Philippine Red Cross, naghatid ng malinis na tubig sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay sa Abra

Walang patid ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga residenteng apektado ng pananalasa ng bagyong Egay. Kaugnay nito ay naghatid ng malinis na tubig ang PRC water tanker sa iba’t ibang barangay sa Bangued, Abra. Isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residente matapos mapinsala ng bagyo. Kabilang sa mga… Continue reading Philippine Red Cross, naghatid ng malinis na tubig sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay sa Abra

DTI Sec. Alfredo Pascual, nais palakasin ang economic relations ng Pilipinas sa South Korea

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kay Korean Ministry of Trade, Industry and Energy Minister for Trade Dukgeun Ahn sa sidelines ng 55th ASEAN Economic Ministers sa Semarang, Indonesia. Tinalakay ng dalawang opisyal ang mas pinaigting na economic engagements sa pagitan ng dalawang bansa. Ikinalugod rin ng dalawang opisyal ang… Continue reading DTI Sec. Alfredo Pascual, nais palakasin ang economic relations ng Pilipinas sa South Korea

DAR, sisikaping makapamahagi ng 30,000 land titles ngayong taon

Target ng Department of Agrarian Reform (DAR) na makapamahagi pa ng 30,000 land titles sa mga agrarian reform beneficiaries ngayong taon. Ito na ang kukumpleto sa 80,000 land titles na maipamahagi sa buong bansa ngayong taong 2023. Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, nakapamahagi ng kabuuang 71,360 land titles ang DAR sa mga… Continue reading DAR, sisikaping makapamahagi ng 30,000 land titles ngayong taon

Pagkakaroon ng sariling charter ng Energy Regulatory Commission, isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

Gusto ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng sariling charter ang Energy Regulatory Commission (ERC), para madagdagan ang kapangyarihan nito sa pagtugon sa mga isyu sa power industry gaya ng pagkaantala ng mga proyekto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na nakakaapekto sa suplay ng kuryente.  Ang mga isyung ganito sa NGCP ang… Continue reading Pagkakaroon ng sariling charter ng Energy Regulatory Commission, isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian

Rep. Erwin Tulfo sa oil companies: ‘Moderate your greed”

“Moderate your greed.” Ito ang payo ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo sa mga kumpanya ng langis. Sa isang Facebook post, pinuna ng mambabatas ang lingguhang taas-presyo ng produktong petrolyo na tahasan aniyang panloloko sa taumbayan. Punto ni Tulfo, kung tumaas man ang presyo ng petrolyo sa World Market o sa pinagkukunan nila ay hindi ito… Continue reading Rep. Erwin Tulfo sa oil companies: ‘Moderate your greed”

Hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup, pagkakataon para maipakita sa mundo ang ganda ng Pilipinas – Sen. Bong Go

Binigyang diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na ang nalalapit na hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 ay mahalaga sa pagtataguyod ng sportsmanship, international camaraderie, at pagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo. Ito ay kasabay ng pagpapahayag ng Senate Committee on Sports Chairperson ng suporta para sa nalalapit na event. Iginiit… Continue reading Hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup, pagkakataon para maipakita sa mundo ang ganda ng Pilipinas – Sen. Bong Go

Mas mataas na pondo para sa cancer assistance sa 2024, pinuri ng isang mambabatas

Welcome para kay Deputy Speaker Ralph Recto ang dagdag pondo para sa cancer assistance fund sa 2024. Batay sa isinumiteng 2024 National Expenditure Program (NEP), may kalahating bilyong pisong pagtaas sa cancer control at cancer assistance fund. Ibig sabihin, magiging P2.02 billion na ang pondo para sa susunod na taon. Maliban pa ito sa P28… Continue reading Mas mataas na pondo para sa cancer assistance sa 2024, pinuri ng isang mambabatas

Produksyon ng mais, lalong pinaparami ng DA-XI sa Davao Oriental

Ang Department of Agriculture-XI (DA-XI), sa pamamagitan ng kaniyang Corn Banner Program at sa pakipagtulungan ng Research and Development Division, ay naglunsad ng genetically-modified (GM) hybrid yellow corn production derby crop-cutting sa Tagugpo, sa bayan ng Lupon, Davao Oriental Province. Ang naturang activity ay naglalayong tukuyin ang pinaka-magandang binhi na makapagbibigay ng mataas na bulto… Continue reading Produksyon ng mais, lalong pinaparami ng DA-XI sa Davao Oriental

Karagdagang biyahe ng barko mula at papuntang Jolo at Zamboanga, malaking ginhawa sa mga nagtutungo sa lalawigan ng Sulu

Karagdagang barko ang bibiyahe mulat at patungong Zamboanga at Jolo simula kahapon na magbibigay ginhawa sa libo-libong biyahero araw araw sa probinsya. Ayon kay Port Manager Nurmina Wallace, ng Bangsamoro Port Management Authority (BPMA) sa Jolo, simula kagabi, dalawang barko na ang bumiyahe mula Zamboanga sa dating isang barko lamang tuwing Lunes. Ito ay matapos… Continue reading Karagdagang biyahe ng barko mula at papuntang Jolo at Zamboanga, malaking ginhawa sa mga nagtutungo sa lalawigan ng Sulu

Valenzuela LGU, nagbukas ng vaccination sites para sa mga mag-aaral bago ang pasukan ng klase

Hinihikayat ng Valenzuela City Government ang mga mag-aaral, na kumpletuhin na ang kanilang bakuna kontra COVID-19 bago ang pasukan ng klase sa Agosto 29. Nagbukas na ang lokal na pamahalaan ng dalawang vaccination site sa lungsod na maaaring puntahan ng mga mag-aaral na magpapaturok ng COVID-19 vaccine. Isa rito ay ang Valenzuela City People’s Park… Continue reading Valenzuela LGU, nagbukas ng vaccination sites para sa mga mag-aaral bago ang pasukan ng klase