Pagbuo ng database para sa individuals in street situations, target din ng DSWD sa Oplan Pag-abot

Tina-target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makabuo ng isang central database para sa mga pamilya, mga bata, at indibidwal na nagpapalaboy at nakatira sa lansangan. Ayon kay DSWD Secretary Gatchalian, kasama ito sa hangarin ng proyektong Oplan Pag-abot bukod pa sa pamamahagi ng tulong sa kanila. Sa isang panayam, sinabi ng… Continue reading Pagbuo ng database para sa individuals in street situations, target din ng DSWD sa Oplan Pag-abot

26 probinsya sa bansa, posibleng makaranas ng matinding tagtuyot dahil sa El Niño — PAGASA

Dahil inaasahan ng PAGASA na mas titindi pa sa mga susunod na buwan ang epekto ng El Niño ay posibleng malaking bilang din ng mga lalawigan sa bansa ang makaranas ng dry spell at drought o matinding tagtuyot hanggang sa Enero ng 2024. Sa outlook ng PAGASA, posibleng umabot sa 28 probinsya ang makaranas ng… Continue reading 26 probinsya sa bansa, posibleng makaranas ng matinding tagtuyot dahil sa El Niño — PAGASA

Taguig LGU, naglunsad ng bagong anti-poverty program

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang bago nitong programa na tinawag na Lifeline Assistance for Neighbors In-Need Care and Support o LANI Cares. Layon ng nasabing programa na i-augment ang mga existing programs ng pamahalaan tulad ng Assistane to Individuals in Crisis Situation o AICS ng DSWD at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers… Continue reading Taguig LGU, naglunsad ng bagong anti-poverty program

Rep. Salceda, nais tulungan si Tourism Sec. Frasco; pagbibitiw sa pwesto, di kailangan

Hindi hangad ni Albay Representative Joey Salceda na bumaba sa pwesto si Tourism Secretary Christina Frasco bagkus ay nais pang tulungan ng kinatawan ang kalihim. Sa isang panayam sinabi ni Salceda na mas mabuti na ang mga susunod na hakbang na lang ang tutukan kasunod na rin ng isyu sa tourism video campaign na inilabas… Continue reading Rep. Salceda, nais tulungan si Tourism Sec. Frasco; pagbibitiw sa pwesto, di kailangan

Sen. Joel Villanueva, giniit na panahon nang mag-move on mula sa kontrobersiya sa ‘Love the Philippines’ video

Panahon nang mag-move on mula sa kontrobersiyang idinulot ng pagkakamali ng advertising agency na kinuha ng Department of Tourism (DOT) sa paggawa ng video para sa bagong tourism slogan ng bansa, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva. Nakakalungkot aniya na ang naturang proyekto ng DOT, na layon sanang itaguyod ang Pilipinas ay napuno lang… Continue reading Sen. Joel Villanueva, giniit na panahon nang mag-move on mula sa kontrobersiya sa ‘Love the Philippines’ video

2,000 seating capacity sa plenaryo ng Kamara, posibleng kulangin sa SONA

Aminado si House Secretary General Reginald Velasco na mapupuno ang plenaryo ng House of Representatives sa darating na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24. Ayon sa mambabatas, dahil na rin sa kasikatan ni PBBM at ng dalawang lider ng kapulungan na sina Senate President Juan… Continue reading 2,000 seating capacity sa plenaryo ng Kamara, posibleng kulangin sa SONA

Direktiba ni PBBM na imbestigahan ang mga hoarder, smuggler ng agri-products, simula na ng pagtatapos ng pamamayagpag ng mga kartel — Rep. Quimbo

Mahigit 27,000 barangay sa buong bansa, nalinis sa ilegal na droga sa termino ng Pres. Marcos

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na magwawagi ang pamahalaan sa laban kontra sa ilegal na droga. Sa isang statement na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan, umabot sa 27,206 barangay ang nalinis ng PNP mula sa ilegal na droga mula July 2022 hanggang April 2023. Dahil… Continue reading Mahigit 27,000 barangay sa buong bansa, nalinis sa ilegal na droga sa termino ng Pres. Marcos

Iloilo City, nais na mapasama ang Dinagyang Festival at Molo Church sa promotional video ng DOT

Nais ng Iloilo City government na mapasama ang Dinagyang Festival at Molo Church sa susunod na promotional video ng Department of Tourism (DOT). Matapos na makansela ang kontrata ng DOT sa advertising agency na DBB Philippines, umaasa si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mapapabilang ang Dinagyang Festival at Molo Church na ipinagmamalaki ng lungsod… Continue reading Iloilo City, nais na mapasama ang Dinagyang Festival at Molo Church sa promotional video ng DOT

Pagbabawal ng mga POGO sa Pilipinas, muling iginiit ni Senador Bong Go

Sinabi ng senador na hindi sasapat ang kakarampot na kita ng gobyerno sa POGO industry kung naglipana naman ang kriminalidad na dulot nito.