Muntinlupa LGU, nakatakdang magsagawa ng libreng bakuna para sa mga senior citizen at PWD sa lungsod

Nakatakdang magsagawa ang lungsod ng Muntinlupa ng libremg bakuna para sa sakit na pneumonia para sa mga senior citizen at Persons With Disability (PWDs) sa ibat ibang lugar sa lungsod. Ayon sa Public Information Office ng lungsod, mag-uumpisa ang libreng bakunahan bukas, September 19 sa Country Homes, Brgy. Putatan. Susundan naman ito sa September 26… Continue reading Muntinlupa LGU, nakatakdang magsagawa ng libreng bakuna para sa mga senior citizen at PWD sa lungsod

Mahigit 4K pamilya sa Davao del Norte, apektado sa baha

Nasa mahigit 4000 pamilya mula sa mga munisipalidad sa Davao del Norte ang apektado ng pagbaha dahil sa sunod-sunod na ulan hatid ng localized thunderstorms at southwest monsoon. Sa datos ng Davao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, apat na mga barangay ang binaha sa munisipalidad ng Carmen kung saan 676 pamilya… Continue reading Mahigit 4K pamilya sa Davao del Norte, apektado sa baha

Multinational company sa Singapore, nangako ng P11-B halaga ng investment sa Pilipinas

Nangako ang Singapore-based multinational technology company na Dyson Limited, ng ₱11 bilyong investment sa Pilipinas. Ayon sa Department of Trade Industry, sa naturang halaga ng investments, makapagbibigay ito ng 1,250 na trabaho at makakapagsulong ng mas maraming contract manufacturing sa Pilipinas sa kalagitnaan ng 2024. Ayon naman kay Trade Secretary Alfredo Pascual, isa naman itong… Continue reading Multinational company sa Singapore, nangako ng P11-B halaga ng investment sa Pilipinas

Paggamit ng grupong Karapatan sa magulang ng umano’y “nawawalang” aktibista sa propaganda, binatikos ng NSC

Hinamon ni National Security Council (NSC) Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya ang grupong Karapatan na kung ipipilit nila ang kanilang alegasyon sa umano’y pagdukot kay Jonila Castro at Jhed Tamano sa Bataan, mas mabuting maghain sila ng “writ of habeas corpus” upang patunayan sa korte ang kanilang mga alegasyon. Ang pahayag ay ginawa ni… Continue reading Paggamit ng grupong Karapatan sa magulang ng umano’y “nawawalang” aktibista sa propaganda, binatikos ng NSC

Panukalang “Philippine Archipelagic Sea Lanes”, matatalakay na sa plenaryo

Maaari nang maiakyat sa plenaryo ng Kamara ang panukalang magtatakda ng archipelagic sea lanes o ASL. Batay sa House Bill 9034 o Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, bubuo ng sistema ng archipelagic sea lanes kung saan pagdurugtungin ang coordinates ng: Sea Lane 1- Philippine Sea-Balintang Channel-West Philippine Sea Sea Lane 2- Celebes Sea-Sibutu Passage-Sulu Sea-Cuyo… Continue reading Panukalang “Philippine Archipelagic Sea Lanes”, matatalakay na sa plenaryo

OCD, nangangailangan ng dalawang bagong assistant secretary

Humingi ng dalawang karagdagang Assistant Secretary ang Office of Civil Defense (OCD) sa Malacañang. Ito ang inihayag ng OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno sa isinagawang One ASEAN, One Response Roadshow na inorganisa ng ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance o AHA Centre. Paliwanag ni Usec. Nepomuceno, napakahalaga ng dalawang adisyonal na senior official na ito… Continue reading OCD, nangangailangan ng dalawang bagong assistant secretary

DILG, magbibigay ng mga motorsiklo sa MMDA para sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya

Nakatakdang tumanggap ng mga motorsiklo ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG ngayong araw. Ito ay para sa bubuksang Motorcycle Riding Academy ng ahensya sa September 27. Layon nitong mabawasan ang mga aksidente sa lansangan sa Metro Manila, lalo pa at batay sa ulat… Continue reading DILG, magbibigay ng mga motorsiklo sa MMDA para sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya

SDO Albay, naghanda ng iba’t ibang aktibidad para sa selebrasyon ng World Teachers’ Day at World Teachers’ Month

Ang Albay School Division Office ay naghanda ng iba’t ibang aktibidad para sa selebrasyon ng World Teachers’ Day at World Teachers’ Month na ipinagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Ayon kay Albay SDO – Information Officer Froilan Tena ang pagdiriwang ngayong taon ay binigyan ng temang: “Together 4 Teachers” kung saan ang bilang na… Continue reading SDO Albay, naghanda ng iba’t ibang aktibidad para sa selebrasyon ng World Teachers’ Day at World Teachers’ Month

Paglalabas ng bonus para sa mga guro, pinuri ng QC solon; salary increase ng mga teacher pinamamadali

Pinapurihan ni Quezon City 5th District Representative PM Vargas ang Department of Education (DepEd) at ang Department of Budget and Management (DBM) sa paglalabas ng ₱11.6-billion na halaga ng Performance Based Bonus ng mga guro sa pampublikong elementarya at sekondarya sa buong bansa. Aniya, marapat lamang ang insentibong ito para sa mga teachers na sa… Continue reading Paglalabas ng bonus para sa mga guro, pinuri ng QC solon; salary increase ng mga teacher pinamamadali

Ilang pamilya sa Zamboanga City, inilikas dahil sa baha

Inilikas ang ilang pamilya mula sa apat na mga barangay sa Zamboanga City matapos makaranas ng pagbaha ang siyudad kahapon. Batay na pinakahuling ulat kagabi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), inilikas kahapon ang humigit kumulang sa 2,000 katao dahil sa rumaragasang tubig mula sa ilang bundok sa ilang bahagi sa Zamboanga.… Continue reading Ilang pamilya sa Zamboanga City, inilikas dahil sa baha