Napaslang na si Jemboy Baltazar, ililibing ngayong araw

Ihahatid na sa kanyang huling hantungan si Jemboy Baltazar, ang nasawing biktima ng mistaken identity sa Navotas city ngayong araw, August 16. Nakatakdang dalhin mamayang hapon ang mga labi ni Jemboy sa San Lorenzo Ruiz Parish para sa huling misa bago ito ihatid sa La Loma Cemetery. Inaasahang magsusuot ng puting damit ang pamilya nito… Continue reading Napaslang na si Jemboy Baltazar, ililibing ngayong araw

600 solo parents, nakinabang sa ‘Tindahan ni Ate Joy’ program ng QC LGU

Aabot sa 600 solo parents ang tumanggap ng livelihood aid mula sa “Tindahan ni Ate Joy” livelihood program ng pamahalaang Lungsod ng Quezon. Sa ilalim ng program, binigyan ng groceries na nagkakahalaga ng ₱10,000 ang bawat benepisyaryo bilang suporta para magkaroon ng sariling kabuhayan. Pinangunahan mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at Councilor Ellie… Continue reading 600 solo parents, nakinabang sa ‘Tindahan ni Ate Joy’ program ng QC LGU

Oplan Pag-abot ng DSWD, umarangkada na sa Parañaque

Sinimulan na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang rollout ng reach-out operations nito sa Parañaque City, bilang bahagi ng pinalawak na Oplan Pag-Abot. Sa unang araw ng operasyon, aabot sa tatlong unattached adults at 12 kabataan na umano’y inabandona na ng kanilang pamilya ang naabot ng DSWD. Agad na dinala ang… Continue reading Oplan Pag-abot ng DSWD, umarangkada na sa Parañaque

‘SMART’ internship program ng Kamara, inilunsad

Pormal na inilunsad ng Kamara ang kanilang Strategic Mentoring and Research Training (SMART) Internship Program. Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang tumanggap sa 32 college interns mula sa University of the Philippines (UP) Diliman, UP Visayas, Lyceum of the Philippines University (LPU), Trinity University of Asia, (TUA), at University of Santo Tomas (UST). Sa… Continue reading ‘SMART’ internship program ng Kamara, inilunsad

China, walang maipakitang patunay sa DFA sa sinasabing kasunduan para alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Walang maipakitang katibayan ang China sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng sinasabi nitong kasunduan sa Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sa deliberasyon ng budget, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na walang ganitong rekord ang gobyerno ng Pilipinas. Makailang ulit na rin aniyang humingi ang DFA ng… Continue reading China, walang maipakitang patunay sa DFA sa sinasabing kasunduan para alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

EcoWaste, nagbabala sa ilang brand ng krayola

Ngayong papalapit na ang pasukan, nagpaalala ang toxics watchdog group na EcoWaste Coalition sa mga magulang na mag-ingat sa pagbili ng mga kagamitan sa eskwela ng kanilang mga anak kabilang ang krayola. Kasunod ito ng pagkakadiskubre ng grupo ng ilang crayon products na walang mandatory “non-toxic” at iba pang mahahalagang labeling information. Kabilang sa mga… Continue reading EcoWaste, nagbabala sa ilang brand ng krayola

Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE, tinutukoy ng PNP

Inaalam ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung sino sa kanilang mga tauhan ang may kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.  Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ang magiging basehan ng gagawin nilang re-assignment ng mga naturang pulis bago mag-eleksyon. Paliwanag ng PNP chief, ito… Continue reading Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE, tinutukoy ng PNP

Navotas Chief of Police, pinasisibak ng IAS dahil sa Jemboy case

Inatasan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Brigadier General Melencio Nartatez na i-relieve sa puwesto si Navotas City Chief of Police Col. Alan Umipig kaugnay ng kaso ng pagkakapaslang ng kanyang mga tauhan kay Jemboy Baltazar. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, nadiskubre sa kanilang… Continue reading Navotas Chief of Police, pinasisibak ng IAS dahil sa Jemboy case

Pagsalin sa titulo ng liderato sa katutubong Blaan, isinagawa sa Saranggani Province

“Intelihenteng liderato ng mga leader sa kumunidad,” ito ang hinimok ni Bong Fulung Fredo Pandian Basino na nahirang kamakailan bilang Barangay Tribal Chieftain (District 1) ng Barangay Sapu Masla sa bayan ng Malapatan, Sarangani Province. Naipasa sa kaniya ang titulo sa isang seremonya na pinamagatang “Installation, Investiture, and Recognition Ceremony of Bong Fulung Mngawe Banwe… Continue reading Pagsalin sa titulo ng liderato sa katutubong Blaan, isinagawa sa Saranggani Province

Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province

Ayon sa impormasyon na inilabas ng PNP Mountain Province PIO, nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang abandonadong ‘encampment’ o kampo ng pinaghihinalaang Communist Terrorist Group (CTG) sa Mount Ampucao, Brgy. Balugan, Sagada, Mountain Province, habang sila’y nagsasagawa ng reconnaissance at combat patrol operation sa lugar sa araw ng Martes, August 15, 2023.… Continue reading Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province