Pagtatayo ng disaster food banks sa buong bansa, mai-aakyat na sa plenaryo

Posibleng matalakay na sa plenaryo ng Kamara sa pagbabalik sesyon ang panukalang magtatatag ng mga disaster food bank at stockpile sa buong bansa. Sa ilalim ng House Bill 8463 o Disaster Food Bank and Stockpile Act, ay magtatayo ng imbakan ng food supplies na magagamit tuwing may kalamidad sa bawat probinsya at urbanized city. Sa… Continue reading Pagtatayo ng disaster food banks sa buong bansa, mai-aakyat na sa plenaryo

CAAP at Pamahalaang Lungsod ng Borongan, lumagda ng kasunduan para sa development ng Borongan Airport

Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Pamahlaang Lungsod ng Borongan City sa Samar para sa development at maintenance ng Borongan Airport. Lumagda sa nasabing kasunduan sina CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo at Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan Agda. Iminungkahi rin ng pamahalaang lungsod… Continue reading CAAP at Pamahalaang Lungsod ng Borongan, lumagda ng kasunduan para sa development ng Borongan Airport

Kapakanan ng mga kabataan sa mga evacuation site sa Albay, tinututukan na rin ng DSWD

Bukod sa paghahatid ng relief goods ay sinisiguro rin ng Department of Social Welfare and Development na nasa maayos na sitwasyon ang mga kabataang inilikas sa mga evacuation center dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon sa DSWD, nagsasagawa na rin ito ng mga hakbang upang masigurong mabibigayn ng emotional at psychological support ang mga… Continue reading Kapakanan ng mga kabataan sa mga evacuation site sa Albay, tinututukan na rin ng DSWD

Sunog sa San Antonio, Makati City, idineklara nang ‘fire out’

Idineklara nang fire-out kaninang alas-dose ng tanghali ang sunog sa isang apat na palapag na gusali sa may Bakawan corner Lumbayao Street sa Barangay San Antonio, Makati City. Tumagal ng halos anim na oras ang sunog na nagsimula sa ikaapat na palapag ng gusaling pag-aari ng isang Ruddy Tan kung saan matatagpuan ang yarn area.… Continue reading Sunog sa San Antonio, Makati City, idineklara nang ‘fire out’

Pilipinas, muling pinagtibay ang commitment na labanan ang paglaganap ng “weapons of mass destruction”

Muling pinagtibay ng Pilipinas ang commitment nito sa Proliferation Security Initiative sa naging High-Level Political Meeting sa Jeju, South Korea. Ayon kay DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Ricardo “Gary” Domingo, nakikipagtulungan ang bansa sa mga partner nito na pigilan ang paglaganap ng weapons of mass destruction at ang kanilang paraan ng… Continue reading Pilipinas, muling pinagtibay ang commitment na labanan ang paglaganap ng “weapons of mass destruction”

Pagkaka-nutralisa kay Dawlah Islamiya leader Abu Zacharia, malaking tagumpay laban sa terorismo — WESTMINCOM

Matagumpay na na-“curtail” ng militar ang operasyon ng mga terorista sa bansa at sa buong rehiyon sa pagkaka-nutralisa ng lider ng Dawlah Islamiyah na si Abu Zacharia , na siya ring Emir ng ISIS sa Southeast Asia. Ito ang inihayag in AFP Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Roy Galido matapos na mapatay ang… Continue reading Pagkaka-nutralisa kay Dawlah Islamiya leader Abu Zacharia, malaking tagumpay laban sa terorismo — WESTMINCOM

Las Piñas, nagpapatuloy ang pamamahagi ng social pension payout para sa indigent senior citizens

Nagsagawa muli ngayong linggo ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas ng pamamahagi ng social pension cash-payout bilang pagsisikap na itaguyod ang kapakanan ng mga indigent senior citizen sa lungsod Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, sinisiguro nilang matatanggap ng mga senior citizen ang suportang nararapat sa kanila at mapabuti ang antas ng… Continue reading Las Piñas, nagpapatuloy ang pamamahagi ng social pension payout para sa indigent senior citizens

Sunog sa isang gusali sa San Antonio, Makati, patuloy na inaapula ng BFP

Patuloy na inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa isang apat na palapag na gusali sa San Antonio, Makati ngayong umaga. Bandang 6:34 kaninang umaga ng maiulat ang sunog sa lugar, kung saan nagmula sa ikaapat na palapag ng gusali nagsimula ang sunog. Umabot sa ikaapat na alarma ang nasabing… Continue reading Sunog sa isang gusali sa San Antonio, Makati, patuloy na inaapula ng BFP

AFP, nakiisa sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagiging ‘insurgency-free’ ng Davao del Norte

Nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagiging Insurgency Free ng Davao Del Norte. Ang okasyon ay Ipinagdiwang ng Davao Del Norte Provincial Government sa pamamagitan ng programa sa Davao Del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City kahapon. Dumalo sa aktibidad si Senator Christopher Lawrence ‘Bong’… Continue reading AFP, nakiisa sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagiging ‘insurgency-free’ ng Davao del Norte

Bagong modular treatment plant ng Maynilad sa Cavite, operational na ngayong buwan

Target ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na masimulan na ang operasyon ng bago nitong modular treatment plant (ModTP) sa Imus, Cavite ngayong buwan. Ayon sa Maynilad, oras na maging operational na ito ay magpo-produce ito ng may inisyal na 5.5 milyong litro ng inuming tubig kada araw. Ang naturang treatment plant… Continue reading Bagong modular treatment plant ng Maynilad sa Cavite, operational na ngayong buwan