Rescue boat na ginamit ng 4 na PCG personnel na nawawala sa Cagayan River, natagpuan na

Natagpuan na kahapon ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan. Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ito ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island. Kwento ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang pitong milya mula sa… Continue reading Rescue boat na ginamit ng 4 na PCG personnel na nawawala sa Cagayan River, natagpuan na

Ilang Pinoy entrepreneurs, nagtagumpay na sa larangan ng pagnenegosyo sa Thailand gamit ang produkto ng cannabis

Masayang ibinahagi ng ilang Filipino Enterprenuer na nakabase sa Thailand ang kanilang nakakamit na tagumpay sa pagnenegosyo gamit ang produkto ng cannabis. Sa isang Media Health Forum, sinabi ni Arthur Reyes ng Mabuhay Maharlika Medical Dispensary, ang kauna-unahang Filipino inspired cannabis dispenser sa mundo, ang pagsisikap nila ang puhunan para makamit ang tagumpay sa kanilang… Continue reading Ilang Pinoy entrepreneurs, nagtagumpay na sa larangan ng pagnenegosyo sa Thailand gamit ang produkto ng cannabis

Publiko, pinaalalahanan ng DOH na mag-ingat sa mga sakit na dumadapo tuwing tag-ulan

Muling pinaalalahanan ng Department of Health o DOH ang publiko na mag-ingat sa mga tinatawag na ‘WILD diseases’ o yung mga tinatawag na Waterborne disease, Influenza, Leptospirosis at Dengue na madalas tumataas ang kaso tuwing tag-ulan. Ayon sa DOH, dapat sundin ang ilang mga tagubulin upang maiwasan ang sakit tulad ng tamang pagtatapon ng basura,… Continue reading Publiko, pinaalalahanan ng DOH na mag-ingat sa mga sakit na dumadapo tuwing tag-ulan

European Union, magbibigay ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng bagyong Egay

Nais magbigay ng tulong pinansyal ang European Union para sa kababayan nating biktima ng bagyong Egay sa bansa. Nasa €500,000 Euros o nasa mahigit ₱30-million na halaga ng tulong ang European Union para sa mga biktima ng bagyong Egay sa Pilipinas at para masuportahan ang relief efforts ng bansa. Ayon kay EU Commissioner for Crisis… Continue reading European Union, magbibigay ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng bagyong Egay

Kahandaan ng gobyerno sa pagtugon sa El Niño, pinasisilip sa Senado

Pinabubusisi ni Sendor Sherwin Gatchalian sa mataas na kapulungan ng Kongeso ang kahandaan ng pamahalaan laban sa El Niño phenomenon na posibleng magpatuloy hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon. Inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution 691 kasunod ng pagdedeklara ng PAGASA sa pagsisimula ng El Niño. Paliwanag ng senador, ang pag-iral ng El… Continue reading Kahandaan ng gobyerno sa pagtugon sa El Niño, pinasisilip sa Senado

DSWD, patuloy na isinasagawa ang reach out operations sa mga street dweller sa gitna ng mga pag-ulan

Tuloy-tuloy ang reach out operation ng Department of Social Welfare and Development sa mga street dweller sa Metro Manila sa gitna ng mga pag ulan. Sa ilalim ng Oplan Pag-Abot ng DSWD, kasama sa aktwal na operasyon ang kinatawan ng Commission on Human Rights, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine Statistics Authority. Kasama sa proseso… Continue reading DSWD, patuloy na isinasagawa ang reach out operations sa mga street dweller sa gitna ng mga pag-ulan

LRMC, inilabas na ang bagong fare matrix sa LRT-1 na magiging epektibo simula August 2

Ipapatupad na ng Light Rail Manila Corporation ang bagong pasahe sa LRT-1 simula August 2, matapos aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang petisyon nito noong Hunyo. Batay sa desisyon ng Rail Regulatory Unit ng DOTr, magiging ₱13.29 ang boarding fare na may ₱1.21 na distance fare sa bawat kilometro, mula sa kasalukuyang boarding fare… Continue reading LRMC, inilabas na ang bagong fare matrix sa LRT-1 na magiging epektibo simula August 2

DSWD, magpapadala ng higit 289,000 family food packs sa Region 1, 3 at CAR

Iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang agarang pagpapadala ng 289, 906 family food packs (FFPs) sa Ilocos Region, Central Luzon at sa CAR. Augmentation ito para sa LGUs sa tatlong rehiyong nakararanas ng matinding epekto ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Egay at Falcon. Ayon sa DSWD,… Continue reading DSWD, magpapadala ng higit 289,000 family food packs sa Region 1, 3 at CAR

Mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Egay at habagat, halos 100,000 na — DA

Pumalo na sa 99, 272 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ni bagyong Egay at Habagat. Sa ulat ng Department of Agriculture, ang mga apektadong sektor ay mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Caraga Region. Abot na sa 66, 075 metric tons… Continue reading Mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Egay at habagat, halos 100,000 na — DA

DOE, nakatutuok na sa pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga probinsya na naapektuhan ni bagyong Egay

Nakatutok na ang Department of Energy (DOE) para sa pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga lalawigan ng Northern Luzon na matinding sinalanta ng nagdaang bagyong Egay. Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, kabilang dito ay ang franchise areas ng Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc., Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc., Cagayan II Electric Cooperative,… Continue reading DOE, nakatutuok na sa pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga probinsya na naapektuhan ni bagyong Egay