Panukala para sa pantay na benepisyo ng mga retiradong judicial officials, pinamamadali ng isang mambabatas

Umapela si Davao City Rep. Paolo Duterte na sana ay agad nang mapagtibay ang panukalang batas na nagsusulong ng patas na benepisyo para sa mga nagretirong opisyal ng hudikatura. Punto ng mambabatas, mayroong mga opisyal ng hudikatura na ang judicial rank ay kapantay ng mga justice at judge pero hindi nakakakuha ng karampatang retirement benefit.… Continue reading Panukala para sa pantay na benepisyo ng mga retiradong judicial officials, pinamamadali ng isang mambabatas

Bilang ng Private Armed Groups sa bansa, nabawasan

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nabawasan ang bilang ng Private Armed Groups (PAG) na posibleng maging banta sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, 42 nalang ang kanilang binabantayang PAG, mula sa dating iniulat na 49. Ito’y matapos na malansag ng… Continue reading Bilang ng Private Armed Groups sa bansa, nabawasan

LRT 2, may handog na libreng sakay sa mga gaganap ng tungkulin sa FIBA World Cup

Inanunsyo ngayon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA na maghahandog ng libreng sakay ang LRT Line 2 para sa mga personalidad na gaganap ng mahalagang tungkulin na may kinalaman sa FIBA World Cup. Ito’y bilang pagsuporta ng LRTA sa Phlippine Sports Commisson o PSC sa prestihiyosong palaro na magbubukas ngayong araw, Agosto… Continue reading LRT 2, may handog na libreng sakay sa mga gaganap ng tungkulin sa FIBA World Cup

99% ng dairy product ng bansa, inaangkat

Inamin ng National Dairy Authority (NDA) na halos lahat ng dairy product ng Pilipinas ay imported o inaangkat sa ibayong dagat. Sa naging deliberasyon ng panukalang pondo ng Department of Agriculture, natanong ni House Deputy Majority Leader at Quezon Rep. David Suarez ang self-sufficiency level ng bansa sa dairy o milk products. Tugon ni NDA… Continue reading 99% ng dairy product ng bansa, inaangkat

Operasyon ng EDSA Carousel, nananatiling normal kasunod ng pagbubukas ng FIBA World Cup

Tiniyak ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT na hindi mababalam ang biyahe ng mga pasahero na sumasakay sa EDSA Bus Carousel. Ito’y kahit pa gagamitin ng mga delegado ng FIBA World Cup 2023 ang EDSA Busway patungo naman sa mga playing venue kasabay ng pagbubukas nito ngayong araw. Ayon kay I-ACT Chief Charlie Del… Continue reading Operasyon ng EDSA Carousel, nananatiling normal kasunod ng pagbubukas ng FIBA World Cup

Ilang manonood ng FIBA World Cup sa Philippine Arena, maagang nag-abang sa masasakyang libreng P2P bus

Excited na ang ilang basketball fans na maagang nag-abang ng kanilang masasakyang libreng P2P bus para sa pagbubukas ng FIBA World Cup sa Philippine Arena ngayong araw. Wala pang alas-10 ng umaga, nagsimula nang dumating dito sa Trinoma Pick-up point ang ilang spectators para maaga raw makadating sa venue. Kabilang dito si Tatay Lorenzo Tanghal,… Continue reading Ilang manonood ng FIBA World Cup sa Philippine Arena, maagang nag-abang sa masasakyang libreng P2P bus

5 heneral sa PNP, binalasa

Nagpatupad ng panibagong balasahan sa hanay ng matataas na opisyal ng PNP. Sa re-assignment order na pirmado ni PNP Directorate for Personnel and Records Management Director Police Maj. General Robert Rodriguez, itinalaga sa Area Police Command for Northern Luzon si Police Maj. General Jon Arandia Arnaldo. Pinalitan ni Arnaldo si Police Maj. General Felipe Natividad… Continue reading 5 heneral sa PNP, binalasa

DOLE, patuloy na tinutugunan ang problema sa mababang pasahod sa bansa

Aminado si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hamon para sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng disenteng living wage para sa mga manggagawa. Ayon kay Laguesma, kasama sa kailangan ikonsidera sa taas sahod ang kakayanan ng mga negosyo na ipatupad ito. Kaya naman maliban sa wage increase ay nagpapatupad aniya sila ng… Continue reading DOLE, patuloy na tinutugunan ang problema sa mababang pasahod sa bansa

Sen. Bong Go, hinimok ang mga Pilipino na magkaisa at suportahan ang Gilas Pilipinas sa magiging laban nito sa 2023 FIBA World Cup

Nanawagan si Senate Committee on Sports Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa lahat ng mga Pilipino na magkaisa at suportahan ang ating Gilas Pilipinas National Basketball Team sa pagsisimula sa 2023 FIBA World Cup qualifiers ngayong araw. Binigyang-diin ni Go na importante ang magiging laro ng Gilas, lalo na ngayong araw. Kapag kasi aniya nanalo… Continue reading Sen. Bong Go, hinimok ang mga Pilipino na magkaisa at suportahan ang Gilas Pilipinas sa magiging laban nito sa 2023 FIBA World Cup

QC LGU, nagtalaga ng traffic enforcers para tumulong sa pagmamando ng trapiko sa 2023 FIBA World Cup opening

Tutulong rin ang Quezon City local government para masiguro ang maayos na pagbubukas ng 2023 FIBA Basketball World Cup ngayong araw. Pinakilos na ng pamahalaang lungsod ang Traffic and Transport ManagementDepartment (TTMD) nito para magtalaga ng mga traffic enforcer para umalalay sa mga motoristang dadaan sa mga kalsada papunta o paalis sa venue ng mga… Continue reading QC LGU, nagtalaga ng traffic enforcers para tumulong sa pagmamando ng trapiko sa 2023 FIBA World Cup opening