Tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Mayon, halos kalahating bilyong piso na

Umabot na sa P437 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga apektado ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Sinabi ni Office of Civil Defense administrator (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno na bukod sa pagkain at non food items, ginagastusan din ang sanitation services sa mga evacuation… Continue reading Tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Mayon, halos kalahating bilyong piso na

Proteksyon ng mga guro na magsisilbi sa BSKE, ipinanawagan ni VP Sara

Ipinanawagan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na mabigyan ng karampatang proteksyon ang mga guro na magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa susunod na buwan. Binigyang diin ng Pangalawang Pangulo ang mahalagang papel ng mga guro sa pagdaraos ng halalan kaya’t kailangang matiyak na ligtas ang mga ito mula… Continue reading Proteksyon ng mga guro na magsisilbi sa BSKE, ipinanawagan ni VP Sara

Bagong eroplano mula Amerika, tinanggap ng Pilipinas

Pinangungunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang turnover at blessing ngayong umaga ng bagong eroplano mula sa Estados Unidos. Kasama ni Teodoro sa seremonya sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga ngayong umaga si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. at Philippine Air Force commanding general Lieutenant General… Continue reading Bagong eroplano mula Amerika, tinanggap ng Pilipinas

Pinalawak na Young Farmers Challenge Program, ilulunsad ng DA sa Sep. 28

Nakatakdang ilunsad na ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ang pinalawak na Young Farmers Challenge (YFC) Program sa darating na September 28, 2023. Ayon sa DA, gaganapin ang paglulunsad ng bagong YFC program sa Coconut Palace sa Pasay City kung saan inaasahang dadalo si Senator Imee Marcos.… Continue reading Pinalawak na Young Farmers Challenge Program, ilulunsad ng DA sa Sep. 28

34 lider ng TODA mula 10 EMBO barangays na nakapaloob na sa Taguig City, opisyal nang nanumpa

Nanumpa ang nasa 34 na leaders ng Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) ng 10 Embo barangays bilang mga bagong opisyal at miyembro ng EMBO Tricycle Taguig Federation (EMTRITAGFED). Personal na nanumpa ang mga naturang lider kay Taguig City Mayor Lani Cayetano upang opisyal na maging bahagi ng transportation sector ng lungsod. Aniya, handa siyang… Continue reading 34 lider ng TODA mula 10 EMBO barangays na nakapaloob na sa Taguig City, opisyal nang nanumpa

Pampanga bilang Christmas Capital at GenSan bilang Tuna Capital, kapwa pasado na sa Kamara

Kapwa pasado na sa Kamara ang panukala na layong kilalanin ang Pampanga at General Santos dahil sa kanilang natatanging ambag sa kultura at ekonomiya ng bansa. Unang inaprubahan ang House Bill 6933 o panukala para ideklara ang Pampanga bilang “Christmas Capital” ng Pilipinas. Napapanahon ayon sa mga mababatas ang pagpapatibay nito dahil sa nalalapit na… Continue reading Pampanga bilang Christmas Capital at GenSan bilang Tuna Capital, kapwa pasado na sa Kamara

Pagtatakda ng bagong buying price sa palay, welcome sa Grains Retailers Confederation of the Philippines

Suportado ng Grains Retailers Confederation of the Philippines, Inc. (GRECON) ang naging anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatakda ng National Food Authority (NFA) Council ng bagong price range sa pagbili ng dry at fresh palay. Partikular dito ang inihayag ng Pangulo na ₱23 na ang bagong buying price ng dry palay mula… Continue reading Pagtatakda ng bagong buying price sa palay, welcome sa Grains Retailers Confederation of the Philippines

Pagrepaso sa Oil Deregulation Law, suportado ng DOE

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang hirit ng mga kongresista na repasuhin at amyendahan na ang Oil Deregulation Law. Sa dayalogo ng House leaders at oil industry players, isa sa napuna ng mga mambabatas ay ang agaran at pare-parehong price increase ng oil companies. Ayon kina Speaker Martin Romualdez at Marikina Representative Stella Quimbo,… Continue reading Pagrepaso sa Oil Deregulation Law, suportado ng DOE

DOE, pinaghahanda ang publiko sa posibleng tuloy-tuloy na taas-singil sa produktong petrolyo hanggang Disyembre

Pinaghahanda na ng Department of Energy (DOE) ang publiko dahil sa magtutuloy-tuloy pa umano ang pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina. Ayon sa ahensya, posibleng magtagal pa ng hanggang Disyembre ang nararanasang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo. Isa sa mga dahilan ay ang patuloy na pagtaas ng demand nito sa ibang bansa ganun… Continue reading DOE, pinaghahanda ang publiko sa posibleng tuloy-tuloy na taas-singil sa produktong petrolyo hanggang Disyembre

DFA, naglabas ng pahayag ukol sa pagkasira ng mga bahura sa Rozul Reef na sakop ng EEZ ng Pilipinas

Naglabas na ng pahayag ang Department of Foreign Affairs ukol sa pagkasira ng mga bahura sa Rozul Reef na sakop ng Philippine Exclusive Economic Zone. Ito’y sa kabila ng pagsasagawa ng mga aktibidad ng foreign vessels kabilang na ang Chinese vessels na nangingisda sa naturang bahagi ng West Philippine Sea. Sa isang statement sinabi ng… Continue reading DFA, naglabas ng pahayag ukol sa pagkasira ng mga bahura sa Rozul Reef na sakop ng EEZ ng Pilipinas