Tahimik at maayos na BSKE 2023, pinaghahandaan na ng Quezon Police Provincial Office

Inactivate na ng Quezon Police Provincial Office ang Quezon Provincial Joint Security Control Center bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Election 2023. Ang Quezon PJSCC ay binubuo ng ibat-ibang ahensya katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Dahil dito, asahan na ang ibayong paghihigpit ng pulisya… Continue reading Tahimik at maayos na BSKE 2023, pinaghahandaan na ng Quezon Police Provincial Office

Esperanza Bridge sa Biliran-Cabucgayan road section, sasailalim sa repair ng DPWH

Panandaliang isasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Esperanza Bridge sa Biliran-Cabucgayan road section sa Agosto 29 ng hapon. Ito’y para bigyang daan ang initial testing ng pag-angat ng bridge structure bilang bahagi ng isasagawang rehabilitasyon nito. Ayon sa DPWH, kapag matagumpay ang initial testing, isasara ulit ito ng apat na oras… Continue reading Esperanza Bridge sa Biliran-Cabucgayan road section, sasailalim sa repair ng DPWH

Barangay Chairman at buong Konseho ng isang barangay sa QC, inireklamo sa Ombudsman

Patong-patong na kaso ang isinampa sa Office of the Ombudsman ng isang Barangay Kagawad laban sa Chairman at anim na kagawad ng Barangay Kaligayahan sa Novaliches, Quezon City. Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Falsification of Public Documents, at Grave Misconduct ang isinampa ni Kagawad Allan Butch Francisco Jr. laban kay Barangay Chairman… Continue reading Barangay Chairman at buong Konseho ng isang barangay sa QC, inireklamo sa Ombudsman

Surallah, South Cotabato, niyanig ng magnitude 5 na lindol kaninang madaling araw

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Surallah sa South Cotabato kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 9 na kilometro sa Timog-Kanluran ng bayan ng Surallah. May lalim na siyam na kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman… Continue reading Surallah, South Cotabato, niyanig ng magnitude 5 na lindol kaninang madaling araw

National Technical Education and Skill Development Plan, inilunsad ng TESDA

Inilunsad ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang National Technical Education and Skills Development Plan para sa taong 2023 hangang 2028. Personal na pinasinayaan nina TESDA Secretary and Director General Suharto Mangudadatu, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Senator Mark Villar, at US Ambassador to the Philippines Ambassador Marykay Carlson ang paglulunsad ng naturang programa.… Continue reading National Technical Education and Skill Development Plan, inilunsad ng TESDA

VP Sara Duterte, kumasa sa kahilingan ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na imbestigahan ang paggamit sa 2022 confidential fund ng OVP

Bukas ang Office of the Vice President (OVP) sa rekomendasyon ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa pag-imbestiga ng Commission on Audit (COA). Ito ay may kinalaman sa paggamit ng 2022 confidential fund ng OVP. Sa opisyal na pahayag na inilabas ngayong araw ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, sinabi ni Vice President at Education… Continue reading VP Sara Duterte, kumasa sa kahilingan ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na imbestigahan ang paggamit sa 2022 confidential fund ng OVP

Pagsasabatas ng dagdag na disability pension para sa mga beterano, pinuri ni Senador Jinggoy Estrada

Binigyang diin ni Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada na malaking tulong pinansyal ang bagong pirmang batas na nagpapataas ng Veterans’ Disability Pension (RA 11958) para sa ating mga beterano at sa kanilang dependents. Ayon kay Estrada, ang batas na ito ay kumakatawan sa pagtupad sa pangako at paalala sa commitment natin… Continue reading Pagsasabatas ng dagdag na disability pension para sa mga beterano, pinuri ni Senador Jinggoy Estrada

Rekomendasyon ng Ombudsman tungkol sa mga sangkot sa isyu sa Pharmally, welcome sa mga senador

Pinuri ng mga senador ang rekomendasyon na inilabas ng Office of the Ombudsman tungkol sa sinasabing maanomalyang kontrata sa Pharmally pharmaceutical company ng mga COVID19 test kits. Matatandaang nagkaroon ng marathon hearing ang 18th Congress Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa isyung ito pero tanging draft committee report lang ang nailabas dito. Ayon kay kasalukuyang… Continue reading Rekomendasyon ng Ombudsman tungkol sa mga sangkot sa isyu sa Pharmally, welcome sa mga senador

DFA, inumpisahan na ang soft launch ng e-visa para sa Chinese tourists

Inumpisahan na ng Department of Foreign Affairs ang soft launch ng electronic visa sa isang consular office sa Shanghai at inaasahang ilulunsad na rin sa iba’t ibang Philippine Foreign Service Post sa China. Ayon kay DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr. ang naturang electronic visa ay sumailalim sa pagsusuri ng beta kaya… Continue reading DFA, inumpisahan na ang soft launch ng e-visa para sa Chinese tourists

Matagumpay na pag-host ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023, hangad ni Speaker Martin Romualdez

Maliban sa pagsuporta sa koponan ng Pilipinas ay hangad ni Speaker Martin Romualdez ang matagumpay na pag-host ng Pilipinas ng FIBA World Cup 2023. Malaki ang paniwala ni Romualdez, na dahil sa pagiging host ng Pilipinas ng FIBA World Cup ay mapupukaw ng bansa ang atensyon ng mga mahilig sa basketball. Umaasa ang House leader,… Continue reading Matagumpay na pag-host ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023, hangad ni Speaker Martin Romualdez