Pamamahagi ng cash assistance para sa micro rice retailers, sinimulan na sa Taguig City

Umarangkada na ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng cash assistance para sa mga small at micro rice retailer sa Mercado Del Lago sa Taguig City. Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng ahensiya. Layon nitong suportahan ang mga small at micro rice retailer na apektado ng price cap sa… Continue reading Pamamahagi ng cash assistance para sa micro rice retailers, sinimulan na sa Taguig City

Lanao del Norte LGU, patuloy ang pagsubaybay sa presyo ng bigas sa buong probinsya

Pinangungunahan ng Local Price Coordinating Council (LPCC) mula sa lokal na pamahalahan ng Lanao del Norte ang tuloy-tuloy na pagsubaybay sa presyo ng bigas sa buong lalawigan ng nasabing probinsya. Ito’y pagsunod sa mandato ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi dapat lalagpas ng P 41.00 kada kilo ang lahat ng regular-milled rice sa… Continue reading Lanao del Norte LGU, patuloy ang pagsubaybay sa presyo ng bigas sa buong probinsya

Ayuda sa rice retailers na magbebenta ng P41 at P45 kada kilo ng bigas, tuloy kahit mawalan na ng bisa ang EO39

Tiniyak ng Metro Manila Council (MMC), na maaari pa ring ituloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga rice retailer na magbebenta ng murang bigas kahit mapawalang bisa na ang Executive Order 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas. Sa isinagawang pulong ng MMC ngayong araw sa Pasig City, sinabi ng Pangulo nito at… Continue reading Ayuda sa rice retailers na magbebenta ng P41 at P45 kada kilo ng bigas, tuloy kahit mawalan na ng bisa ang EO39

BurCor Chief, handang ipagamit ang mga lupain ng kanilang penal farms upang makatulong sa food security ng bansa

Handang ipagamit ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga lupain ng mga penal farm, kabilang ang pag-utlize sa persons deprive of liberty (PDLs), upang makatulong sa food security ng ating bansa Ayon kay Catapang, ito ay upang mapagtaniman ng bigas at iba pang mga gulay at agricultural products upang makabawas… Continue reading BurCor Chief, handang ipagamit ang mga lupain ng kanilang penal farms upang makatulong sa food security ng bansa

Fuel Subsidy para sa PUV Operators, ipamamahagi na simula bukas – LTFRB

Ipagpapatuloy na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan simula bukas, Setyembre 13. Tulong ito ng pamahalaan sa mga PUV Operator sa gitna ng walang prenong taas-presyo ng mga produktong petrolyo. Sa ilalim ng ipinatutupad na Pantawid Pasada Program (PPP) o Fuel… Continue reading Fuel Subsidy para sa PUV Operators, ipamamahagi na simula bukas – LTFRB

Metro Manila Council, nagpulong ngayong araw

Muling nagpulong ngayong araw ang Metro Manila Council (MMC) upang talakayin ang iba’t ibang usaping may kinalaman sa paghahatid ng serbisyo para sa mga Pilipino. Nanguna sa nasabing pagpupulong si MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes. Kabilang sa mga dumalo… Continue reading Metro Manila Council, nagpulong ngayong araw

41 pamilyang benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program mula sa Iloilo, nakatanggap ng mahigit sa P3.4-M mula sa DSWD Field Office-6

Nakatanggap ang 41 pamilya mula sa 1st district ng probinsya ng Iloilo ng mahigit sa P3.4 milyon na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 sa ilalim ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Tigbauan, Miag-ao, Tubungan, at San Joaquin. Sa… Continue reading 41 pamilyang benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program mula sa Iloilo, nakatanggap ng mahigit sa P3.4-M mula sa DSWD Field Office-6

Bilang ng namatay sa lindol sa Morocco umabot na sa halos 2,497 – DFA

Inihayag ng Moroccan Interior Ministry na umabot na sa 2,497 katao ang namatay sa lindol at 2,476 naman ang nasugatan. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ngayon, walang natatanggap na ulat ang Embahada ng sinumang Pilipinong naapektuhan ng lindol. Nakikipag-ugnayan narin ang Embahada sa mga community leader sa iba’t ibang lugar ng Morocco.… Continue reading Bilang ng namatay sa lindol sa Morocco umabot na sa halos 2,497 – DFA

Mga oil company, planong pulungin sa Kamara bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

Ikinakasa ni Speaker Martin Romualdez na ipatawag at pulungin ang mga kinatawan ng oil company sa bansa, dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na siyam na linggo. Ayon kay Romualdez, batid ng pamahalaan ang sentimyento ng publiko lalo at ang oil price hike ay magreresulta sa pagtaas… Continue reading Mga oil company, planong pulungin sa Kamara bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

Panukalang MUP Pension Reform Bill, naiakyat na sa plenaryo

Naiakyat na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 8969 o MUP Pension Reform Bill. Si House Ad Hoc Committee on MUP Pension System Chair Joey Salceda ang nanguna sa sponsorship para sa naturang panukala. Ipinunto nito na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address, ang humiling… Continue reading Panukalang MUP Pension Reform Bill, naiakyat na sa plenaryo