Mga binhi ng gulay at gamit sa pagsasaka ipinamahagi sa ilang magsasaka sa Butuan City

Nasa 95 magsasaka sa lungsod ng Butuan ang nakatanggap ng iba’t ibang klase ng binhi ng gulay mula sa Department of Agriculture (DA) Caraga Regional Office sa pamamagitan ng Butuan City Agriculture Office. Bukod sa binhi, namahagi rin ng 10 power sprayer, 90 plastic drums, at 50 pirasong plastic crates. Layon ng lokal na pamahalaan… Continue reading Mga binhi ng gulay at gamit sa pagsasaka ipinamahagi sa ilang magsasaka sa Butuan City

High value drug personality sa lalawigan ng Quezon naaresto na ng pulisya

Nahuli na ng pulisya ang high-value drug personality sa Pagbilao, Quezon matapos ang isinagawang buy-bust operation. Kasabay nito ang pagkakumpiska ng mga otoridad ng ilegal na droga sa kanya na nagkakahalaga ng P3,672,000. Kinilala ni Quezon Provincial Police Office Provincial Director PCol. Ledon Monte ang naarestong suspek na si Samuel Marino ng Brgy. Sta. Catalina… Continue reading High value drug personality sa lalawigan ng Quezon naaresto na ng pulisya

PRC at isang religious group, nagsasagawa ng bloodletting activity, sa iba’t ibang lugar bansa

Sabayang isinasagawa ngayong umaga ng Philippine Red Cross at Pentecostal Missionary Church of Christ ang bloodletting activity sa tatlumpong (30) lugar sa bansa. Ang aktibidad ay may kaugnayan sa ika- 50 taong anibersaryo ng religious group kasabay ng paggunita ng National Blood Donors Month ngayong Hulyo sa buong bansa. Target ng red cross na makakulekta… Continue reading PRC at isang religious group, nagsasagawa ng bloodletting activity, sa iba’t ibang lugar bansa

Lima arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite

Nahuli ng mga tauhan ng Bacoor City Police Station sa isinagawang Anti-Illegal Drug Operation ang limang indibidwal dahil sa pagbebenta ng pinaghihinalaang shabu kaninang alas-3:10 ng madaling araw sa Barangay Kaingen, Bacoor, Cavite. Naaresto ang mga suspek na kinilala bilang sina John Remlie Baquir, alyas Jay-Ar; Ellen Faye Lim, alyas Kambal; Ma. Crizelda Orquiza, alyas… Continue reading Lima arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite

Plebisito para sa pagiging ganap na lungsod ng Carmona, Cavite, isasagawa ngayong araw

Isasagawa ngayong araw ang plebisito upang ratipikahan ang conversion ng bayan ng Carmona, Cavite bilang isang component city. Ang plebisito ay isasagawa sa sampung voting centers na may 116 clustered precints mula ngayong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Hinihikayat naman ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang mga rehistradong botante sa nasabing bayan… Continue reading Plebisito para sa pagiging ganap na lungsod ng Carmona, Cavite, isasagawa ngayong araw

Lebel ng tubig sa Angat dam, bumaba pa sa 179.99 meters ngayong umaga -PAGASA

Bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayong umaga. Batay sa monitoring ng PAGASA Hydro Meteorological Division, pumalo na sa 179.99 meters ang tubig sa dam kaninang alas-6:00 ng umaga mas mababa sa 180.45 meters kahapon. Mas mababa na sa normal high water level ng dam sa 210 meters. Ang Angat dam ang… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat dam, bumaba pa sa 179.99 meters ngayong umaga -PAGASA

Ilan pang LGUs, naghayag ng interes na magpatayo ng murang pabahay sa kanilang lugar -DHSUD

Dalawa pang local government units mula sa Mindanao ang humingi ng suporta sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa pagtatayo ng housing projects. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at mga LGUs ng General Santos City at Libungan, North Cotabato bilang hudyat ng pagsisimula… Continue reading Ilan pang LGUs, naghayag ng interes na magpatayo ng murang pabahay sa kanilang lugar -DHSUD

Pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer para sa evacuees ng Mayon, pinaplantsa na ng DSWD

Plano na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatupad ng Emergency Cash Transfer program para sa evacuees ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay. Nagpulong na ang DSWD Bicol Regional Office at ibat ibang Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) ng mga local government units para sa implementasyon nito. Ayon sa… Continue reading Pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer para sa evacuees ng Mayon, pinaplantsa na ng DSWD

DPWH, magpapatupad ng road reblocking sa weekend

Abiso sa mga motorista! Magsasagawa ng road reblocking and repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila sa weekend. Batay sa abiso, ito ay magsisimula mamayang alas-11 ng gabi hanggang sa Lunes. Kabilang sa mga apektadong kalsada ang ilang bahagi ng C-5 Road sa Pasig City, C-3 Road… Continue reading DPWH, magpapatupad ng road reblocking sa weekend

Higit 100 officer candidates ng Philippine Army, pinaalalahanan ni PBBM na maging tapat sa tungkulin

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng GAIGMAT Class 58-2023 sa Fort Bonifacio, Taguig City, ngayong araw, July 7. Sa naging talumpati ng Pangulo sa harap ng 106 na nagsipagtapos, nagpaalala ang Pangulo na manatiling tapat, magalang, at mayroong integridad sa paggampan ng kanilang bagong tungkulin. “Let patriotism permeate every fiber… Continue reading Higit 100 officer candidates ng Philippine Army, pinaalalahanan ni PBBM na maging tapat sa tungkulin