Isang malaking group of company sa India, nagpahayag ng interes na mamuhunan sa malalaking infra projects sa Pilipinas

Nais mamuhunan ng GMR Group ng India sa Build Better More Program ng Marcos Administration, partikular sa mga proyekto para sa paliparan, mga kalsada, at energy sector. Sa pulong kasama ang mga matataas na opisyal ng GMR group sa sidelines ng 2023 Asia Summit, sinabi ng kumpaniya na magbibigay sila ng long-term solution sa Pilipinas.… Continue reading Isang malaking group of company sa India, nagpahayag ng interes na mamuhunan sa malalaking infra projects sa Pilipinas

Hiling ng Ombudsman na non-publication ng annual audit report, aaralin ng Kamara

Bukas ang House Committee on Appropriations na aralin ang suhestiyon ni Ombudsman Samuel Martires na alisin na ang probisyon sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), ukol sa paglalathala ng “audit observations” ng Commission on Audit (COA). Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, Chair ng komite, aaralin nila ang magiging epekto at implikasyon… Continue reading Hiling ng Ombudsman na non-publication ng annual audit report, aaralin ng Kamara

Validated election-related incidents, umakyat na sa 4 – PNP

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na umakyat na sa apat ang validated election-related incidents (ERI). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, ang mga naturang insidente ng karahasan ay kumpirmadong may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kabilang sa validated ERIs ay ang insidente ng pamamaril… Continue reading Validated election-related incidents, umakyat na sa 4 – PNP

75 rice retailers sa La Union na apektado ng EO 39, nakatanggap na ng tulong pinansyal

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng cash assistance sa mga kwalipikadong micro rice retailer sa lalawigan ng La Union. Umabot na sa 75 benepisyaryo mula sa tatlong component LGU ang nakatanggap ng tig-P15,000 ayuda o kabuuang P1,125,000, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD, bilang tulong sa mga apektado ng pagpapatupad ng EO 39 na… Continue reading 75 rice retailers sa La Union na apektado ng EO 39, nakatanggap na ng tulong pinansyal

Trabaho at buhay ng mga Pilipino sa Libya, tuloy lamang kasunod ng pananalasa ng malakas na bagyo at pagbaha doon

Nananatili sa maayos na kondisyon ang mga Pilipino sa Libya, kasunod ng pananalasa ng malakas na bagyo na nagdulot ng mga pagbaha sa lugar, ika-11 ng Setyembre. “Marami po ang missing, marami po ang namatay, nakikidalamhati tayo sa ating mga kaibigan from Libya, ganoon pa man ay walang Filipino included sa casualties at missing accounted… Continue reading Trabaho at buhay ng mga Pilipino sa Libya, tuloy lamang kasunod ng pananalasa ng malakas na bagyo at pagbaha doon

DTI sa rice retailers: Idaan sa mga opisyal ng ahensya ng pamahaalan ang reklamo para sa mas mabilis na aksyon

Umapela ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer na may mga reklamo patungkol sa kanilang matatanggap na subsidiya, na idaan sa tamang komite o tamang proseso ang kanilang hinaing upang mas tiyak na matugunan ng mga kinauukulang ahensiya. Ayon kay Trade Assistant Secretary Agaton Uvero, halos lahat kasi ng… Continue reading DTI sa rice retailers: Idaan sa mga opisyal ng ahensya ng pamahaalan ang reklamo para sa mas mabilis na aksyon

Nakatenggang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na matutuloy ang promosyon ng mga 3rd level officer ng PNP na matagal nang nakatengga. Ito aniya ang pagtiyak na binigay mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., na personal na nagtungo sa Camp Crame para… Continue reading Nakatenggang promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

Pagbababa ng hatol sa pumaslang kay Jullebee Ranara, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.

Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait, ang Department of Migrant Workers (DMW), at ang Kuwaiti Authorities sa pagsisigurong maibibigay ang hustisya sa pamilya ni Jullebee Ranara. Pahayag ito ng Pangulo, makaraang masintensyahan ng15 taong pagkakabilanggo ang akusado na si Turki Ayed Al-Azmi, at karagdagang isang taon para sa pagmamaneho… Continue reading Pagbababa ng hatol sa pumaslang kay Jullebee Ranara, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.

Nasa 23,000 PUV drivers at operator, nakatanggap na ng fuel subsidy — LTFRB

Hindi bababa sa 23,000 na public utility vehicle (PUV) drivers at operators ang nakatanggap na ng fuel subsidy.  Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Technical Division chief Joel Bolano, sinimulan ng Landbank nitong Miyerkules ang pagproseso ng subsidy batay sa listahan ng mga benepisyaryo na isinumite.  Ani Bolano, ang mga jeepney at… Continue reading Nasa 23,000 PUV drivers at operator, nakatanggap na ng fuel subsidy — LTFRB

Iba’t ibang mga hakbang upang matulungan ang rice retailers na sumusunod sa EO39, tinalakay sa pulong ng NEDA at DSWD

Nagpulong ngayong araw sina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian. Tinalakay sa pagpupulong ng dalawang opisyal ang mga hakbang kung paano maipatutupad ang pamamahagi ng tulong para sa rice retailers na tumatalima sa umiiral na price cap sa bigas. Gayundin ang… Continue reading Iba’t ibang mga hakbang upang matulungan ang rice retailers na sumusunod sa EO39, tinalakay sa pulong ng NEDA at DSWD