Dept of Water Resources, dapat nang mabuo sa gitna ng kakulangan sa suplay ng tubig ng bansa

Mas lalong nabigyang diin ang pangangailangan sa Department of Water Resources dahil sa water crisis na nararanasan ng bansa ngayon ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda. Aniya, malaking dahilan ng kakulangan sa tubig ay ang kabiguan na i-manage o pamahalaan ng maayos ang mga pinagkukunan ng tubig. “That’s why we need the… Continue reading Dept of Water Resources, dapat nang mabuo sa gitna ng kakulangan sa suplay ng tubig ng bansa

ACT-CIS Rep. Tulfo, handang matuto mula sa mga beteranong mambabatas

Aminado si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na marami pa siyang dapat matutunan sa pagsabak sa bagong papel bilang mambabatas. Ngayong ibinasura na ng COMELEC en banc ang disqualification case laban sa kaniya ay ganap na niyang magagampanan ang trabaho bilang isang kongresista. Aniya, kahit kasalukuyang nasa biyahe ay nagbabasa siya ng mga rules at… Continue reading ACT-CIS Rep. Tulfo, handang matuto mula sa mga beteranong mambabatas

Cloudseeding ops sa Cagayan at Bohol, inihahanda na

CRITICAL. Angat Dam in Norzagaray, Bulacan is down to 180.67 meters of elevation as of 4 p.m. on Thursday (July 6, 2023). It started the day at 180.89 meters. The dam’s minimum operating level is 180 meters. It supplies nearly the entire potable water needs of Metro Manila. (PNA photo by Joan Bondoc)

Pinaghahandaan na ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa Cagayan Valley at lalawigan ng Bohol. Ayon kay Engr. Ernesto Brampio, Water Resources Management Division Chief, batay sa kanilang joint area assessment ay kailangan na talaga ng tulong ng cloud seeding sa Cagayan. Dagdag pa nito, nakapaglaan na… Continue reading Cloudseeding ops sa Cagayan at Bohol, inihahanda na

Caloocan LGU, namahagi ng cash incentive sa mga mag-aaral na nagkamit ng ‘highest honors’

Nakatanggap ng cash incentive mula sa pamahalaang lungsod ang ilang estudyanteng Kankaloo na nagkamit ng ‘highest honors’ sa kanilang mga paaralan. Personal na ipinamahagi ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang tseke na may lamang tig-₱10,000 para sa 35 na mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na marka ngayong school year. Ayon sa alkalde, layon nitong parangalan… Continue reading Caloocan LGU, namahagi ng cash incentive sa mga mag-aaral na nagkamit ng ‘highest honors’

China, nananatiling matibay ang posisyon na di kikilalanin ang Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas noong 2016

Patuloy na hindi kikilalanin ng bansang China ang Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Embassy, labag sa United Nations Convention on Law of the Sea at international law ang naging ruling. Iginiit rin ng… Continue reading China, nananatiling matibay ang posisyon na di kikilalanin ang Arbitral Ruling na naipanalo ng Pilipinas noong 2016

GSIS, palalawigin pa ang condonation, restructuring program sa housing accounts hanggang katapusan ng 2025

Palalawigin ng Government Service Insurance System (GSIS) hanggang Disyembre 2025 ang condonation at restructuring program para sa mga housing accounts nito. Ayon kay GSIS President and Genera Manager Wick Veloso, nilalayon na maging homeowners ang kanilang borrowers, at upang mai-update din nito ang kanilang mga housing account at mapadali ang proseso ng kanilang pagbabayad. Nangako… Continue reading GSIS, palalawigin pa ang condonation, restructuring program sa housing accounts hanggang katapusan ng 2025

Pagtukoy ng Anti-Terrorism Council sa 6 na miyembro ng kilusang komunista bilang terorista, suportado ng NTF-ELCAC

Nagpahayag ng suporta ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na tumukoy sa anim na miyembro ng kilusang komunista bilang mga terorista. Sa pamamagitan ng Resolution no. 41 ng ATC, tinukoy bilang mga miyembro ng Ilocos Cordillera Regional White Area Committee ng Communist Party… Continue reading Pagtukoy ng Anti-Terrorism Council sa 6 na miyembro ng kilusang komunista bilang terorista, suportado ng NTF-ELCAC

Sen. Legarda, umaasang patuloy na maninindigan ang Pilipinas sa paggiit ng ating karapatan sa WPS

Nakikiisa si Senate President Pro Tempore Loren Legrada sa paggunita ng Pilipinas sa 7th anniversary ng makasaysayang The Hague arbitral ruling ngayong araw. Ang naturang desisyon ang nagkumpirma ng territorial claim ng Pilipinas sa mga teritoryong sakop ng ating exclusive economic zone (EEZ) at iba pang teritoryo sa loob ng WPS. Ayon kay Legarda, ang… Continue reading Sen. Legarda, umaasang patuloy na maninindigan ang Pilipinas sa paggiit ng ating karapatan sa WPS

Mahigit 4-M na Pilipino sa Rehiyon 1, nakakumpleto na ng PhilSys Step 2 registration

Umabot na sa kabuuang 4,088,718 na Pilipino sa Rehiyon 1 ang matagumpay na nakakumpleto ng Step 2 Philsys registration hanggang Hulyo 10, 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)-Regional Statistical Services Office I (RSSO I). Iniulat ni Camille Carla Beltran, chief administrative officer ng PSA-RSSO 1 na karamihan sa kabuuang PhilSys registrants sa rehiyon ay… Continue reading Mahigit 4-M na Pilipino sa Rehiyon 1, nakakumpleto na ng PhilSys Step 2 registration

NORDECO, muling nasita ng mga senador dahil sa sumbong ng patuloy na brownout sa Davao del Norte

𝐍𝐎𝐑𝐃𝐄𝐂𝐎, 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐃𝐎𝐑 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐌𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐁𝐑𝐎𝐖𝐍𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐕𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄 Muling nasita ng mga senador ang Northern Davao Electric Cooperatives Inc. (NORDECO) dahil sa patuloy pa ring pawala-walang suplay ng kuryente sa rehiyon. Batay kasi sa pahayag ng NORDECO sa Senado, ‘as of’ June 5, 2023 ay wala… Continue reading NORDECO, muling nasita ng mga senador dahil sa sumbong ng patuloy na brownout sa Davao del Norte