Pagbabalik ng suplay ng kuryente sa 4 na transmission lines sa ilalim ng NGCP, ikakasa kapag bumuti na ang panahon

Nananatiling walang suplay ng kuryente sa apat na tramission lines sa ilalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na labis na naapektuhan ng Super Bagyong Pepito. Kabilang dito ayon sa NGCP ang Santiago-Cauayan 69kV Line, Itogon-Ampucao 23kV Line, Bayombong-Lagawe 69kV Line at Cabanatuan-San Luis 69kV Line. Ayon sa NGCP, hinihintay lang nilang bumuti… Continue reading Pagbabalik ng suplay ng kuryente sa 4 na transmission lines sa ilalim ng NGCP, ikakasa kapag bumuti na ang panahon

Mga nagsilikas sa Brgy. Del Monte sa QC, naghahanda nang umuwi

Nagsimula nang maghakot ng gamit at mag-uwian ang ilan sa mga residente sa Brgy. Del Monte, Quezon City na lumikas noong weekend dahil sa pangamba sa epekto ng Super Bagyong Pepito. Sa San Francisco Elementary School, pansamantalang nanatili ang nasa 278 na pamilya o higit 1,000 indibidwal bilang pag-iingat sa bagyo. Ayon kay Nanay Delia,… Continue reading Mga nagsilikas sa Brgy. Del Monte sa QC, naghahanda nang umuwi

Kahalagahan ng pre-emptive evacuation, susi upang matamo ang target na zero casualty sa pananalasa ng bagyo

Target ng pamahalaan na makamit ang “zero casualty” sa pananalasa ng Super Bagyong Pepito. Ito ang tinuran ni Office of Civil Defense (OCD) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasunod ng matinding pinsala na idinulot ng super bagyo, partikular na sa lalawigan ng Catanduanes gayundin sa hilagang Luzon. Binigyang-diin naman ni OCD Executive Director,… Continue reading Kahalagahan ng pre-emptive evacuation, susi upang matamo ang target na zero casualty sa pananalasa ng bagyo

Agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng Super Bagyong Pepito sa Catanduanes, tiniyak ng OCD

Puspusan ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga lokal na pamahalaan sa Catanduanes para sa maayos na pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng Super Bagyong Pepito. Ito’y ayon kay OCD OIC Assistant Secretary for Operations Cesar Idio, matapos padapain ng Super Bagyo ang naturang lalawigan kung saan, naging… Continue reading Agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng Super Bagyong Pepito sa Catanduanes, tiniyak ng OCD

Sakripisyo ng mga Pulis sa pagtugon sa kalamidad, kinilala ng PNP

Nananatling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) para sa patuloy nilang pagtugon sa mga lugar na matinding napinsala ng Super Bagyong Pepito. Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, puspusan ang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) para tiyaking ligtas ang publiko. Una nang ipinakalat ng PNP… Continue reading Sakripisyo ng mga Pulis sa pagtugon sa kalamidad, kinilala ng PNP

DSWD, pinaigting ang relief ops sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pepito

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat at hindi magkukulang ang relief supplies ng ahensya para sa mga pangangailangan ng mga apektado ng Bagyong Pepito partikular na sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ginagamit ngayon sa lalawigan ang nasa 10,000 family food packs (FFPs) na naka-preposisyon na… Continue reading DSWD, pinaigting ang relief ops sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Pepito

Bagyong Pepito, lalabas na ng PAR ngayong Lunes; ilang lugar sa Luzon, nasa signal no. 3 pa

Patuloy na kumikilos pa-hilagang kanluran sa West Philippine Sea ang Bagyong Pepito. Huli itong namataan sa layong 145 km kanluran ng Sinait, Ilocos taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang sa 160 km/h. Nakataas pa rin ang Signal no. 3 sa:northern at western portions ng Ilocos Sur… Continue reading Bagyong Pepito, lalabas na ng PAR ngayong Lunes; ilang lugar sa Luzon, nasa signal no. 3 pa

Relief goods para sa Tabang Bikol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara, biyaheng Bicol ngayong araw

Tutulak na ngayong araw pa-Bicol ang 24 na truck lulan ang relief goods para sa mga komunidad na apektado ng magkakasunod na bagyo, pinakahuli ang bagyong Pepito. Ang tulong na ito ay bahagi ng ikinasang Tabang Bikol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara sa pangunguna ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., katuwang si Speaker Martin… Continue reading Relief goods para sa Tabang Bikol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara, biyaheng Bicol ngayong araw

2.1-3M na storm surge, posibleng maransan ng ilang bayan sa Quezon

Walang hangin at ulan, ngunit madilim ang kalangitan sa Lucena City as of 6:30 ngayong umaga. Ngunit sa kabila nito, nagpaalala ang Pamahalaang Panlalawigan na hindi dapat magpakampante ang Quezonians. Nagbabala si Governor Helen Tan at si PDRRM Officer Dr. Melchor Avenilla, Jr. na posibleng makaranas ng 2.1 hanggang 3 meters na storm surge ang… Continue reading 2.1-3M na storm surge, posibleng maransan ng ilang bayan sa Quezon

Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K

Patuloy na dumadami ang mga naistranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa banta ng super Typhoon #PepitoPH. Sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense Bicol, nasa 2,572 na ang mga indibidwal ang nasa mga pantalan ngayong kasagsagan ng bagyo.  Pinakamarami ang naistranded sa Matnog Port na nasa 2,134, nasa 224… Continue reading Mga stranded na mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, umabot na sa mahigit 2.5K