Taas singil sa Bar Admission Fee, aprubado na ng Korte Suprema

Inapubahan ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng taas singil sa Bar Admission Fee. Sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court En Banc, mula sa dating 3,750 pesos ay magiging 5,000 pesos na ang Bar Admission fee. Epektibo ito kasabay ng oathtaking at roll signing ceremonies para sa mga nakapasa sa 2022 Bar examination. Ayon sa… Continue reading Taas singil sa Bar Admission Fee, aprubado na ng Korte Suprema

Mambabatas, ipinanawagan ang mas simpleng proseso ng pagkuha ng calamity fund ng mga LGU

Hiniling ni Senador Chiz Escudero sa Office of Civil Defense (OCD) at ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na gawing mas simple at mas mabilis ang proseso ng pagkuha ng mga lokal na pamahalaan ng calamity funds. Pinunto ni Escudero na kailangan ng mga lokal na pamahalaan na apektado ng oil spill sa… Continue reading Mambabatas, ipinanawagan ang mas simpleng proseso ng pagkuha ng calamity fund ng mga LGU

SP Zubiri, ikinagalak ang mabilis na aksyon ng DOJ, PNP sa kaso ni Salilig

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mabilis na aksyon ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ni John Matthew Salilig. Sinabi ito ni Zubiri matapos ang indictment ng pitong fraternity members na may kaugnayan sa kaso ng kanyang pagkamatay. Kinilala rin ng senador ang maagap na pagtugis ng Philippine National Police (PNP) sa… Continue reading SP Zubiri, ikinagalak ang mabilis na aksyon ng DOJ, PNP sa kaso ni Salilig

Pangulong Marcos Jr., muling umapela sa militar na magsilbing peacemakers

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 9th Infantry Division sa Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur, sa kanilang pagtutok sa pagtuldok sa banta sa seguridad sa lugar. Sa naging Talk to the Troops ng pangulo, binigyang diin nito na sa kasalukuyan, hindi na lamang war fighters ang papel na ginagampanan ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., muling umapela sa militar na magsilbing peacemakers

Lumubog na MT Princess Empress, luma na ayon sa DOJ

Sinabi ngayong Huwebes ni SOJ Jesus Crispin Remulla na hindi na bago at luma na ang lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro. Taliwas sa naunang impormasyon na brand new at 2 taon pa lang ang edad ng lumubog na barko at base sa latest findings ng imbestigasyon, hindi na ito brand new dahil… Continue reading Lumubog na MT Princess Empress, luma na ayon sa DOJ

Lady Solon, ipinanawagan ang pagtulong sa mga manggagawa ng tourism industry na apektado ng oil spill

Ikinadismaya ni Senadora Nancy Binay ang epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro bilang isa aniya itong summer alternative destination ng Boracay. Ikinalungkot ng Senate Committee on Tourim na marami nang nagkansela ng kanilang bookings dito ngayong holy week. Ayon kay Binay, panibagong dagok ito para sa mga manggagawa ng turismo sa mga apektadong lugar,… Continue reading Lady Solon, ipinanawagan ang pagtulong sa mga manggagawa ng tourism industry na apektado ng oil spill

Hindi pa nailalabas na IRR sa 3 economic bills, hindi dapat isis sa Kamara ayon sa isang mambabatas

Hindi nagustuhan ni House Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodriguez ang naging pahayag kamakailan ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri patungkol sa hindi pa rin nailalabas na implementing rules and regulation ng tatlong economic bills na ipinasa noon pang 18th Congress. Sa isang panayam sa telebisyon, ipinagtataka ni Zubiri kung bakit hindi pa… Continue reading Hindi pa nailalabas na IRR sa 3 economic bills, hindi dapat isis sa Kamara ayon sa isang mambabatas

Babaeng nagpanggap na kawani ng Korte Suprema, inaresto ng NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang babae na nagpanggap umanong kawani ng Korte Suprema na nag-aalok ng non-appearance services para sa mga kaso ng pagpapawalang-bisa ng kasal. Sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division, inaresto ang suspek na si Jay Ann Balabagno o Jay Ann Anderson… Continue reading Babaeng nagpanggap na kawani ng Korte Suprema, inaresto ng NBI

Administrasyong Marcos, puspusan ang pagkilos upang maisakatuparan ang mga naipangako noong panahon ng kampanya

Patuloy ang Marcos Administration sa pagkayod upang matupad ang mga ipinangako sa mga Pilipino noong panahon ng kampanya. Sa isang ambush interview sa Pili, Camarines Sur, matapos ang distribusyon ng iba’t ibang government assistance, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pag-abot sa Php20 na halaga ng bigas ay naka-angkla sa maraming factors.… Continue reading Administrasyong Marcos, puspusan ang pagkilos upang maisakatuparan ang mga naipangako noong panahon ng kampanya

Pamahalaan, patuloy ang pagtugon sa mga hamon upang makamit ang food security sa bansa

Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na marami pang dapat gawin ang pamahalaan tungo sa mithiin nitong makamtan ang food security sa Pilipinas. Sa ambush interview sa pangulo, matapos mamahagi ng iba’t ibang government assistance sa Pili, Camarines Sur, sinabi ng pangulo na marami nang plano ang pamahalaan para dito. Gayunpaman, inuuna aniya nilang… Continue reading Pamahalaan, patuloy ang pagtugon sa mga hamon upang makamit ang food security sa bansa