Payout ng cash aid para sa micro rice retailers, pabibilisin ng DSWD at DTI

Muling nagpulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Trade and Industry (DTI) ngayong araw, para pabilisin ang payout sa micro rice retailers sa buong bansa Ang pulong ay pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at DTI Undersecretary Carolina Sanchez at iba pang opisyal. Partikular na tinalakay sa pulong ang… Continue reading Payout ng cash aid para sa micro rice retailers, pabibilisin ng DSWD at DTI

VP Sara Duterte, pinasinungalingan na may mali sa paggamit ng confidential fund

Muling pinasinungalingan ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte na may mali sa paghingi ng confidential fund (CF) ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Sa panayam sa Pangalawang Pangulo, sinabi nitong walang patunay kung may iligal sa paggamit ng nasabing pondo. Giit ni VP Sara, aprubado ng… Continue reading VP Sara Duterte, pinasinungalingan na may mali sa paggamit ng confidential fund

Office of the Ombudsman, kuntento na sa budget na ibinigay ng DBM

Kuntento ang Office of the Ombudsman sa ibinigay na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa kanila para sa susunod na taon, kahit pa mas mababa ito kaysa sa kanilang orihinal na proposal. Kabuuang P5.05 billion ang panukalang pondo ng tanggapan sa 2024, kumpara sa orihinal na proposal ng Ombudsman na P6.7 billion.… Continue reading Office of the Ombudsman, kuntento na sa budget na ibinigay ng DBM

Dating Unang Ginang Imelda Marcos, binisita ang puntod ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani

Ginunita ng Ina at mga kapatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-106 na kaarawan ng kanilang ama na si yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ngayong araw. Kung si Pangulong Marcos Jr. ay nasa kanilang hometown sa Ilocos Norte, tahimik namang ginunita nila dating Unang Ginang Imelda Marcos, Sen. Imee Marcos, at… Continue reading Dating Unang Ginang Imelda Marcos, binisita ang puntod ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani

Lalaking nagpaputok ng baril sa Lanao del Sur sa kasagsagan ng paghahain ng kandidatura para sa BSKE, kinasuhan na

Kinumpirma ngayon ng Philippine National Police (PNP) na sumuko na ang dalawang lalaking tampok sa viral video na walang habas na nagpaputok ng baril sa Malabang, Lanao del Sur. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, nasa kustodiya na ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang dalawang sumukong suspek… Continue reading Lalaking nagpaputok ng baril sa Lanao del Sur sa kasagsagan ng paghahain ng kandidatura para sa BSKE, kinasuhan na

Motoristang nagkasa ng baril sa nakaalitang taxi driver sa Valenzuela, kinasuhan na

Sinampahan na sa Valenzuela City Prosecutors Office ang motoristang nasa likod ng panunutok ng baril sa isang taxi driver sa panibagong viral road rage incident na naganap sa Bignay-Punturin noong August 19. Sa isinagawang press briefing, kinilala ni Valenzuela Chief of Police PCol. Salvador Destura Jr. ang suspek na si Marlon Malabute. Ayon kay Col.… Continue reading Motoristang nagkasa ng baril sa nakaalitang taxi driver sa Valenzuela, kinasuhan na

Enrollees para sa SY 2023-2024, pumalo na sa mahigit 26 milyon

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga mag-aaral na nagpapatala o enrollee para sa School Year 2023-2024. Batay sa datos mula sa Department of Education o DepEd Learner Information System Quick Count, pumapalo na sa 26.4 million ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala para sa taong ito. Nangunguna pa rin ang Region 4A o… Continue reading Enrollees para sa SY 2023-2024, pumalo na sa mahigit 26 milyon

DOTr, target magtayo ng 400 kilometrong bike lanes sa bansa ngayong taon

Plano ng Department of Transportation (DOTr) na palawakin pa ang bicycle lanes sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito ang pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista, matapos pangunahan ang groundbreaking ng expansion ng bike lanes sa Lipa at Batangas City, ngayong araw. Ayon kay Bautista, magtatayo ng nasa 400 kilometers na bike lanes sa bansa… Continue reading DOTr, target magtayo ng 400 kilometrong bike lanes sa bansa ngayong taon

Dagdag na abogado at IT, kailangan ng Ombudsman

300 hanggang 500 abogado ang target na i-hire ng Ombudsman ngayong taon upang mapabilis ang pagdinig at talakay sa mga kasong inihahain sa kanila. Ito ang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires nang matanong kung kailan mapupunan ang nasa 47% na bakanteng plantilla position ng tanggapan. Ayon kay Justice Martires, mas nakatutok sila sa pagkuha ng… Continue reading Dagdag na abogado at IT, kailangan ng Ombudsman

22 suspected election related incidents, naitala ng PNP

  Iniulat ng Philippine National Police (PNP), 22 na ang naitala nilang suspected election related incidents (ERI) base sa datos kaninang alas-8 ng umaga. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, sa bilang na ito dalawa na ang kumpirmadong insidente ng karahasan na may kaugnayan… Continue reading 22 suspected election related incidents, naitala ng PNP