Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

Putol na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley region dahil sa bagyong Nika. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), apektado ng bagyo ang Santiago-Cauayan 69kV line kaya maraming customer ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO I, Quirino Electric Coop at Ifugao Electric… Continue reading Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

DSWD, tuloy ang paglalatag ng relief goods sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika

May 10,000 family food packs (FFPs) ang inilatag ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga satellite warehouse sa SWAD Aurora at Baler sa Aurora. Ang hakbang na ito ng DSWD ay bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Nika. Kasabay nito ang inihandang 1,000 family food packs na ipapamahagi sa Dilasag,… Continue reading DSWD, tuloy ang paglalatag ng relief goods sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika

Pagsasabatas sa CREATE More Act, patunay na nakikinig ang pamahalaan sa mga mamumuhunan — Pangulong Marcos Jr.

Nakapaloob na sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE Act ang inputs ng foreign partners ng Pilipinas, na nalikom ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga naging pagbisita niya sa iba’t ibang bansa. Nangangahulugan ito ayon sa Pangulo, na pinakikinggan ng gobyerno ang… Continue reading Pagsasabatas sa CREATE More Act, patunay na nakikinig ang pamahalaan sa mga mamumuhunan — Pangulong Marcos Jr.

Bagyong Nika, nag-landfall na; patuloy na tinutumbok ang Northern Luzon

Matapos itong mag-landfall sa Aurora, patuloy na tinatahak ng Typhoon Nika ang Northern Luzon. Batay sa 11am forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa vicinity ng San Agustin, Isabela taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160km/h. Nakataas pa rin ang Signal no. 4 sa… Continue reading Bagyong Nika, nag-landfall na; patuloy na tinutumbok ang Northern Luzon

Binuong Task Force ng DOJ ukol sa mga umano’t EJK noong nakaraang administrasyon, pinuri ng QuadComm

Ikinalugod ng House Quad Committee ang desisyon ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, na bumuo ng special task force na siyang mag iimbestiga sa mga umano’y extrajudicial killings sa ipinatupad na drug war ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Quad Comm lead chair Robert Ace Barbers malaking tulong ito para malinawan ang mga kasong nabubuksan o… Continue reading Binuong Task Force ng DOJ ukol sa mga umano’t EJK noong nakaraang administrasyon, pinuri ng QuadComm

PNP, nanawagan ng suporta para sa mga pulis na apektado ng anti-drug campaign

Nanawagan ng suporta ang liderato ng Philippine National Police (PNP) para sa mga pulis na gumaganap ng kanilang tungkulin partikular na ang paglaban sa iligal na droga. Ito’y dahil sa may mga pulis pa rin na solong hinaharap ang mga kasong isinampa laban sa kanila dahil sa pagtupad sa kanilang mandato sa kabila ng pangako… Continue reading PNP, nanawagan ng suporta para sa mga pulis na apektado ng anti-drug campaign

Party-list solon, ipinanukala na gobyerno na lang ang mag-import ng bigas

Isang panukalang batas ang natakdang ihain ngayon ni ACT CIS Party-list Representative Erwin Tulfo kasama ang ilan pang mambabatas kung saan ang gobyerno na lang ang maaaring mag-angkat ng bigas imbes na mga private importers. Napansin kasi ni Tulfo na kahit ibinaba na ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taripa sa inaangkat na bigas… Continue reading Party-list solon, ipinanukala na gobyerno na lang ang mag-import ng bigas

MTRCB Chair Lala Sotto, tinalakay ang Responsableng Panonood at Paglikha ng mga palabas sa 55th IIC Annual Conference

Binigyang-diin ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na may etikal na obligasyon ang mga content creators na protektahan ang mga kabataan laban sa mga mapanganib na palabas sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daigdig ng media at pelikula. Sa kanyang talumpati kamakailan sa 2024 Annual Conference… Continue reading MTRCB Chair Lala Sotto, tinalakay ang Responsableng Panonood at Paglikha ng mga palabas sa 55th IIC Annual Conference

Karagdagang family food packs, ipinadala ng DSWD sa Aurora

Nagpadala ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Aurora kung saan nag-landfall ang bagyong Nika. Ayon sa DSWD, nasa 10,000 Family Food Packs ang inihatid mula sa Global Aseana Business Park 2, sa Pampanga-DSWD Hub, upang maging karagdagang pre-positioned goods sa mga satellite warehouses ng SWAD… Continue reading Karagdagang family food packs, ipinadala ng DSWD sa Aurora

DA, naglaan ng higit ₱800-M agri inputs para sa mga sakahang apektado ng bagyong Marce

Aabot na sa ₱866.34-million ang halaga ng agricultural inputs na nailaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mga sakahan sa Ilocos at Cagayan Valley Region na naapektuhan ng bagyong Marce. Kabilang sa agricultural inputs na ipinamamahagi na ng DA ay para sa dry season crops gaya ng bigas at mais at fertilizer discount vouchers.… Continue reading DA, naglaan ng higit ₱800-M agri inputs para sa mga sakahang apektado ng bagyong Marce