Mga nakumpiskang smuggled na bigas sa Zamboanga, ituturn over ng BOC para sa government programs

Higit P42-milyon halaga ng smuggled rice ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Zamboanga City nitong nakalipas na araw. Ayon kay BOC-Port of Zamboanga Deputy Collector Benny Lontoc, resulta ito ng kanilang pinaigting na kampanya para labanan ang smuggling lalo na sa agri-products. Kabilang ito sa priority program ng BOC alinsunod… Continue reading Mga nakumpiskang smuggled na bigas sa Zamboanga, ituturn over ng BOC para sa government programs

MAKABAYAN solons, inaming walang pruweba sa umano’y maling paggamit sa confidential fund ng OVP

Aminado ang Makabayan bloc solons na wala silang pruweba sa hindi tamang paggamit ng Office of the Vice President sa confidential fund nito. Sa isang pulong balitaan, natanong ang mga kongresista kung mayroon silang sapat na katibayan na winaldas nga ng OVP ang confidential fund nito. Sagot ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, wala silang… Continue reading MAKABAYAN solons, inaming walang pruweba sa umano’y maling paggamit sa confidential fund ng OVP

Pampubliko at pribadong sektor nagtulungan sa paglilinis sa lungsod ng Cebu kasabay ng pagdiriwang ng International Cleanup Day

Isinagawa ngayong umaga dito sa lungsod ng Cebu ang 13th Cebu Citywide Cleanup Challenge kasabay ng pagdiriwang ng International Cleanup Day. Nagtulungan ang mga kawani ng city hall, mga ahensya ng gobyerno at mga volunteer at iba pang sektor  sa paglilinis ng mga ilog, sapa at coastal areas sa lungsod. Nagkaroon din ng maikling programa… Continue reading Pampubliko at pribadong sektor nagtulungan sa paglilinis sa lungsod ng Cebu kasabay ng pagdiriwang ng International Cleanup Day

Iba’t ibang tanggapan at NGOs sa Pangasinan nakiisa sa 2023 International Coastal Cleanup Day

Nakibahagi ang iba`t ibang tanggapan sa lalawigan ng Pangasinan sa pagdiriwang ng 2023 International Coastal Clean Up Day ngayong araw, ika-16 ng Setyembre 2023. Dinaluhan ang kaganapan ng mga kawani ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP), kawani ng Local Government Unit (LGU)… Continue reading Iba’t ibang tanggapan at NGOs sa Pangasinan nakiisa sa 2023 International Coastal Cleanup Day

Barangay Chairman ng QC, muling sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Muling inireklamo sa Office of The Ombudsman si Barangay Chairman Alfredo Roxas ng Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Kasong Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa ng isang Aljean Abe na dating kawani ng barangay. Nag-ugat ang kanyang reklamo ng makaranas siya ng panghaharrass at… Continue reading Barangay Chairman ng QC, muling sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Iba’t ibang grupo, nakilahok sa 2023 International Coastal Cleanup Day sa Dolomite Beach sa Maynila

Lumahok ang iba’t ibang grupo mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang tumulong sa paglilinis ng dalampasigan sakop ng Dolomite Beach sa Manila Bay ngayong araw. Ito ay alinsunod sa International Coastal Cleanup Day na isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Buwan ng Setyembre. Isa ang Pilipinas sa 150 bansang nakikilahok sa sinasabing pagdiriwang at aktibidad… Continue reading Iba’t ibang grupo, nakilahok sa 2023 International Coastal Cleanup Day sa Dolomite Beach sa Maynila

“No Entry Scheme” para sa mga truck, ipinatutupad sa isang kalsada sa Valenzuela City -LGU

Simula ngayong araw, Setyembre 16, hindi muna pinapayagang makadaan ang mga truck sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Road sa Barangay Arkong Bato sa Valenzuela City. Sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road upgrading project sa apektadong lugar. Inaasahang tatagal ang pagsasaayos ng… Continue reading “No Entry Scheme” para sa mga truck, ipinatutupad sa isang kalsada sa Valenzuela City -LGU

Utang ng bansa bumaba ng halos $900 million sa 2nd quarter ng 2023

currency domination of US dollar and Philippine peso

Bumaba ng aabot sa 894 million US dollars ang total external debt ng bansa mula sa USD 118.8 billion level nito sa pagtatapos ng first quarter ngayong taon. Ibig sabihin, bumaba sa USD 117.9 billion ang naitatalang utang ng Pilipinas mula sa iba’t ibang creditors sa labas ng bansa. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas,… Continue reading Utang ng bansa bumaba ng halos $900 million sa 2nd quarter ng 2023

Kondisyon ng 52 4Ps workers na biktima ng food poisoning sa Cotabato City, minomonitor ng DSWD

Patuloy na minomonitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office ang kondisyon ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) workers na naging biktima ng food poisoning sa Cotabato City, Maguindanao del Norte. Batay sa ulat ng BARMM Ministry of Social Services and Development (MSSD), sinabi ni Minister Raisa Jajurie na nabigyan na… Continue reading Kondisyon ng 52 4Ps workers na biktima ng food poisoning sa Cotabato City, minomonitor ng DSWD

Maynila, nagpatupad ng liquor ban kasunod ng gaganaping bar exams sa lungsod

Magpapatupad ng liquor ban ngayong araw September 16 hanggang 10pm bukas September 17 ang Manila City government para sa gaganaping Bar Exams sa Lungsod sa September 17, 20, at 24. Sa executive order na inilabas kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuña, sinabi nitong magkakaroon ng liqour ban, 500 meters mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas… Continue reading Maynila, nagpatupad ng liquor ban kasunod ng gaganaping bar exams sa lungsod