PH Army, nakiisa sa panawagan ni Pang. Marcos na magtipid ng tubig sa gitna ng El Niño

Mas mahigpit na ipatutupad ng Philippine Army ang kanilang programa sa pagtitipid ng tubig. Ito ang inihayag ni Phil. Army Sppkesperson Col. Xerxes Trinidad sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo. Ayon kay Trinidad, mayroon nang kasalukuyang programa ang Phil. Army sa pagtitipid ng tubig at kuryente sa kanilang mga kampo, na kanilang striktong ipatutupad. Ito’y… Continue reading PH Army, nakiisa sa panawagan ni Pang. Marcos na magtipid ng tubig sa gitna ng El Niño

Globe Group: EO sa pinadaling pagproseso ng permit para sa telco infra, magpapabilis sa digital transformation ng PH

IKINATUWA ng Globe Group, ang nangungunang digital solutions platform sa Pilipinas, ang Executive Order (EO) No. 32 ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagpapasimple at nagpapadali sa pagkuha ng government permits para sa konstruksiyon ng telecommunications infrastructure. Ang kautusan ay inaasahang magbibigay-daan sa mas malawak na digital transformation sa bansa, na nakahanay sa layunin… Continue reading Globe Group: EO sa pinadaling pagproseso ng permit para sa telco infra, magpapabilis sa digital transformation ng PH

PNP, handang humarap sa Senado kung iimbestigahan ang POGO raid sa Las Piñas

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na humarap sa Senado kung matutuloy ang balak nilang imbestigasyon sa isinagawang raid ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) sa isang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) Hub sa Las Piñas kamakailan. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, magandang pagkakataon ito para mapakinggan ang panig… Continue reading PNP, handang humarap sa Senado kung iimbestigahan ang POGO raid sa Las Piñas

Pagbili ng Philippine Ports Authority ng mamahaling gadget na isiningit sa mga infra projects, pinuna ng COA

Kinuwestyon ng Commission On Audit (COA) ang Philippine Ports Authority (PPA)  sa pagbili ng mga office equipment, furnitures at mamahaling electronic gadgets na nagkakahalaga ng P18 milyon. Sa audit report ng COA noong taong 2021 at 2022, isinama ng PPA ang desktop computers, laptops, camera, speakers at iba pa bilang bahagi ng kontrata sa dredging… Continue reading Pagbili ng Philippine Ports Authority ng mamahaling gadget na isiningit sa mga infra projects, pinuna ng COA

Ika-pitong anibersaryo ng arbitral ruling sa West Philippine Sea, pinahalagahan ng AFP

Bukas, Hulyo 12, gugunitain  ang ika-pitong anibersaryo ng pagka-panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016, kung saan kinilala ang karapatan ng bansa sa 200-mile Excusive Economic Zone sa West Philippine sea sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS). Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, mahalaga… Continue reading Ika-pitong anibersaryo ng arbitral ruling sa West Philippine Sea, pinahalagahan ng AFP

Mahigit P73B investment, inaasahang papasok sa bansa matapos ang European Investment Roadshow–DTI

Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na mas maraming negosyo at pamumuhunan ang inaasahang papasok naman sa Pilipinas buhat sa Europa. Ito ang inihayag ni DTI Sec. Alfredo Pascual kasunod ng matagumpay na European Investment Roadshow na layuning hikayatin ang mga European Businessmen na maglagak ng pamumuhunan sa Pilipinas Ini-ulat ng Kalihim na… Continue reading Mahigit P73B investment, inaasahang papasok sa bansa matapos ang European Investment Roadshow–DTI

P13M halaga ng tulong, ipinagkaloob ng U.S. sa mga apektado ng pag-alburuto ng bulkang Mayon

Pinagkalooban ng Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ng 13 milyong pisong halaga ng tulong ang mga komunidad sa Albay na apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon. Binubuo ito ng P11 milyong halaga ng direktang humanitarian assistance, at P1.86 milyong halaga ng educational materials. Sa pagbibigay ng… Continue reading P13M halaga ng tulong, ipinagkaloob ng U.S. sa mga apektado ng pag-alburuto ng bulkang Mayon

Bureau of Immigration, nais pagtuunan ng pansin ang paglulunsad ng mga makabagong teknolohiya sa kanilang tanggapan

Nais pagtuunan ng pansin ng Bureau of Immigration (BI) ang paglulunsad ng mga makabagong teknolohiya para sa pagpapabilis ng kanilang tanggapan. Ayon kay Bureau of Immigration Comissioner Norman Tansingco, nais nilang magkaroon ng modernization sa BI para makasabay ito sa mga makabagong teknolohiya sa boarder control ng ibang mga bansa. Dagdag pa ni Tansinco na… Continue reading Bureau of Immigration, nais pagtuunan ng pansin ang paglulunsad ng mga makabagong teknolohiya sa kanilang tanggapan

Dept of Agriculture at Nat’l Commission on Indigenous People, lumagda ng MOA para palakasin ang agricultural growth sa ancestral domains

Lumagda ang Department of Agriculture (DA) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng isang Memorandum of Agreement para sa pagpapatupad ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Program. Layon ng nasabing programa na palakasin ang agricultural productivity at pagbutihin pa ang access sa merkado at serbisyo para sa mga magsasaka at mga mangingisda sa mga piling… Continue reading Dept of Agriculture at Nat’l Commission on Indigenous People, lumagda ng MOA para palakasin ang agricultural growth sa ancestral domains

Pilipinas, hinimok ang mga kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mundo

Hinihimok ng Pilipinas ang mga bansang kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa at tugunan ang mga mahahalagang hamon na kinakaharap ng mundo at regional developments sa katatapos lang na Non-Aligned Movement Ministerial Meeting na ginanap sa bansang Azerbaijan. Binigyang-diin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta na hindi dapat hati ang Non-Aligned Movement… Continue reading Pilipinas, hinimok ang mga kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mundo