Pagbibigay rental subsidy sa mga ISF, pinagtibay ng Housing Committee sa Kamara

Pasado na sa House Committee on Housing and Urban Development ang unnumbered substitute bill at committee report nito para sa programang magbibigay ayuda sa mga informal settler families (ISFs). Sa ilalim ng panukala, ang mga ISF ay bibigyan ng rental subsidy oras na sila ay ma-displace dahil sa natural o man-made disasters. Nilalayon ng panukala… Continue reading Pagbibigay rental subsidy sa mga ISF, pinagtibay ng Housing Committee sa Kamara

Mga bata mula sa Gentle Hands orphanage sa QC, inililipat na sa DSWD facility

Pinagpapaliwanag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Gentle Hands orphanage sa Quezon City, kaugnay sa mga paglabag na nakita ng pamahalaan sa ginawa nitong spot check. “Ano ang mangyayari doon sa institution  if they don’t get to correct the issues. Then, we have to go through the accreditation and the licensing… Continue reading Mga bata mula sa Gentle Hands orphanage sa QC, inililipat na sa DSWD facility

Task Force kontra El Niño, pinagana na ng Makati LGU

Inanunsyo ngayon ni Makati City Mayor Abby Binay ang pagbuo ng isang task force para harapin ang mga problemang dala ng inaasahang El Niño phenomenon sa mga darating na buwan. Ang Task Force El Niño and Southern Oscillation o ENSO, ang siyang mamamahala sa paghahanda ng buong lungsod, kasama ang mga supplier ng kuryente at… Continue reading Task Force kontra El Niño, pinagana na ng Makati LGU

DSWD: May sapat na NFA rice para sa relief efforts

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na may sapat na NFA rice para sa mga relief effort. Sa press briefing sa DSWD para sa paghahanda sa posibleng super typhoon sa bansa, sinabi ni Gatchalian na nangako ang National Food Authority (NFA) na magtatagal pa ng tatlong buwan ang maibibigay… Continue reading DSWD: May sapat na NFA rice para sa relief efforts

Passport on Wheels, isasagawa sa Lungsod ng Parañaque

Muling magkakasa ng Passport on Wheels ang Lokal na Pamahalaan ng Parañaque sa darating na Lunes, Mayo 29, sa SM City BF Parañaque. Layon nitong ilapit sa publiko ang mga serbisyo tulad ng pagkuha ng bagong passport gayundin ang pagpapa-renew nito. Katuwang din sa proyektong ito ang Parañaque City Cultural, Historical, and Tourism Promotions Division… Continue reading Passport on Wheels, isasagawa sa Lungsod ng Parañaque

Paggalang sa karapatang pantao sa Degamo investigation, pinanindigan ng PNP

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ginalang nila ang karapatang pantao sa isinagawang imbestigasyon sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ito ay matapos na bawiin ng isa sa mga suspek na si Jhudiel Rivero alyas Osmundo Rivero ang kanyang sinumpaang salaysay, at sinabing tinorture siya para aminin ang kanyang partisipasyon sa krimen… Continue reading Paggalang sa karapatang pantao sa Degamo investigation, pinanindigan ng PNP

Mambabatas, ipinanawagan ang mas mainam na serbisyo para sa mga residente ng Pag-asa Island

Umapela si Senador Jinggoy Estrada sa mga kasamahan sa senado na bigyang atensyon ang mga residente ng Pag-asa Island sa Palawan at i-angat din ang kanilang kabuhayan. Sinabi ni Estrada na hindi dapat maging dahilan ang pagiging isolated at malayo ng Pag-asa Island upang pabayaan ang mga nakatira roon. Ginawa ng Senate Committee on National… Continue reading Mambabatas, ipinanawagan ang mas mainam na serbisyo para sa mga residente ng Pag-asa Island

Patuloy na suporta ng DND sa National Defense College of the Phils., tiniyak ni Galvez

Photo courtesy of Department of National Defense

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang patuloy na suporta ng kagawaran sa National Defense College of the Philippines (NDCP). Ito ay sa ginawang “field visit” ng NDCP Master in National Security Administration (MNSA) Regular Class 58 (RC58) sa Office of Civil Defense New Administrative building,… Continue reading Patuloy na suporta ng DND sa National Defense College of the Phils., tiniyak ni Galvez

BIR, nagbabala sa mga taxpayer na may maraming TIN

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga taxpayer na kumuha lang ng isang Tax Identification Number (TIN). Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang sinumang indibidwal na nakakuha ng higit sa isang TIN ay lumalabag sa National Internal Revenue Code. May katapat umano itong multa na Php1,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa… Continue reading BIR, nagbabala sa mga taxpayer na may maraming TIN

Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP

Sisimulan na ng PNP ang imbestigasyon sa umano’y kulang na service recognition incentive (SRI) bonus na natanggap ng ilang mga pulis. Sa isang ambush interview kahapon, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na makikipag-coordinate ang PNP kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at sa iba pang… Continue reading Umano’y kulang na bonus na natanggap ng ilang pulis, iimbestigahan ng PNP