Kawani ng NAIA, nagsauli ng halos ₱55,000 na naiwan ng dayuhang pasahero

Pinapurihan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang katapatan ng isa nilang kawani matapos magsauli ng naiwan na pera ng isang pasahero. Ayon sa MIAA-Media Affairs Division, papasakay na ng eroplano sa NAIA Terminal 3 ang pasaherong si Terrance Alspach isang US citizen patungong Tokyo, Japan nang maiwan ang pera nito na nagkakahalaga ng $1,000… Continue reading Kawani ng NAIA, nagsauli ng halos ₱55,000 na naiwan ng dayuhang pasahero

Local chief executives na nakasasakop sa mga dagdag na lugar kung saan gagawin ang EDCA, napagpaliwanagan na — Pres Marcos Jr.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakausap na niya ang mga local officials ng apat na lugar na maidaragdag sa gagawing Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Ito’y sa harap ng sinasabing pagtutol ng mga kinauukulang lokal na pamahalaan para isakatuparan ang EDCA. Ayon sa Pangulo, kanya nang napagpaliwanagan ang mga hindi muna… Continue reading Local chief executives na nakasasakop sa mga dagdag na lugar kung saan gagawin ang EDCA, napagpaliwanagan na — Pres Marcos Jr.

Pres. Marcos Jr., binigyang halaga ang papel ng mga kawani ng Office of the President sa 126th anniversary nito

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga empleyado ng Office of the President. Sinabi ng Punong Ehekutibo na dahil sa mga kawani ng Office of the President ay epektibo niyang nagagampanan ang kanyang responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya. Bagamat behind the scene, sabi ng Pangulo, ang trabaho ng mga taga-OP… Continue reading Pres. Marcos Jr., binigyang halaga ang papel ng mga kawani ng Office of the President sa 126th anniversary nito

Pagkasawi ng isang traffic enforcer matapos masagasaan ng truck sa QC, iimbestigahan ng Pulisya

Tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) na iimbestigahan nila ang pagkasawi ng isang traffic enforcer matapos masagasaan ng truck sa A. Bonifacio Avenue kahapon. Ayon kay QCPD District Director Nicolas Torre III, isasailalim nila sa forensic examination ang truck na minaneho ni Joel Dimacali na nakasagasa sa biktimang si Jeffrey Antolin. Aniya, isasagawa ang… Continue reading Pagkasawi ng isang traffic enforcer matapos masagasaan ng truck sa QC, iimbestigahan ng Pulisya

Panukalang mandatory ROTC para sa higher education students, nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado

Nakarating na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa mga estudyante sa higher education institutions (HEIs) at technical-vocational institutions (TVIs). Sa sesyon kagabi, ini-sponsor na ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang Senate Bill… Continue reading Panukalang mandatory ROTC para sa higher education students, nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado

Sen. Robin Padilla, umaasa pa ring makakadalo sa kanyang pagdinig hinggil sa Cha-Cha ang mga kongresista

Plano pa rin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairperson Senador Robin Padilla na direktang konsulatahin ang mga kongresista tungkol sa panukalang pag-amyenda ng konstitusyon o charter change. Ito ay kahit pa una nang nakansela ang ini-schedule na pagdinig ng kanyang komite kasama ang mga House counterpart niya, na pinangunahan ni… Continue reading Sen. Robin Padilla, umaasa pa ring makakadalo sa kanyang pagdinig hinggil sa Cha-Cha ang mga kongresista

Indian Embassy, nag-alok ng libreng edukasyon, training sa ilalim ng Indian Technical Economic Cooperation Program ng Pilipinas at India

Nais ng bansang India na mag-alok ng libreng edukasyon at training para mga Pilipinong nais na mag-aral at mag-training sa naturang bansa. Ayon kay Indian Ambassador to the PhilippinesShambuhu Kumaran, layon ng kanilang libreng edukasyon at training na mapaigting pa ang pakikipag-ugnayan pagdating sa Mutually Beneficial People Centric Partnership ng dalawang bansa. Kaugnay nito, kabilang… Continue reading Indian Embassy, nag-alok ng libreng edukasyon, training sa ilalim ng Indian Technical Economic Cooperation Program ng Pilipinas at India

DOT, nakipagpulong sa kumpanyang Master Card para sa pagkakaroon ng debit online payments sa lahat ng tourism sites sa bansa

Para sa mas convenient na pagpabayad ng foreign at lokal tourist sa bansa, nakipagpulong ang Department of Tourisim (DOT) sa online payment company na Master Card para sa pagkakaroon ng online debit platforms sa lahat ng tourism sites sa bansa. Ayon kay Toursim Secretary Christina Frasco, layon nitong magkaroon ng mas modernong pamamaraan ng pagbabayad… Continue reading DOT, nakipagpulong sa kumpanyang Master Card para sa pagkakaroon ng debit online payments sa lahat ng tourism sites sa bansa

Mga makukumpiskang smuggled na bigas, pinag-aaralan din ng DA na ibenta sa Kadiwa stores

Bukod sa mga nasabat na asukal ay ikinukonsidera rin ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta sa Kadiwa stores ng iba pang makukumpiskang smuggled na non-perishable agricultural commodities gaya ng bigas. Ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez, kailangan lang na makapasa ito sa phytosanitary inspection upang masigurong ligtas bago ibenta sa publiko. Hindi naman… Continue reading Mga makukumpiskang smuggled na bigas, pinag-aaralan din ng DA na ibenta sa Kadiwa stores

ilang mamimili, handang pumila sa Kadiwa stores para sa murang asukal

Good news para sa ilang mamimili ang plano ng Department of Agriculture na ibenta sa Kadiwa stores ang mga nasabat nitong asukal. Kabilang dito si Aling Agnes na nagtitinda ng turon, bananaque at ginataang bilo bilo. Aniya, kung malaki ang matitipid niya ay walang problemang pumila sa Kadiwa stores. Ganito rin ang sinabi ni Nanay… Continue reading ilang mamimili, handang pumila sa Kadiwa stores para sa murang asukal