Senate inquiry sa mga scam at mobile hacking sa mobile wallet, isinusulong ni Sen. Hontiveros  

Photo courtesy of Senate of the Philippines Facebook Page

Naghain si Senador Risa Hontiveros ng isang resolusyon na layong maimbestigahan sa Senado ang napapaulat na mga insidente ng scam at mga di otorisadong transaksyon sa mga mobile financial services gaya mg GCash at Paymaya.  Sa Senate Resolution No. 1234 ni Hontiveros, iginiit nitong dapat suriin ng Senado ang mga kasalukuyang patakaran sa fintech, at… Continue reading Senate inquiry sa mga scam at mobile hacking sa mobile wallet, isinusulong ni Sen. Hontiveros  

Ibayong pag-iingat, paalala ng Isabela solon sa mga kababayan sa gitna ng bagyong Ofel

Nanawagan ngayon si Isabela 6th District Representative Inno Dy sa kaniyang mga kababayan na manatiling alerto sa gitna ng pag-ulang dala ng bagyong Ofel. Ayon kay Dy ibayong pag iingat ang kailangan dahil inaasahang tataas muli ang tubig baha. Saturated na rin kasi aniya ang lupa dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Nika.… Continue reading Ibayong pag-iingat, paalala ng Isabela solon sa mga kababayan sa gitna ng bagyong Ofel

7 proyekto sa ilalim ng AFP Modernization Program, maaapektuhan ng P10-B budget cut

Pitong proyekto ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang maaapektuhan ng P10 bilyong budget cut sa panukalang pondo ng programa sa susunod na taon. Sa orihinal kasing panukalang pondo mula sa ehekutibo o sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), nasa P50 billion ang inilaang pondo para sa AFP modernization program.… Continue reading 7 proyekto sa ilalim ng AFP Modernization Program, maaapektuhan ng P10-B budget cut

Mga senador, hinikayat ang PAGASA na gawing mas simple at nauunawaan ang kanilang weather advisories

Hinikayat ng mga senador ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na gawing mas nauunawaan ng publiko ang mga advisory at weather forecasts na kanilang inilalabas. Sa naging plenary deliberation ng panukalang 2025 budget ng Department of Science and Technology (DOST), ipinunto ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sentimyento ng ilan nating… Continue reading Mga senador, hinikayat ang PAGASA na gawing mas simple at nauunawaan ang kanilang weather advisories

Hiling ng kampo ni Quiboloy na tumanggap ng bisita habang naka-confine, ibinasura ng Korte

Ibinasura ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kahilingan ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy, na tumanggap ng mga bisita habang naka-confine sa Philippine Heart Center. Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, isang bantay lamang ang pinayagang makasama ni Quiboloy. Mahigpit din ang seguridad… Continue reading Hiling ng kampo ni Quiboloy na tumanggap ng bisita habang naka-confine, ibinasura ng Korte

Pagprotekta sa hanay ng media, pinatututukan ni Pangulong Marcos sa bagong pinuno ng PTFoMS

Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa katauhan ni Joe Torres. Si Torres ang kapalit ni Paul Guttierez matapos mapaso ang termino nito bilang Executive Director ng PTFoMS noong Setyembre. Bago ang pagkakatalaga, si Torres ay naging Director General ng Philippine Information Agency (PIA).… Continue reading Pagprotekta sa hanay ng media, pinatututukan ni Pangulong Marcos sa bagong pinuno ng PTFoMS

Pagsasapribado ng Hajj pilgrimage, pasado na sa ikatlong pagbasa sa Kamara

Sa botong 168 na pabor, ay lusot na sa ikatlong pagbasa sa Kamara ang House Bill 10867 na layong isapribado ang taunang Hajj pilgrimage. Layon nito na mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga Muslim Filipino pilgrims na makikibahagi sa Hajj. Aamyendahan nito ang Republic Act 9997 o “National Commission on Muslim Filipinos Act… Continue reading Pagsasapribado ng Hajj pilgrimage, pasado na sa ikatlong pagbasa sa Kamara

Mga Pinoy na dating empleyado ng POGO, pinatitiyak na di madi-discriminate sa paghahanap ng bagong trabaho

Pinatitiyak ng mga senador sa Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi madi-discriminate ang mga Pilipino na dating empleyado ng mga Philippine offshore gami g operator (POGO). Sa plenary deliberations ng panukalang 2025 budget ng DOLE, ipinahayag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na maaari kasing ma-discriminate o mahirapang makahanap ng bagong trabaho ang… Continue reading Mga Pinoy na dating empleyado ng POGO, pinatitiyak na di madi-discriminate sa paghahanap ng bagong trabaho

Ibibigay na P1-M ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na naapektuhan sa war on drugs, ‘welcome’ sa PNP

Welcome para sa Philippine National Police (PNP) ang balitang magbibigay ng 1 milyong piso si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga pulis na naapektuhan ng kampanya kontra iligal na droga. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Chief Police Brigadier General Jean Fajardo na malugod nilang tatanggapin ang tulong na ito.… Continue reading Ibibigay na P1-M ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na naapektuhan sa war on drugs, ‘welcome’ sa PNP

Imbitasyon para dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, naisilbi kay VP Duterte nang dumalo sa Quad Comm

Sinamantala na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa pulong ng Quad Comm nitong Miyerkules, para maisilbi ang imbitasyon sa kaniya. Dumalo si VP Duterte sa Quad Comm para suportahan ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsisilbing resource person sa pagdinig ukol… Continue reading Imbitasyon para dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, naisilbi kay VP Duterte nang dumalo sa Quad Comm