaang kasunduan ng lokal na pamahalaan at ng Medical Center sa Muntinlupa. Kabilang sa malilibre ang Mammogram na kung ipapagawa ay nasa ₱1,500-₱5,000… Continue reading Breast cancer screening para sa mga kababaihan sa Muntinlupa City, libre na

Taguig LGU, muling hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak sa Chikiting Ligtas

Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa kanilang mga mamamayanan na pabakunahan ang mga bata kontra Polio, Rubella, at Tigdas. Ang CHIKITING LIGTAS bakunahan kontra Polio, Rubella at Tigdas ay available sa lahat ng Barangay Health Center sa Lungsod ng Taguig. Nagsisimula ang bakunahan alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, Lunes hanggang… Continue reading Taguig LGU, muling hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak sa Chikiting Ligtas

Pagkamatay ng pulis sa buy bust ops sa Bataan kahapon, ipinagluluksa ng PNP

Nagpahayag ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga naulila ni PCpl. Darnel Alfonso, na nasawi sa buy-bust operation kahapon sa Bataan. Sa isang statement, tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan ang tulong ng PNP sa pamilya ng magiting na pulis. Isang kabayanihan umano ang ginawa… Continue reading Pagkamatay ng pulis sa buy bust ops sa Bataan kahapon, ipinagluluksa ng PNP

Higit ₱18-M halaga ng cocaine, naharang ng PDEA sa Clark Airport

Bigong maipuslit ng isang foreign national ang hinihinalang cocaine matapos na maharang ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clark International Airport, Martes ng gabi, May 23. Sa ulat ng PDEA, tinatayang 3,468 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng ₱18,380,400 ang bitbit ng 48-taong gulang na lalaking pasahero mula sa Surinamse, South… Continue reading Higit ₱18-M halaga ng cocaine, naharang ng PDEA sa Clark Airport