Mahigit 160 residente sa Cagayan, inilikas ng Naval Forces Northern Luzon

Pinangunahan ng Naval Forces Northern Luzon ang paglikas ng mga residente sa mga bulnerableng komunidad sa Cagayan sa gitna ng banta ng bagyong Egay. Umalalay ang mga Disaster Response Team (DRT) ng 30th Marine Company (30MC), sa paglikas ng 100 indibidual, kabilang ang 25 bata mula sa Brgy. Caroan Gonzaga, Cagayan patungo sa evacuation center… Continue reading Mahigit 160 residente sa Cagayan, inilikas ng Naval Forces Northern Luzon

Pagkakasama ng Bicol sa ‘Luzon Spine Expressway Network’, ipinagpasalamat ng isang mambabatas

Malaki ang pasasalamat ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naisama ang Bicol Region sa “Build Better More” infrastructure program. Sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM ay nabanggit ng Pangulo ang pagsasakatuparan sa 1,200-kilometer Luzon Spine Expressway Network. Ayon sa party-list solon, game-changer itong… Continue reading Pagkakasama ng Bicol sa ‘Luzon Spine Expressway Network’, ipinagpasalamat ng isang mambabatas

DSWD, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Cotabato

Nagpadala na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang mga residente ng Cotabato na naapektuhang ng pagbaha na dulot ng habagat at bagyong Egay. Sa pamamagitan ng DSWD SOCCSKSARGEN Field Office, naghatid ang kagawaran ng cash assistance sa 11 pamilya mula sa Bayan ng Libungan na nasira ang tahanan. Nakatanggap… Continue reading DSWD, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Cotabato

Susunod na hakbang ng Ethics Committee ng Kamara laban kay Rep. Arnie Teves, titimbangin pa

Inaasahan na magpupulong muli ang House Committee on Ethics sa susunod na linggo upang pag-usapan kung ano ang magiging susunod na hakbang laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. Ayon kay COOP NATCO Party-list Representative Felimon Espares, chair ng komite, hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam ang suspended congressman sa Kamara.… Continue reading Susunod na hakbang ng Ethics Committee ng Kamara laban kay Rep. Arnie Teves, titimbangin pa

Mga evacuee sa Occidental Mindoro, pinatututukan ni DSWD Sec. Gatchalian

Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang kanilang MIMAROPA (Mindoro Oriental & Occidental, Marinduque, Romblon, and Palawan) Field Office na asikasuhin ang mga residenteng inilikas sa ilang bayan sa Occidental Mindoro dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong Egay. Pinatitiyak ng kalihim kay MIMAROPA Regional Director… Continue reading Mga evacuee sa Occidental Mindoro, pinatututukan ni DSWD Sec. Gatchalian

Bagyong Egay, napanatili ang lakas habang nasa karagatan ng Cagayan

Napanatili ng Typhoon Egay ang lakas nito habang nasa kagaratan pa rin ng Cagayan Batay sa 8am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ng lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 240 km/h. Kumikilos pa rin… Continue reading Bagyong Egay, napanatili ang lakas habang nasa karagatan ng Cagayan

Ilang transmission lines sa Luzon, apektado ng bagyong Egay

Nadagdagan pa ang mga lalawigang nawalan na ng suplay ng kuryente dahil sa bagyong Egay. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), as of 7am, apektado na ngayon ang ilang transmission facilities nito sa Aurora, Abra, Cagayan, Benguet, at Nueva Ecija dahil sa epekto ng kalamidad. Kabilang sa mga naapektuhang pasilidad ay… Continue reading Ilang transmission lines sa Luzon, apektado ng bagyong Egay

Taas-singil sa buwis sa sasakyan, lusot na sa komite, isang araw matapos hilingin ni PBBM sa kanyang SONA

Isang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA), ay agad tinalakay at inaprubahan ng House Ways and Means Committee ang isa sa mga panukala na hiniling ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso na ipasa. Lusot na sa komite ang panukalang itaas ang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC), o buwis na sinisingil… Continue reading Taas-singil sa buwis sa sasakyan, lusot na sa komite, isang araw matapos hilingin ni PBBM sa kanyang SONA

Higit 150,000 indibdiwal, apektado ng habagat at bagyong Egay — DSWD

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa 154,000 na mga indibidwal na naapektuhan ng habagat at bagyong Egay. Ayon sa DSWD, katumbas ito ng 38,991 na pamilya mula sa Regions I, II, III, CALABARZON MIMAROPA, VI, VIl, at XII. Batay pa sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information… Continue reading Higit 150,000 indibdiwal, apektado ng habagat at bagyong Egay — DSWD

BFP, tumulong sa paglikas ng mga binahang residente sa Bacolod

Nakatutok na rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga ikinakasang rescue operations sa gitna ng pananalasa ng habagat at bagyong Egay sa bansa. Sa Bacolod City, agad na inactivate ng Bacolod City Fire Station ang “OPLAN PAGHALASA,” o ang emergency evacuation plan nito para sa mga binabahang lugar. Tumulong ito para mailikas ang… Continue reading BFP, tumulong sa paglikas ng mga binahang residente sa Bacolod