Mga rice retailer sa Marikina City, nabiyayaan ng moratorium sa renta ng kanilang puwesto sa palengke at binigyan ng tax incentives

Anim na buwang exemption sa business tax, tax amnesty at libreng dalawang buwang renta sa palengke ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa mga maliliit na rice retailer sa lungsod. Ito ang inanunsyo ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro kasunod na rin ng pamamahagi ng P15,000 ayuda para sa mga rice retailer ngayong… Continue reading Mga rice retailer sa Marikina City, nabiyayaan ng moratorium sa renta ng kanilang puwesto sa palengke at binigyan ng tax incentives

Mutual Defense Board – Security Engagement Board Meeting ng PH at US isasagawa ngayong araw

Isasagawa ngayong araw sa Camp Aguinaldo ang taunang Mutual Defense Board – Security Engagement Board Meeting ng Pilipinas at Estados Unidos. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, dito pag-uusapan ang mga mutually agreed policy patungkol sa mga isyu na may kinalaman sa depensa at… Continue reading Mutual Defense Board – Security Engagement Board Meeting ng PH at US isasagawa ngayong araw

Libreng sakay para sa mga lalahok sa Peñafrancia Festival sa Naga, ipagkakaloob ng PNR

Inanunsyo ng Department of Transportation o DOTr na magkakaloob ng libreng sakay ang Philippine National Railways o PNR para sa mga lalahok sa taunang Peñafrancia Festival sa Naga City, Camarines Sur. Gayunman, nilinaw ng PNR na para lamang ito sa mga Senior Citizen gayundin sa mga Person with Disabilities o PWDs. Ayon sa DOTr, magsisimula… Continue reading Libreng sakay para sa mga lalahok sa Peñafrancia Festival sa Naga, ipagkakaloob ng PNR

Mga maliliit na rice retailer sa labas ng palengke sa San Juan City, umaasang mabibigyan na rin ng ayuda

Umaasa pa rin ang mga maliliit na rice retailer na nasa labas ng palengke sa San Juan City na makatatanggap din sila ng ayuda mula sa Pamahalaan Ito’y kasunod na rin ng kanilang pagtalima sa inilabas na Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price cap sa bigas o ang pagbebenta ng P41 at P45… Continue reading Mga maliliit na rice retailer sa labas ng palengke sa San Juan City, umaasang mabibigyan na rin ng ayuda

Mga rice retailer sa San Carlos City, Pangasinan na apektado ng price cap ng bigas, tumanggap ng financial assistance mula sa DTI at DSWD

Napagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) ang anim na mga rice retailer mula sa San Carlos City, Pangasinan. Isinagawa ang distribution ngayong araw, ika-14  Setyembre 2023 sa city hall ng lungsod. Ang mga napamahagian ay bahagi ng mga rice retailers na labis na naapektuhan ng… Continue reading Mga rice retailer sa San Carlos City, Pangasinan na apektado ng price cap ng bigas, tumanggap ng financial assistance mula sa DTI at DSWD

Bersyon ng Senado ng panukalang ‘Caregivers’ Welfare Act’, kinatigan ng Kamara

Kinatigan ng Kamara ang Senate Bill 2019 bilang amyenda sa House Bill 227 o panukalang ‘Caregivers’ Welfare Act’. Nilalayon ng panukala na protektahan ang kapakanan ng mga caregiver sa bansa. Bahagi nito ang pagtiyak na mayroong kontrata sa pagitan ng caregiver at employer bago magsimula ang pagtatrabaho. Dapat ay nakasaad sa kontrata ang mga trabaho… Continue reading Bersyon ng Senado ng panukalang ‘Caregivers’ Welfare Act’, kinatigan ng Kamara

Mga small at micro rice retailer sa Malabon City, makatatanggap na rin ng ayuda mula sa pamahalaan

Nakatakdang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan ang mga maliliit na rice retailer sa Malabon City ngayong araw. Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Layon nitong matulungan ang mga maliit na rice retailer na tumalima sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.… Continue reading Mga small at micro rice retailer sa Malabon City, makatatanggap na rin ng ayuda mula sa pamahalaan

Kawalan ng pondo para sa rabies vaccine, nasilip ng Iloilo solon

Napuna ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin ang kawalan ng alokasyon ng pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa rabies vaccine sa susunod na taon. Aniya, nakakapagtaka na nagkaroon ulit aniya ng pagtaas sa insidente ng rabies na sana ay isang preventable disease. “… This preventable disease has actually… Continue reading Kawalan ng pondo para sa rabies vaccine, nasilip ng Iloilo solon

Halaga ng pinsala ng malakas na lindol sa Cagayan, halos P45 milyon na

Tinatayang nasa P44.65 milyon na ang pinsala sa imprastraktura na dulot ng magnitude 6.3 na lindol kamakalawa sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan. Sa ulat ngayong umaga ng Office of Civil Defense, 42 paaralan sa lalawigan ng Cagayan at tatlong bahay sa bayan ng Calayan ang nagtamo ng pinsala. 43 pamilya naman o 174 na indibidwal… Continue reading Halaga ng pinsala ng malakas na lindol sa Cagayan, halos P45 milyon na

Pasay LGU, magpapatupad ng road closure sa ilang kalsada sa lungsod para magbigay daan sa 2023 Bar Exams

Magpapatupad ng road closure ang Lungsod ng Pasay sa ilang kalsada sa lungsod upang bigyang daan ang gaganaping 2023 Bar Examinations na mag-uumpisa sa September 17. Ayon sa Public Information Office ng lungsod, isasara ang kahabaan ng San Juan Street mula Donada hanggang Leverisa Street mula September 17, 20, at 24 mula alas-3 ng madaling… Continue reading Pasay LGU, magpapatupad ng road closure sa ilang kalsada sa lungsod para magbigay daan sa 2023 Bar Exams