Pag-usad ng SOGIESC Equality Bill sa Kamara, ikinalugod ng CHR

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang pag-apruba ng House Committee on Women and Gender Equality sa revised Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, o Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill. Sa ilalim ng panukala, itinutulak ang pagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon batay sa SOGIESC. Para sa CHR, ‘long overdue’ na ang panukala na… Continue reading Pag-usad ng SOGIESC Equality Bill sa Kamara, ikinalugod ng CHR

Caloocan LGU, may programa para sa LGBTQIA+ ngayong Pride Month

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month, ay naglatag ng iba’t ibang aktibidad ang Caloocan LGU para sa LGBTQIA+ community. Pangungunahan ito ng Caloocan City Health Department (CHD) na may temang “Kulayan ang Kankaloo: Resisting Inequality, Promoting Diversity.”  Ilan lang sa mga nakalinyang aktibidad dito ang libreng STI screening, HIV discussion, Pride Talk 101, SOGIESC,… Continue reading Caloocan LGU, may programa para sa LGBTQIA+ ngayong Pride Month

Malakas na pagsingaw sa Taal Volcano, muling na-monitor ng PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng malakas na pagsi­ngaw o steaming activity sa Bulkang Taal. Sa 24-hour monitoring nito, umabot sa 2,100 metro ang taas ng plumes na napadpad sa direksyon ng hilagang-silangan. Bukod dito, may naitala ring 20 volcanic earthquakes sa bulkan, mas mababa kumpara sa 38 volcanic earthquake kahapon.… Continue reading Malakas na pagsingaw sa Taal Volcano, muling na-monitor ng PHIVOLCS

Mindanao solon, suportado ang planong pagtanggap ng Pilipinas ng Afghan refugees

Suportado ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang planong pagtanggap ng bansa ng mga Afghan refugee. Aniya, likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahabagin at mapagkalinga sa kapwa. Sakaling matuloy ang plano, may sapat naman aniyang refugee center sa bansa na maaaring magsilbing temporary shelter ng Afghan refugees. Maaari din… Continue reading Mindanao solon, suportado ang planong pagtanggap ng Pilipinas ng Afghan refugees

DICT Sec. Uy: ‘Arguable’ ang lumabas na report na 65% ng mga Pinoy ang di pa konektado sa internet

Tinawag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na “arguable” ang lumabas na report na 65 percent ng mga Pinoy ang hindi pa konektado sa internet. Sa ekslusibong panayam ng Radyo Pilipinas kay Sec. Uy kwinuwestyon niya ang inilabas na datos dahil aniya, imposible na 65 percent pa na mga… Continue reading DICT Sec. Uy: ‘Arguable’ ang lumabas na report na 65% ng mga Pinoy ang di pa konektado sa internet

Philippine Economic Briefing, muling gaganapin ngayon sa Singapore

Magsasagawa ngayong araw ang Philippine Economic Briefing (PEB) sa Singapore. Ito ay may  temang  “Unfolding New Chapters in the Philippines’ Growth Story.” Ayon sa Department of Finance (DOF) ito ay naka-schedule ngayong umaga at mapapanood sa mga official Facebook pages ng DOF, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), at Department… Continue reading Philippine Economic Briefing, muling gaganapin ngayon sa Singapore

Magnitude 6.2 na lindol, tumama sa Calatagan, Batangas; pagyanig, ramdam hanggang Metro Manila

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bahagi ng Calatagan sa Batangas ngayong umaga lang. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 10:19 AM naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 4km timog kanluran ng Calatagan. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 103 kilometro sa lupa. Naramdaman… Continue reading Magnitude 6.2 na lindol, tumama sa Calatagan, Batangas; pagyanig, ramdam hanggang Metro Manila

MWSS, muling humirit sa NWRB na panatilihin ang dagdag alokasyon sa Angat Dam hanggang June 30

Muling umapela ang Manila Water Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na palawigin pa ang dagdag alokasyon ng tubig sa Angat dam para sa mga customer ng Maynilad at Manila water hanggang sa katapusan ng Hunyo. Sa naunang desisyon ng NWRB, hanggang ngayong June 15 na lang mananatili ang 52cms water allocation… Continue reading MWSS, muling humirit sa NWRB na panatilihin ang dagdag alokasyon sa Angat Dam hanggang June 30

Halos ₱40-M halaga ng ayuda, naihatid na sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon — DSWD

Tuloy-tuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ngayon ng Bulkang Mayon. Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 14 ay umakyat na sa halos ₱40-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi na sa mga apektado… Continue reading Halos ₱40-M halaga ng ayuda, naihatid na sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon — DSWD

Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa, nagpasa ng resolusyon ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon

Nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa ng isang resolusyon na nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni dating Senador Rodolfo Biazon. Sa nasabing resolusyon, lubos na nagpapasalamat ang lungsod sa dating senador sa kanyang buhay ng pagiging makabayan, pagkakaroon ng dedikasyon sa tungkulin, at sa kanyang hindi matatawarang paglilingkod hindi lamang sa Muntinlupa, kundi pati… Continue reading Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa, nagpasa ng resolusyon ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon