Train sets ng MRT 3, operational na lahat

Inanunsyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nakumpleto na nito ang pag overhaul ng 72 light rail vehicles o mga bagon noong Nobyembre 2022. Sa ngayon, ayon kay Department of Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC Jorjette Aquino, nasa 24 train sets na ng MRT 3 ang available at operational. Sa… Continue reading Train sets ng MRT 3, operational na lahat

DSWD, sinimulan na ang cash-for-work payouts sa mga pamilya sa Northern Mindanao na naapektuhan ng mga pagbaha

Kabuuang 5,922 pamilya na apektado ng pagbaha sa Northern Mindanao ang nakatanggap na ng bayad mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa DSWD-Northern Mindanao,ang mga benepisyaryo na karamihan ay mga magsasaka ay lubhang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng inter-tropical convergence zone (ITCZ). Binigyan sila ng trabaho ng DSWD sa ilalim… Continue reading DSWD, sinimulan na ang cash-for-work payouts sa mga pamilya sa Northern Mindanao na naapektuhan ng mga pagbaha

Hindi pangkaraniwang pagtaas ng kaso ng leptospirosis, naitala sa Quezon City sa nakalipas na isang linggo

Mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2, naitala ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng kaso ng liptospirosis sa lungsod Quezon. Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ang 22 kaso ng leptospirosis kung saan 10 kaso o 45% dito ay naitala sa isang araw lamang noong Agosto 1.… Continue reading Hindi pangkaraniwang pagtaas ng kaso ng leptospirosis, naitala sa Quezon City sa nakalipas na isang linggo

Pagkakaroon ng TESDA training center sa ibang bahagi ng Bicol para tumaas ang “employability,” isinusulong

Isinusulong ni Ako Bicol Partlist Representative Elizaldy Co ang pagtatatag ng mga Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training centers sa Manito at Rapu-rapu sa Bicol. Sa inihaing House Bill 8611 at 8612, magtatatag ng TESDA training centers na mag-aalok ng specialized programs na in-demand sa merkado. Layon nitong makapag-produce ng skilled workforce para… Continue reading Pagkakaroon ng TESDA training center sa ibang bahagi ng Bicol para tumaas ang “employability,” isinusulong

Pamahalaan, puspusan na ang kooperasyon sa gas stations para sa pansamantalang shelter ng motorcycle riders tuwing umuulan

Marami nang gasoline stations ang nagbigay ng commitment sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagtatayo ng temporary shelters para sa mga motorista, tuwing umuulan. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni MMDA Director for Traffic Victor Nuñez na isinasapinal na nila ang concept design para sa programang ito. Layon nitong masiguro ang kaligtasan… Continue reading Pamahalaan, puspusan na ang kooperasyon sa gas stations para sa pansamantalang shelter ng motorcycle riders tuwing umuulan

Pagdinig tungkol sa problema sa baha, ikakasa na ng Senado sa susunod na linggo

Gagawin na sa Miyerkules, August 9, ang pagdinig ng Senate Committee on Public Works tungkol sa matinding pagbaha sa maraming lugar sa bansa at ang pagbusisi sa flood control program ng pamahalaan. Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, alam na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gagawing pagdinig ng senado at mismong ang… Continue reading Pagdinig tungkol sa problema sa baha, ikakasa na ng Senado sa susunod na linggo

Higit 600 enforcers, aalalay sa mga motorista habang kinukumpuni ang EDSA

Nasa 650 traffic enforcers ang ipakakalat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng EDSA upang umalalay sa mga motorista simula ngayong gabi hanggang August 9. Ito ayon kay MMDA Director for Traffic Victor Nuñez, ay sa gitna ng ipatutupad na ‘one-time, big time repair’ na isasagawa ng mga contractor ng DPWH, simula Balintawak… Continue reading Higit 600 enforcers, aalalay sa mga motorista habang kinukumpuni ang EDSA

Mambabatas, ipinanawagang buhayin ang emergency bays na maaaring masilungan ng mga motorcycle rider kapag umuulan

Nanawagan ni Senador JV Ejercito na buhayin ang emergency bays sa mga kalsada na pwedeng mahintuan at masilungan ng mga motorcycle rider kapag umuulan. Isa ito sa nakikitang solusyon ni Ejercito sa gitna ng isyu sa ipinatutupad ng MMDA na pagbabawal sa mga rider na sumilong sa mga footbridge kapag naabutan ng ulan. Nauunawaan aniya… Continue reading Mambabatas, ipinanawagang buhayin ang emergency bays na maaaring masilungan ng mga motorcycle rider kapag umuulan

Pinakahuling aktibidad ng Bulkang Bulusan, hindi pa dapat ikaalarma — PHIVOLCS

Bulusan Volcano, Philippines

Wala pang dapat na ikabahala ang publiko kaugnay sa Bulkang Bulusan, kahit nakapagtala ito ng walong tectonic earthquake noong Martes (August 1). Ito, ayon kay PHIVOLCS OIC Dr. Teresito Bacolcol ay dahil base sa kanilang pinakahuling datos, mula kahapon hanggang kaninang madaling araw, nasa apat na lamang ang tectonic earthquakes na kanilang naitala. “There is… Continue reading Pinakahuling aktibidad ng Bulkang Bulusan, hindi pa dapat ikaalarma — PHIVOLCS

Pasay LGU, magsasagawa ng Barangay Labor Desk Job Fair bukas

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Barangay Labor Desk Job Fair bukas Sabado, August 5, na gaganapin sa Apelo Elementary School sa Malibay, Pasay City. Ang nasabing job fair ay magsisimula mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Aabot sa kabuuang 1,774 na mga bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga aplikante… Continue reading Pasay LGU, magsasagawa ng Barangay Labor Desk Job Fair bukas