DOTr, binigyang pagkilala ang mga naging ambag ni DMW Sec. Ople sa bayan

Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay ang Department of Transportation o DOTr sa pagpanaw ni Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople. Sa pahayag ng DOTr, kaisa sila sa pagdadalamhati lalo’t nawalan ang Pilipinas ng isang masidhing tagapagtanggol sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker at sa buong sektor ng paggawa. Hindi rin anila naging… Continue reading DOTr, binigyang pagkilala ang mga naging ambag ni DMW Sec. Ople sa bayan

Evaluation ng prosekusyon sa mga kaso vs. dating Cong. Teves, malapit nang matapos — DOJ chief

Hinihintay na lamang ng Justice Department na matapos ang ginagawang evaluation ng mga prosecutor kaugnay sa kaso ni dating Cong. Arnulfo Teves Jr. kaugnay sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Sa ambush interview bago sumalang sa deliberasyon ang 34.3 billion peso 2024 proposed budget ng DOJ, sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla… Continue reading Evaluation ng prosekusyon sa mga kaso vs. dating Cong. Teves, malapit nang matapos — DOJ chief

Pinakamalaking HADR exercise “Pacific Partnership 2023”, inilunsad sa San Fernando, La Union

Pormal na nagbukas sa San Fernando, La Union kahapon ang “Pacific Partnership 2023”, ang pinakamalaking Humanitarian and Disaster Relief (HADR) Exercise ng Estados Unidos kasama ang mga kaalyadong bansa sa Asya Pasipiko. Sa naturang ehersisyo na tatagal hanggang Agosto 31, magsasanay sa pagtugon sa sakuna ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines’ Northern… Continue reading Pinakamalaking HADR exercise “Pacific Partnership 2023”, inilunsad sa San Fernando, La Union

Multinational Counter-Piracy Task Force, pamumunuan ng Philippine Navy

Pormal na umupo bilang pinuno ng Multinational Counter-Piracy Task Force si Philippine Navy Captain Mateo Carido sa change of command ceremony sa Manama, Bahrain nitong Lunes. Pinalitan ni Capt. Carido si Republic of Korea Navy Rear Admiral Ko Seung-bum bilang Commander ng Combined Task Force (CTF) 151, isa sa limang operational task forces sa ilalim… Continue reading Multinational Counter-Piracy Task Force, pamumunuan ng Philippine Navy

Alternatibong produkto sa sigarilyo, isinusulong ng isang cigarette company

Nanawagan ang Philip Morris Philippines sa pamahalaan sa buong mundo na suportahan ang mga alternatibong produkto para mapababa ang bilang ng mga naninigarilyong tao. Sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Philip Morris Philippines President Dennis Gorkun, naglunsad na sila ng mga alternatibong produkto na nasa 90 to 95 percent na pagkabawas ng nicotine. Ayob… Continue reading Alternatibong produkto sa sigarilyo, isinusulong ng isang cigarette company

Enrollees sa mga pampublikong paaralan, umabot na sa mahigit 17 milyon

Nadagdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral ang nagparehistro para sa pagbubukas ng klase ngayong buwan. Ayon sa Department of Education, umabot na sa 17.3 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll para sa darating na School Year 2023 – 2024. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count… Continue reading Enrollees sa mga pampublikong paaralan, umabot na sa mahigit 17 milyon

Mga Pilipinong mangingisda sa WPS, sinaklolohan ng US navy

Sinaklolohan ng US Navy Arleigh Bruke-class guided missile destroyer USS Ralph Johnson (DDG 114) ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea na nangangailangan ng tulong. Sa ulat ng US Embassy, nagsasagawa ng regular na operasyon sa West Philippine Sea ang naturang barkong pandigma nang mamataan ang bangka ng mga mangingisdang Pilipino na sumesenyas na… Continue reading Mga Pilipinong mangingisda sa WPS, sinaklolohan ng US navy

Ilang mambabatas, tutol sa panukala na ihinto ang libreng tertiary education program

Mariing tinutulan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang panukala ni Finance Sec. Benjamin Diokno na repasuhin ang libreng college education program para sa posibleng pagpapatigil dahil sa hindi na ito sustainable. “I am against the proposal to stop the program because it benefits many poor but deserving high school graduates who cannot otherwise… Continue reading Ilang mambabatas, tutol sa panukala na ihinto ang libreng tertiary education program

NLEX, nag-abiso sa ipatutupad na temporary closure sa public access points patungong PH Arena sa Biyernes

Pansamantalang isasara sa publiko ang lahat ng public access points patungong Philippine Arena sa hapon ng Biyernes, August 25 sa pagbubukas ng FIBA World Cup. Sa abiso ng NLEX corporation, magsisimula ang temporary closure ng access points pagpatak ng 5:30 ng hapon. Kabilang dito ang Ciudad de Victoria toll plaza northbound exit, southbound ramp exit,… Continue reading NLEX, nag-abiso sa ipatutupad na temporary closure sa public access points patungong PH Arena sa Biyernes

Mga binabantayang lugar na itinuturing na Areas of Grave Concern ng PNP, posibleng madagdagan pa

Posibleng madagdagan pa ang mga binabantayang Areas of Grave Concern ng Philippine National Police (PNP) o mas kilala sa tawag na ‘election hotspots’ habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa Oktubre. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Redrico Maranan, sa ngayon ay nananatili pa sa 27 lugar… Continue reading Mga binabantayang lugar na itinuturing na Areas of Grave Concern ng PNP, posibleng madagdagan pa