Mga tauhan ng BFP, sinanay sa pagtugon sa tactical emergency situations

Pinaigting ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kakayahan nito sa pagresponde sa mga delikadong tactical situations na gaya ng mass shootings, pambobomba at terrorist attack. Ngayong araw, nasa 80 tauhan ng BFP firefighting, emergency at special rescue unit ang sumalang sa kauna-unahang Tactical Emergency Casualty Care Course. Nagkaroon ng scenario ng isang hostage-taking kung… Continue reading Mga tauhan ng BFP, sinanay sa pagtugon sa tactical emergency situations

DENR, muling magsasagawa ng Experts’ Forum sa planong pagrepaso ng polisiya sa reclamation

Muling nagtakda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng ikalawang Multi-stakeholder Experts Dialogue kaugnay sa isinasagawa nitong pagrepaso sa polisiya sa mga reclamation projects. Sa abiso ng DENR, isasagawa ang ikalawang Experts Dialogue sa July 17 sa Quezon City. Muling pangungunahan ni DENR Secretary Antonia Loyzaga ang naturang dayalogo na layong tukuyin ang… Continue reading DENR, muling magsasagawa ng Experts’ Forum sa planong pagrepaso ng polisiya sa reclamation

Lebel ng tubig sa Marikina River, nanatiling normal

Nanatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga sa kabila ng patuloy na pag-uulan sa Marikina at sa buong Metro Manila. As of 7:50 ng umaga umabot na sa 12.9 meters ang kasalukyang lebel ng tubig sa Marikina River. Mas mababa ito kumpara kagabi na nasa 13.1 meters kung saan maghapong umulan… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, nanatiling normal

Parañaque LGU, idineklaara ang araw ng Lunes bilang Fruits or Vegetables Day

Nilagdaan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang City Ordinance No. 16, s. 2023 na nadedekara sa Lunes ng bawat linggo bilang “Fruits or Vegetables Day” sa lahat ng pampublikong paaralan at daycare centers sa lungsod. Layon nito na isulong ang pagkakaroon ng magandang kalusugan ng bawat bata. Ayon sa principal author ng nasabing ordinansa… Continue reading Parañaque LGU, idineklaara ang araw ng Lunes bilang Fruits or Vegetables Day

SOGIE Bill, di pwedeng gamitin para makaiwas sa pananagutan sa paglabag sa batas at paglapastangan sa mga bagay na sagrado — isang mambabatas

Binigyang diin ni Bataan Representative Geraldine Roman na hindi maaaring gamitin ang SOGIE Equality Bill para makaiwas sa pananagutan sa paglabag ng karapatan ng ibang tao at kawalan ng respeto sa mga sagradong bagay. Ang pahayag ng mambabatas ay kaugnay sa magkakasunod na kontrobersyal na insidente na kinasangkutan ng ilan sa miyembro ng LGBTQ community.… Continue reading SOGIE Bill, di pwedeng gamitin para makaiwas sa pananagutan sa paglabag sa batas at paglapastangan sa mga bagay na sagrado — isang mambabatas

Mga istratehiya sa pagtitipid ng tubig, ipinatutupad na ng DA

Sinimulan na rin ng Department of Agriculture (DA) ang magpatupad ng water management strategies bilang bahagi ng adaptation at mitigation efforts nito sa nakaambang epekto ng El Niño phenomenon sa agri-sector. Kabilang sa itinutulak ng DA ang paghikayat sa mga food producer na kolektahin ang tubig ulan para magamit sa hinaharap. Bukod dito, pinalalawak na… Continue reading Mga istratehiya sa pagtitipid ng tubig, ipinatutupad na ng DA

Lebel ng tubig sa Angat Dam, hindi pa rin nadagdagan sa kabila ng magdamag na ulan

Hindi pa rin nakatulong ang magdamag na pag-ulan para tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Sa kabila niyan, halos hindi naman gumalaw ang lebel ng tubig sa dam na mula sa 178.03 meters kahapon ay naitala ngayon sa 178.02 meters o bawas na isang sentimetro lamang Ayon sa PAGASA Hydrometreology Division, hindi man… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, hindi pa rin nadagdagan sa kabila ng magdamag na ulan

Ilang motorcycle rider, umaasang di na pagmultahin ng MMDA ang mga motoristang nakikisilong sa mga footbridge tuwing maulan

Hindi pabor ang ilang motorcycle rider sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pagmultahin ang mga motoristang nakikisilong sa ilalim ng mga flyover at footbridge tuwing umuulan. Kasunod yan ng naging pahayag ni MMDA acting Chair Romando Artes na posibleng isyuhan na nila ng ticket ang mga rider na nakikitila sa mga underpass… Continue reading Ilang motorcycle rider, umaasang di na pagmultahin ng MMDA ang mga motoristang nakikisilong sa mga footbridge tuwing maulan

Israel, maaaring gawing modelo para sa cannabis medicalization sa Pilipinas — Sen. Robin Padilla

Kinokonsidera ni Senador Robin Padilla na gawing modelo ang bansang Israel sa pagpapahintulot ng paggamit ng cannabis (marijuana) para sa layuning medikal. Sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Health tungkol sa Senate Bill 230 o ang Medical Cannabis Compassionate Access Bill, sinabi ng senador na kilala ang Israel bilang isa sa mga bansang may… Continue reading Israel, maaaring gawing modelo para sa cannabis medicalization sa Pilipinas — Sen. Robin Padilla

Party-list solon, pinatutugunan sa DMW at DICT ang ilang aberya sa OFW Pass

Umapela ang isang mambabatas sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na maayos ang ilan sa aberya sa OFW Pass. Ayon kay OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino, kapuri-puri ang hakbang ng DMW na maglunsad ng isang digital application upang mapadali ang proseso ng pagkuha ng Overseas… Continue reading Party-list solon, pinatutugunan sa DMW at DICT ang ilang aberya sa OFW Pass