Pinsala sa agri sector ng Bagyong Egay, halos P2 bilyon na — DA

Pumalo na sa P1.94 bilyon ang halaga ng pinsalang inabot ng sektor ng agrijultura sa mga pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong Egay. Ayon sa DA-DRRM, as of July 31, umabot na rin 123,274 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ng kalamidad sa bansa. Sumampa na rin sa 147,063 na ektarya ng lupaing sakahan… Continue reading Pinsala sa agri sector ng Bagyong Egay, halos P2 bilyon na — DA

OPAPRU at NTF-ELCAC, nagpahayag ng suporta sa amnesty proclamation ng Pangulo

Maituturing na “crown jewel” ng peace process ang “amnesty proclamation” ng Pangulo para sa mga kwalipikadong dating rebelde. Ito ang inahayag ni Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa regular na press conference ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Tagged… Continue reading OPAPRU at NTF-ELCAC, nagpahayag ng suporta sa amnesty proclamation ng Pangulo

Mga opisyal ng NCMF na nagpabaya sa Hajj 2023, pinagbibitiw sa pwesto ng isang mambabatas

Sa isang privilege speech ay ipinanawagan ni Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong ang pagbibitiw ng mga opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos matapos ang pahirap na sinapit ng mga Muslim Filipino na nakibahagi sa Hajj 2023. Aniya, hindi biro ang naranasanag logistical at transportation delay ng mga Filipino Muslim na… Continue reading Mga opisyal ng NCMF na nagpabaya sa Hajj 2023, pinagbibitiw sa pwesto ng isang mambabatas

Tulong ng IOM para sa mga nasalanta ng Bagyong Egay, naihatid na sa mga probinsya

Nai-turn-over na sa Department of Social Welfare and Development at Department of Housing Settlement and Urban Development ang tulong ng ibang bansa para sa mga naapektuhan ng bagyong Egay. Sa pamamagitan ng International Organizations for Migrations (IOM) ng United Nations Migration Agency, nakapaghatid ito ng 2,100 na tarps para magamit na pansamantalang bubong ng mga… Continue reading Tulong ng IOM para sa mga nasalanta ng Bagyong Egay, naihatid na sa mga probinsya

Online delivery ng pagkain sa PDLs, papahintulutan na ng BuCor

Pinapayagan na ng Bureau of Corrections o BuCor ang mga Person Deprived of Liberty na tumanggap ng food delivery online mula sa kanilang pamilya. Ayon kay BuCor OIC-Deputy Director for Operations Angelina Bautista, maari nang magpadala ng pagkain thru online delivery ang pamilya ng PDL sa pamamagitan ng ‘E-dalaw’, kung saan ime-message ang PDL para… Continue reading Online delivery ng pagkain sa PDLs, papahintulutan na ng BuCor

Mahigit 50k indibidwal na apektado ng Bagyong Egay, nananatili sa evacuation centers

Dahil sa patuloy na sama ng panahon, hindi pa rin nakakauwi sa kani-kanilang mga tahanan ang ilang mga nagsilikas dahil sa Bagyong Egay. Sa tala ng NDRRMC, aabot sa mahigit 13,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 50,000 na indibidwal ang nanantili pa rin sa mahigit 700 evacuation centers sa Regions 1, 2, 3, 4A,… Continue reading Mahigit 50k indibidwal na apektado ng Bagyong Egay, nananatili sa evacuation centers

Partylist solon, nanawagan ng agresibong pagtugon sa food inflation upang makamit ang inflation target

Nanawagan si AGRI party-list Rep. Wilbert Lee sa gobyerno na agresibong tugunan ang food inflation upang makamit ang 2.9 percent inflation target sa taong 2024. Aniya, mahalaga na gawing abot-kaya ang presyo ng mga pagkain sa bansa dahil ito ay “top factors” na siyang nakakaapekto sa inflation. Ayon sa Bicolano lawmaker, tama ang datos ng… Continue reading Partylist solon, nanawagan ng agresibong pagtugon sa food inflation upang makamit ang inflation target

Special license plates para sa e-vehicles, ipinapanukala

Inihain ni Malasakit at Bayanihan party-list Rep. Anthony Golez Jr. ang isang panukala para mabigyan ng special license plates ang mga electronic vehicle (EVs). Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8560, aatasan ang Land Transportation Office (LTO) na gumawa ng plaka na iba sa regular na plaka na ibinigay sa mga conventional na sasakyan. Ngunit… Continue reading Special license plates para sa e-vehicles, ipinapanukala

Finance Sec. Diokno, umaasang tutugon ang mga ahensya ng gobyerno na magkaroon ng ‘catch-up plan’ upang makamit ang expenditure target

Nanawagan si Finance Secretary Benjamin Diokno sa mga ahensya ng gobyerno na magkaroon ng “catch-up plan” ngayong bagsak ang paggasta ng bansa sa unang semestre ng taon. Ayon kay Diokno, hindi siya masaya sa maliit na deficit dahil hindi nakakamit ng bansa ang ‘expenditure target’. Kaya naman pakiusap ng kalihim sa government agencies, kailangan ng… Continue reading Finance Sec. Diokno, umaasang tutugon ang mga ahensya ng gobyerno na magkaroon ng ‘catch-up plan’ upang makamit ang expenditure target

EU, PH, pinag-uusapan na ang mga kondisyon para sa maayos na Free Trade Agreement sa bansa

Pinag-uusapan na ng European Union at ng ating pamahalaan ang mga kondisyon sa maayos na Free Trade Agreement ng dalawang bansa. Ito’y matapos magkaroon ng isang bilateral meeting ang naturang bansa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan isa sa napag-usapan ang naturang paksa. Ayon kay European Commission President Ursula von der Leyen, ito’y… Continue reading EU, PH, pinag-uusapan na ang mga kondisyon para sa maayos na Free Trade Agreement sa bansa